You are on page 1of 2

Ibat Ibang Uri ng Teksto

Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto

1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari,
bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at
inilalahad nang buong linaw at kaisahan

Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto ay
tumutugon sa tanong na bakit.

Halimbawa: mga editoryal

3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.


Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay


Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.

Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng
hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng wastong
pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga tanong na
paano at kailan.

8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays ng
mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.

9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad
na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.

Isang sanaysay sa Filipino


Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon
ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science,
English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang
dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng
kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging
kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat
ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

Link: http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html

You might also like