You are on page 1of 1

Banghay Aralin sa Filipino 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

I. Layunin

a. Natutukoy ang mga bahagi ng liham at ang kahalagahan nito sa talakayan klase.
b. Nakabubuo ng isang liham para sa taong gustong kausapin.
c. Nailalapat ang mga bahagi ng liham sa pagsulat ng liham pahintulot sa pananaliksik.

II. Paksang Aralin

 Paksa: Liham Pahintulot


 Sanggunian: slideshare.net/bahagi-ng-liham-39802848
 Kagamitan: Laptop, Projector

III. Pamamaraan

a. Pagganyak
 Paano nakikipag-usap ang mga tao noon sa kanilang kausap na nasa malayong lugar?
 Bakit napakahalaga ng liham?
 Mayroon pa bang gumagamit ng liham? Bakit pa rin nila ito isinasagawa?
b. Pagtalakay ng Aralin
 Liham Pahintulot
 Bahagi ng liham
 Bakit mahalaga ang pagbuo ng liham sa pagkuha ng datos?
c. Gawaing Pagpapayaman
 Sumulat/ Bumuo ng isang liham para sa taong gustong kausapin. Ilagay sa kalahating
bahagi ng papel.

IV. Paglalapat

 Magpapakita ng halimbawa ng liham pahintulot sa pananaliksik (Kalakip ng papel).


 Bilang isang pangkat, bumuo ng isang liham pahintulot na nagsasaad ng permisyon na
magbigay ng talatanungan sa mga respondente.
 Pagwawasto ng mga liham sa burador.

Inihanda ni:

Jenno L. Peruelo, LPT


Guro

You might also like