You are on page 1of 2

TALUMPATING PANGKAMPANYA

Magandang – magandang umaga po sa ating lahat! Ako si Jerson S. Cabuyao ng

Baitang 11 Fortitude, tumatakbo bilang Presidente ng Supreme Student

Government sa ilalim ng partidong “Ilaban Mo! Partylist” ng Basud National High

School ngayong darating na halalan sa ika-5 ng Pebrero ngayong taong 2023.

Sino nga ba ako? Ano nga ba ang aking magagawa? Karapat-dapat ba ako?

Ako po ay kasalukuyang Presidente ng aming klase sa Baitang 11 Fortitude,

kasalukuyan ding Vice-President ng HUMSS Club at Kalihim ng Hiyas ng Lahi.

Wala pa man akong masyadong napapatunayan ay alam kong ako ay magagawa,

pero kung ako ang inyong iboboto ay siguradong kayo ay may mapapala. Lahat

tayo ay nasa proseso, ako, ikaw, ang ating paaralan at iba pa. Bawat isa sa atin ay

naglalayong mahubog at mapabuti ang sarili, kaya nandito ako ngayon upang

maging gabay sa paglagong iyan! Ngunit ano nga ba ang aking mga plataporma?

Ang isa sa mga nakikita kong dahilan ay ang pagkawala ng mga karapatan ng mga

miyembro ng LGBT sa loob ng paaralan. Kaya naman akin itong isususlong.

Karapatan para sa mga bakla! Kayo, ano ang opinyon niyo dito? Sapagkat para sa

akin bawat isa may maykarapatang ipakita ang kanyang sarili at nararamdaman at

ito ang nagiging problema sa ating paaralan. Ang pagpapatupad ng memorandum

na pagbabawal sa mga “cross dresser” o mga taong nananamit kabaliktaran ng


kanilang kasarian. Sa paraang ito nalalabag ang mga karapatang pantao o ang

karapatang ipahayag ang nararamdaman ng bawat indibidwal.

Bukod pa rito ay magsasagawa din tayo ng mga Zero Waste and Recycling Project

na makatutulong sa pagpapalago, pagpapaunlad at pagpapaganda ng ating sarili.

Alam niyo bang ang iba’t-ibang kulay ay nakatutulong na ikalma ang eomsyon ng

isang tao? Hindi ba’t magandang gawain ito? Napagabda na ang iyong paaralan na

nagsilbing iyong pangalawang tahanan at nakatutulong pa ito sa pagkontrol nv

emosyon ng isa tao sa mga sitwasyon tayo ay sinusubok ng tadhana.

Yun lamang po, ako muli si Jerson S. Cabuyao ang baklang artistic at versatile ng

11 Fortitude para Presidente. Numero sais sa balota para sa anim na letra ng aking

ngalan. Jerson po! J-E-R-S-O-N PARA PRESIDENTE! Maraming salamat.

You might also like