You are on page 1of 1

Drogang sa atin ay nakapipinsala

Mga pasakit at hirap ang syang dala

Walang hatid na buti sa ating kapwa

Taong madadamay ay kawa awa

Heto na 3x

Ahaaaaaa

Chorus:

Droga'y iwasan, buhay ingatan 3x

Ingataaaan...

Mga kapwa ko kayo ay binabalaan

Sa kapahamakang droga ang may laan

Tayo ay sumunod, pag asa ng bayan

Kung di nama'y paalam aking kaibigan

(Repeat chorus)

Ang bawal na gamot ay nakamamatay

Ating isipin pamilyang umaagapay

Buhay mo, buhay ko ating iligtas

Mula sa pinsalang sa atin ay uutas

(Repeat chorus)

Wag nating hintaying tayo'y malulong pa

Mapinsalang gamot ay puksain na

Aking minamahal na mga kaibigan

Atin nang piliin ang tamang daan

(Repeat chorus)

You might also like