You are on page 1of 9

“Ang Umiiyak na Mundo”

Jennelyn S. Tindugan

Noong unang panahon, sa isang madilim na kalawakan, nakatira ang walong magkakapatid
na planeta. Masaya silang umiikot kay Inang Araw sa sarili nilang ligiran. Sa walong planeta, tanging
si Mundo lamang ang nabibiyayaan ng katubigan, kalupaan, at kapaligiran.
Kaya naman, sa kanya nakatira ang mga tao. Inggit na inggit sa kanya ang ibang planeta.
“Mabuti pa si Mundo, halos na sa kanya na ang lahat. Mayroon pang mga taong nakatira sa kanya na
nagpapaganda sa kapaligiran niya,” wika ni Mars. “Oo nga, sakin nga, wala man lang taong nakatira
dahil sa sobrang init ng lugar ko,” sabi naman ni Venus.
Tuwang-tuwa naman sa mga naririnig na papuri si Mundo. “Ang swerte ko talaga, sakin pinili
ng mga tao tumira. Lalo pa akong gaganda”, masayang sabi ni Mundo habang tinitingnan ang mga
tao sa loob nito.
Paglipas ng panahon, naging matalino ang mga taong nakatira kay Mundo. “Gusto kong
palawakin ang aking negosyo, magpapatayo ako ng mga pabrika at pagawaan para mabilis ang
pagyaman ko”, sabi ng isang tao. At inutusan niya ang mga kasamahan niya na putulin at sunugin
ang mga puno para makagawa ng mga pabrika at pagawaan.
“Maghuhukay ako ng mga kayamanang nakabaon sa mundong ito para lalo pa akong
yumaman”, wika ng isang tao. At sinimulan niya ang magpatayo ng mga minahan. “Lilikha ako ng
mga makabagong teknolohiya at mga makina para mas mapabilis ang mga gawain sa buhay naming
mga tao,” dagdag naman ng isa pang tao.
At lumikha nga siya ng iba’t-ibang mga bagay na tumulong sa kaniyang bumilis ang gawain
niya tulad ng mga sasakyan, gadgets, at iba’-t ibang bahay na gumagamit ng makina. “Ilalalagay ko na
rin sa maliliit na lagayan ang aking mga ginagamit sa araw-araw para mas makatipid ako,”wika naman
ng isa pang tao. At gumawa ito ng mga maliit na paketeng tingi-tingi para sa kanyang mga araw-araw
na pangangailangan tulad ng gingamit sa pagluluto, paliligo, paglalaba at iba pa na kung saan
pagkatapos nilang gamitin ay itinatapon na.
Kasabay ng pagganda at pag-unlad, naging malaki ang pagbaabago kay Mundo. Nagkaroon
ng mga napakaraming kalat na tinatawag nilang basura. Unti-unti ring nakakalbo ang mga puno.
Dumumi na ang kaniyang katubigan. Napuno na ng usok ang himpapawid na lalong nagpainit kay
Mundo.
Nakita ng mga kapatid na planeta ang nangyari kay Mundo. “Nakakaawa ka naman Mundo.
Hindi ka inaalagaan ng mga nakatira sayong mga tao,” wika ni Venus. Buti na lang walang taong
nakatira sa akin,” dagdag pa ni Mars.
“Hu, hu, hu, hindi ko rin inakala na ito ang kahahantungan ko, kailan kaya magbabago ang
mga tao, kapag ba patay na ako? umiiyak na wika ni Mundo. Nakatingin na lamang sa kanya ang mga
kapatid na planeta. Habag na habag sa kalagayan ni Mundo sa kamay ng mga tao.

You might also like