You are on page 1of 2

Ganap na Kompetisyon

-Ang ganap na kompetisyon ay kung sinumang negosyante ay walang kapangyarihan na


paltan ang presyo sa pamilihan.

Di-ganap na Kompetisyon
-Malaki ang pagkakaiba ng hindi ganap na kompetisyon sa ganap na kompetisyon. Sa hindi
ganap ay may kumokontrol sa presyo, may pumipigil sa pagpasok ng negosyante at tindera sa
indstriya, limitado ang pagpipiliang produkto at nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante.
Ang mga pamilihan na di-ganap ang kompetisyon ay ang sumusunod:
•Monopolyo
•Monopsonyo
•Oligopolyo
•Monopolistikong Kompetisyon

Mga Katangian ng Bawat Estruktura

•Ganap na Kompetisyon
1. Magkakatulad ang mga Produkto
Ang mga produkto sa ganap na kompetisyon ay magkakatulad o homogenous
kagaya ng mga produkto na malimit makikita sa palengke. Walang pagkakakilanlan kung sino ang
nagprodyus ng isang produktong agrikultural, gaya ng bigas, mais, gulay, isda, itlog, asin, at iba pa.
Sa estrukturang ito, hindi kailangan nag pag-aanunsyo dahil ang mga katangian ng mga produkto
ay magkakagaya. Alam ng mga mamimili ang pakinabang sa pagbili ng bigas, asin, saging at iba
pa.
2. Marami ang Mamimili at Tindera ng Produkto
Ang pagkakaroon ng napakaraming mamimili at negosyante ng produkto ang isa sa
dahilan ng kawalan ng puwersa o kapangyarihan na magtakda ng presyo. Ang karamihan ng mga
nagtitinda sa ganap na kompetisyon ay maliit na negosyante lamang, kaya hindi nila makaang
kontrolin ang pamilihan. Ang kinahihinatnan nito, hindi sila maaring makapagtakda ng mataas na
presyo kumpara sa ibang magtitinda. Sumusunod lamang sila sa presyong umiiral sa pamilihan.
Kapag nagtaas sila, maaaring lumipat sa iba ang kanilang mga suki at mamimili. Ang mga
magtitinda ay nagsisilbing price taker sa kadahilanang wala silang impluwensiya sa presyo.
3. May Kalayaan sa Paglabas at Pagpasok sa Negosyo
Ang sinumang magtitinda ay may kalayaang makapamili ng mga produkto na nais
niyang ibenta. Karamihan sa kanila ay mga maliliit na negosyante lamang, kaya madali paara sa
kanila ang lumabas sa industriya o magsara, kung saan hindi sila nagkaroon ng kita.
4. Malayang Paggalaw ng mga Salik ng Produksyon
Upang maging ganap ang kompetisyon sa isang pamilihan ay dapat walang
sinumang negosyante ang nakakakontrol sa paggalaw ng mga salik ng produksiyon.
5. Sapat na Kaalaman at Impormasyon
Ang bawat magtitinda at mamimili ay dapat na may ganap na kaalaman sa
nangyayari sa pamilihan. Ang mamimili ay dapat malaman ang presyong umiiral sa kasalukuyan
upang maisaayos ang pagkekwenta o pagbabadyet ng kita, mabili ang pinakamaayos na
produkto sa pinakamurang halaga at ang huli ang magkaroon ng kasiyahan. Ang negosyante
naman, ang mga katangiang ito ay makatutulong upang makagawa ng desiyon kung anong
produkto ang gagawin at ipagbibili. Ang kaalaman sa mga gastusin ay magiging daan upang
piliin ang mga produkto na may pinakamababang gastos, ngunit makapagbibigay ng
pinakamalaking tubo sa kanila.
•Di-ganap na Kompetisyon

1. Monopolyo
Ito ay isang estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbebenta ng produkto

You might also like