You are on page 1of 2

Pagtatanim para sa Magandang

Kinabukasan
Pagdilat pa lamang ng aking mga mata, aking natanaw agad ang
kalawakan ng bukid. Nasa loob pa lamang ng bus ay para bang
nararamdaman ko na ang bati ng preskong hangin. Mga ibat ibang uri
ng halaman ang sumasayaw sa tuwing hinihipan ng hangin ang siyang
kumuha ng aking atensyon. Hindi rin nagpatalo ang matinding sinag ng
araw na humahaplos sa aking mga pisngi.
Akoy bumaba ng bus ng may malaking ngiti sa aking mga muka at akoy
nakatanggap ng masayang pagbati galing sa isang magsasaka, ang
kilalang bayani ng bukid. Sila ang nagtatanim at nagpapatubo ng mga
pananim pati narin ang pagaalaga ng ibat ibang hayop tulad na lamang
ng kambing, kalabaw, baka, pato ,at napakarami pang iba. Nang makita
ko ang kanilang mga ngiti, bigla akong napaisip kung ano ang
pakiramdam na mamuhay bilang isang magsasaka: mapayapa, masaya,
at masarap. Kung kayat hindi na ako nakapaghintay pang matutong
magsaka at maranasan ang nararanasan nila. Alam ko sa oras na iyon ay
marami akong matututunan na maaari kong ibahagi sa iba. Paglubog
palang ng aking mga paa sa putik ay muntikan na akong madulas.
Hawak kamay kami ng aking kaibigan papunta sa gitna ng bukiran dahil
hindi talaga namin maiwasan na madulas lalo nat unang beses sa buong
buhay namin ang lumusong sa putikan. Sa unang beses naming
pagtatanim ay nasiyahan kami dahil ganto pala ang pakiramdam at
kailangan gawin. Habang napaparami ang aming mga tinatanim na palay
ay hindi namin maiwasan ang mangalay at ang kagustuhang
magpahinga. Totoong hindi biro ang ginagawa ng mga magsasaka.
Kailangan mo ng mahabang pasensya lalo nat lagi kang babad sa araw
at paulit-ulit kang yuyuko na kung saan maaaring magresulta ng
pagkakuba. Isa pang gawain ang aming ginawa ay ang pagaararo. May
dalawang paraan sa pagaararo: Una ay paggamit ng kalabaw at ang
pangalawa ay ang paggamit ng teknolohiya. Hinding-hindi ko
makalilimutan ang nakakahiyang pangyayari na nangyari sakin na kung
saan imbis na kami ang gagabay sa kalabaw ay muntikan na kaming
makaladkad. Nagkandadulas-dulas kami pagkabitaw namin sa hawakan.
Naalala ko pa sa oras na iyon ay lumubog ng todo ang aking kanang paa
sa putik at hindi ko maihaon iyon. Tulong-tulong ang aking mga
kamagaral sa paghila sa akin pataas. Pagkatapos ay tinignan ko ang
asul na langit at nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat napakahirap ng
mga ginagawa ng mga magsasaka at buong puso ko silang
pinasasalamatan at pinagmamalaki dahil sa patuloy nilang pagtatanim.
Kung wala sila malamang ay wala narin tayong kinakain ngayon. Isa pa
ay nalaman kong hindi lang araw at linggo ang kailangan sa

pagpapatubo ng mga pananim kundi ilang buwan din at swerte ka


nalang kung walang bagyong dumating kundi uulit ka sa simula.
Marami ka dapat gawin bago mo mapatubo ng maganda ang mga iyong
mga pananim. Matapos ang lahat ng iyon ay naisip ko ang mga taong
mahilig magsayang ng kanin. Nakakalungkot man isipin dahil sa ilang
pawis at dugo ang kanilang ibinigay para sa magandang ani ay
sinasayang lang nila. Naisip ko rin na ang pagsasaka ay maaaring
maihalintulad sa buhay: kung gano mo pinagpawisan at pinagpaguran
ang isang bagay, iyon ang iyong aanihin pagdating ng panahon. Sa
madaling salita sipag mo para sa magandang kinabukasan. Tumatak ang
aral na iyon sa aking isip at puso. Hindi ko makakalimutan ang araw na
iyon. Isang magandang karanasan ang mga iyon para sa akin.

You might also like