You are on page 1of 3

Jenith&Diana: Hosts

Faith: Teacher
Danica: broken hearted
Tia: advocator (rally2 about human rights)
Angelica: Politician
Esmer: Anak

Magandang umaga Pilipinas, magandang umaga PNUan. Welcome sa ating talakayan


ngayong araw, ako po si Jenith Militares, at ako naman po si Diana Bual at ito ang…
PAKBET! Pak na pak sa balita, bet na bet ng masa.
Jenith: Magandang umaga sayo partner.
Diana: Magandang umaga din sayo partner at magandang umaga rin sa ating mga ka
PAKBET jan na kumakain ng almusal hellooooo...
Jenith: Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng mga bisita na ating makakapanayam at
sasagot sa ating umuusok pang katanungan kung gaano nga ba kahalaga ang
PAGSASALITA sa ating pang araw-araw.
Diana: Pak na pak ka jan partner, sila ay nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at
may iba’t ibang trabaho o sitwasyon sa buhay na kinakaharap nila ngayon.
Jenith: Wag na tayong magpatumpiktumpik pa, tawagin na natin sina Bb. Faith Magtolis,
Bb. Danica Sanglitan, Bb. Tia Havana, Bb. Angelica Panong at Bb. Esmer Jumarito.
Diana: Hello po, welcome sa PAKBET.
ALL: Salamat..
Jenith: So, ngayon po ay tatanungin namin kayo at nakadepende napo kung sino sa inyo
ang sasagot. Maliwanag po ba?
ALL: Yes po.
………….. read cards…..
Danica: So gaano po ba kahalaga ang pagsasalita sa ating pang araw-araw na gawin?
Faith: Importante ang pagsasalita dahil ito ang tinuturing nating susi sa
pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Ako, personally, bilang isang guro, napakahalaga
nito dahil nakikipagkomunikasyon ako sa aking mga estudyante sa pagbibigay ng
direksyon, sa aking mga diskusyon, sa pagbibigay ng motibasyon at marami pang iba.
Angelica: Sa akin naman bilang isang Politician. Napakahalaga ang pagsasalita at
napakamakapangyarihan din kasi sa pamamagitan ng pagsasalita, nakapagpapabago ka
ng isang desisyon ng tao, ng interes ng tao at nakakaimpluwensya ako ng tao.
Jenith: Maraming salamat sa inyong opinyon, magbabalik po ang Pakbet after the break.

……………………………………………………….advertisement………………………………………………
…………. Tia, Panong, Nikka
- Brush, Brush, Brush
- 3 Times a day
- (Repeat)
- Brush, Brush with Colgate

Jenith: Muling nagbabalik ang PAKBET…Pak na pak sa balita, bet na bet ng masa.
So next question po tayo…. Paano mo naipaparamdam sa isang tao ang mga gusto
mong sabihin?

Esmer: Bilang isang mapagmahal na anak, naipaparamdam ko ang nais kong sabihin sa
aking mga magulang sa pamamagitan ng pagsasabi ng “I love you ma, pa” “ingat po
kayo sa work” “pahinging pera”---charot. So ayon po in that way alam ng parents ko na
I super love them and I care for them also.
Danica: ang sweet naman..
Tia: Sa akin naman po, bilang isang adbokalista sa mga karapatang pantao,
naipapahayag ko ang aking pagmamahal sa aking kapwa mamamayan sa pamamagitan
ng pakikipagbaka, ipinaglalaban ko ang karapan ng mga naapi at mga nangngailangan
ng tulong. Ako ang boses ng mga nangngailangan. Ipaglaban ang karapatan!
Danica: *sob *sob ako naman po, broken hearted ako ngayon. Iniwan niya ako dahil
busy daw ako lagi sa work—doctor po kasi ako at sabi niya wala na daw akong time para
sa kanya. Hindi niya ako naiintindihan. Hindi kasi ako showy na tao. Kaya sa mga may
jowa jan, maghihiwalay din kayo----kung wala kang time makipag-usap sa kanya.
Importante ang pakikipag-usap sa isa’t – isa para mapagtibay pa ang inyong relasyon.
Natuto na ako, sana ay ganun din kayo. Salamat po
Diana: nakakalungkot naman ng iyong sinapit doc. Sana’y makahanap ka ng bagong
magpapatibok ulit ng iyong puso..
Jenith: Maraming salamat po sa inyong kooperasyon mga binibini… At dito po nagtatapos
ang ating segmet sa araw na ito.
Diana: NAwa’y may napulot kayong aral sa araw na ito muli, ito po si Diana Bual
Jenith: At ito naman po si Jenith Militares, at ito aaaaanggg..
Both: PAKBET! Pak na pak sa balita, bet na bet ng masa. Babye…

You might also like