You are on page 1of 1

Ang Dalawang Anghel

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang anghel na naglalakbay. Dahil sa gabi na, sila ay
naghanap ng matutuluyan. Nakakita sila ng bahay at kumatok. Sila'y pinagbuksan ng isang
matanda, bagama't nagaalinlangan ito, kaniya pa rin itong pinagbuksan. Sila'y pinatuloy sa
maliit at masikip na kwarto, hindi rin sila binigyan ng makakain. Nang sila'y matutulog na may
nakitang butas ang nakatatandang anghel. Kanya itong tinakpan, tahimik naman nakamasid ang
nakababatang anghel.

Kinabukasan sila'y umalis na at nagpasalamat. Naglakbay ulit sila at napunta sa isang bukid.
Habang naglalakbay ang dumaing ang batang anghel na gutom na siya. Naghanap sila ng
malapit na kubo, nakita nila matandang mag-asawa, makikita rito ang kahirapan sa buhay. Sila'y
pinatuloy nito at pinakain. Nagising ang nakababatang anghel sa malakas na iyak. Lumabas ito
at nakita ang matandang babae na umiiyak habang inaasikaso ng kanyang asawa ang kanilang
baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik ang nakababatang anghel sa loob ng kubo na may
galit, kanyang hinarap ang nakatatandang anghel at sinabing "bakit mo iyon ginawa?, iyong
matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya, pero itong mga
matatandang halos lahat ng mayroon sila ay ialay sa atin hinayaan mo pang mamatay ang baka
nila.. bakit?!!". Sinagot naman ito ng nakatatandang ang anghel at sinabing " Naiintindihan ko
ang ngitngit mo munting anghel, Pero nung nandoon tayo sa mansyon ng matandang
matapobre na sinasabi mo, nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding. Hindi pa niya
iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon. Kagabi naman dumating ang
anghel ng kamtayan.. kinukuha ang matandang babae pero dahil mabait sila sa atin.. ang
kanilang baka ang aking binigay".

Ang kwento na ito halimbawa lamang na hindi lahat ng sa tingin mong maling desisyon ng
mga taong nakapaligid sayo ay laging mali, sapagkat minsan ang desisyon na iyon ay may
mabuting intensyon sa iyo.

You might also like