You are on page 1of 7

REHIYON II:LAMBAK NG CAGAYAN

Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa


hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras
at ng Sierra Madre.

Mga lalawigan at kabisera na bumubuo sa Rehiyon II


 Cagayan- Tuguegarao
 Isabela-Lagan
 Nueva Vizcaya- Bayombong
 Batanes- Basco
 Quirino- Cabarroguis

Mga halimbawa ng ilog na matatagpuan sa Rehiyon II:


a. Cagayan River
b. Chico River
c. Magat River
d. Pinacanaunan River

Mga Katutubo sa Rehiyon II:


 Ivatan sa Batanes
 Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya
 Dumagat
 Isneg
 Ita
 Igorot
Mga punung-kahoy na matatagpuan sa bulubundukin ng Rehiyon II
 Benguet Tree
 Narra Tree
 Ipil-ipil
 Teak
 Mahogany

Likas na Yamang Mineral ng Rehiyon II


 Bakal
 Pilak
 Ginto
 Limestone
 Manganese
 Graba
 Bato

Mga Produkto ng Rehiyon II


 Tabako
 Palay
 Gulay at prutas
 Halamang- ugat
 Cacao
 Kape
 Rattan
 Kawayan
Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II

 Epiko
- ang literatura ng Ibanag ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos.
- ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang
kuwento ni Biuag at Malana.
- ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno
at mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon.

Si Biuag at Malana
(Ang Epiko ng Cagayan)
- Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang
matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan.
-Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan.
- Si Malana ay katulad din ni Biuag na may kapangyarihan.
- Hinamon ni Biuag si Malana sa isang labanan para sa babaeng kanilang parehong
napupusoan, kung sino ang mananalo siya ang makakaangkin sa dalaga.
- Naglaban ang dalawa at si Biuag hinagis niya ang punong niyog kay Malana subalit
hindi ito natamaan. Hinugot ni Biuag ang sibat para matamaan si Malana sa puso subalit
tumama ito sa ilog.
- Nang maubos na ang dalang kagamitan ni Biuag bago magtapos magsalita si
Malana ay agad kumuha si Biuag ng pinakamalaking buaya sa lawa at pinilit itong ibinuka
ang bunganga ng buaya.
- Nang dahil dito nagsalita ang dalaga na siya pala ang anak ng diyos na nagbigay ng
kapangyarihan kay Biuag.
- Pagkatapos matalo si Biuag ay hindi na siya muling nakitang, inilunod niya ang
kaniyang sarili sa ilog dahil sa sobrang hiya.

 Salomon
- ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o
instrumentong may limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng
altar.
- Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo,
pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo.
- ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape,
tsokolate, at iba pa.
- sa isang bahagi nang epikong kanta ay makikita ang mga
linyang ito:
Anni i ibini wagi?
(What are you sowing, brother?)
Said the farmer: Batu i paddag gunak ku ibini.
(I am sowing pebbles.)
Said Mary: Batu nga imulam, batu nga emmu gataban.
(Pebbles that you sow, pebbles that you)

 Verzo
- ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay
isang awit na may apat na linya at tugma.
- Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa
mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang verso ay
karaniwan ding nagtuturo ng moralidad.
- ilang mga halimbawa ay ang “ossse-osse” at
“kilingkingan”.

Halimbawa:
Arri ka mavurung ta
Kabaddi ku lalung, kuak
Ku mamayappak, kannak
Ku utun, gukak.

(Ibig sabihin): (Worry not my being a small cock,


For when i fly to attack)
 Awit
- ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas
ang mensaheng dinadala nito ay pangako at pagtatapat.
- Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag ay
umabot sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung
saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa
mga "magingnganay" na natitipuhan nila.

Halimbawa:
Pagayaya ay a metallugaring
I pattaradde tam ngamin,
Pagayaya I palu paggia
Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang
Kegafuanan na kapawan
Na ziga nganufulotan.
(REJOICING )

Ibig sabihin:
Happiness is the end
Of our being together
Happiness is the well-being
And elimination of suffering.
May it be that this occasion,
Bring us satisfaction
Which will make us forget
Our hatred and suffering.)

 Salawikain
- ang mga salawikaing Ibanag o “unoni” sa lokal na
dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula.
- Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.

Mga Halimbawa:
Mammula ka ta mapia, gataban noka.
(He sows goodness, reaps gratitude.)

Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta


davvun.
(Nobody goes up who does not come down)

 Bugtong
- ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag
bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso,
maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino.
- ito ay itinuturing pang-relaks kapag pagod.
Mga Halimbawa:
Nu magitubang atannang, nu manaddak, alinno.
(When it sits, it is tall, when it stands it is small.)
Sagot: Aso
Sinni pano y tadday mga babay,
Kanan na baggi na maguroray
(Who can be the lovely lady,
That eats her own body)
Sagot: kandila

You might also like