You are on page 1of 2

Frose Ivy Alojado Fili 11

BSAB-I T-TH 10:00-1130

“PAGBABAGO AY ATING SIMULAN”

Ang pangalan ko ay si Frose Ivy Alojado. Ako ay tatakbo bilang Presidente sa ating paaralan at
ibabago ko ang paaralan hangang sa positibong makakaya sa aking sarili.

Karamihan sa inyu ay kilala ako o kahit man lamang nakakita sa akin sa paaralan. Ako ay matagal
nang naging studyante sa paaralang Visayas State University, tatlong taon na, at kilala at nakita na ang
mga punong-guro, guro, at ang mga administrador. Nakita ko ang dakilang paaralan kung ano ang kanyang
mga kailangan at kung pano eto babagohin para mabagay sa mga kailangan nito.

Ang VSU ay hindi lang na paaralan ang aking naaralan. Galing ako sa produkto nang Baybay
National High School kung saan ako ay nakatalaga bilang isang tesorero. Marami akong naranasan sa
skwelahan at kung pano gumawa para ang paaralan mapaunlad. Maari kong dalhin ang iba’t-ibang ideya
dito sa paaralang VSU. Makaya kung ayusin ang lahat nang problema dito sa paaralan.

Di lang puro salita ang aking gawin. Di lang rin puro yabang ang ipapakita ko sa inyu. Bilang maging
inyung president may gusto akong ipatupad o mga patakaran na sa tingin koy makakabuti sa ating
paaralan. Isang patakaran na gusto kong mitupad ay yung “Ang pagbabawal nang uniporme” kung saan
ito ang pangunahing gawain at naka “highlight” kapag akoy nasa posisyong presidente.

Ang pagbabawal nang uniporme ay hindi masama. Naniniwala ako na maraming mga kawalan ang
magsout nang uniporme. Bakit ito ay isa sa gusto kong ipatupad? Dahil maraming mga kabataan ngayon
na nagrereklamo sa pagsout nang uniporme. Isa na nun ang pag hingin nang uniporme sa estudyante ay
nakakawala sa kanilang kalayaan, ito’y hindi komportable sa kanila, nag-aaksaya lang sila nang pera, nag
taguyod sila nang “conformity over individuality”, at ”children’s self-image” ay mas lalong nasira kung mag
sout sila nang uniporme. Karamihan sa mga umuunlad na lugar, kagaya nang United States naniniwala na
sa isang karapatan ay ekspresyon sa kalayaan. Pag pilit nang mga estudyante para sumuko sa karapatan
na mag ekspres sa kanilang sarili sa pamamagitan nang damit ay mali.

Meron rin akong gustong ipagawa, gusto ko rin magkaroon nang mga kubeta dito sa ating
paaralan, bagama’t tayo ay kapos sa mga kubeta na kung saan bawat mga departamento ay may dalawang
kubeta lang at ito’y napakalayo. Makikita kong napakahirap ito sa mga estudyante lalo na sa mga mag-
aaral na hindi nag dodormitory. At ang pinakahuli ay ang seguridad ng mga estudyante. Magkaroon na
dito ang “No ID, No Entry Policy” para masigurado natin ang seguridad ng mga estudyante. Sisiguradohin
ko na maayos at maiwasan ang ano mang trahedya na magkaroon sa loob nan gating skwelahan. Dapat
maraming mga guwardiya ang nakabantay at gawin nila nang maayos ang kanilang tungkulin. Dito
matatapos ang aking mga plataporma. Sa aking pagpapaalam may mga tanong muna akong ibato sa inyu.

Meron ba sa inyu na nakatanong kung ano ang kailangan nyong gawin dito sa skwelahan? Meron
ba sa inyu nakatanong kung pano kayo tutulong sa kapwa estudyante nyo? Gawin ko tong tungkulin nang
seryoso at gagawin ko lahat nang aking makakaya. Pangakong makikinig ako sa inyung mga problema,
komento, o mungkahi koneksyon dito sa paaralan.

Dahil sa mga immersion ko sa iba’t-ibang opisina at kapaligiran, pakiramdam ko marami akong


madalang mabuti dito sa VSU and makatulong ako nang maayos. Sa aking pagtatapos.

Piliin nyong mabuti at observahan nyo ito kung sino talaga ang makakatulong sa VSU at hindi ito
gawing biro. Piliin nyo kung sino ang nararapat. E boto nyo ako Frose Ivy Alojado inyung bagong president,
at tayoy magtulungan para sa pagbabago at ang pagbabago ay ating simulan!

You might also like