You are on page 1of 3

Tunay na napakahalaga ng wika sa karunungan ng tao sapagkat

ang karungan ang siyang pinakamahalaga para sa mga ito. Ang wika

ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa

tao, paligid mundo, obhetibng realidad, panlipunang realidad,

politika, ekonomik at higit sa lahat ang kultura.

Ayon kay Dr. P Pineda, sa aklat na Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino na “ sagisag ang

wika, durungawan ng kultura ng lipunan ang wika. Ito ang dahilan

kung bakit ang sariling wikang panlahat ay pinili ng mga

makabagong lipunan na nagapagpahayag ng kanilang pambansang

pagkakakilanlan at buklod pa rin ang pagkakaisang panlahi. Ang

sariling wikang panlahat ay buklod ng pambansang pagkakaisa at

pahayag ng pagkakakilanlan. Tayo ay nasa panahon pa ng

pagpapaunlad at pagpapalaganap ng ating wikang pambansa-

Filipino”.

Dagdag pa rito, binanggit rin niya na Matalik na magkaugnay

ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng lipunang

pinag-uugatan ng wikang ion. Ang isang kultura’y maipapahayag

ang katapat sa wikang kakambal ng naturang kultura.

Pinatunayan ito ni Dell Hymes (1972) isang lingguwista at

antropologo, hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang


pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang

pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.

Nagpapahiwatig lamang na dapat mabatid ng isang tao ang

tamang ayos ng sasabihin, dapat sabihin, dapat pag-usapan,

kanino lamang pwedeng sabihin, saan sasabihin at paano

sasabihin. Ayon sa mga pag-aaral si Dell Hymes ay higit na

interesado sa simpleng tanong na “paano ba nakikipagtalastasan

ang isang tao?. Mula sa kaniyang pag-aaral ay ipinakilala niya

ang konsepto ng kakayahang pangkomunikayatibo o communicative

competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko.

Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang

tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang

pangungusap. Ang kakayahang komunikatibo naman ay tumutukoy sa

angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng

isang interaksyong sosyal.

Hinimok ni Dr. Hymes ang kaniyang mga tagasunod na pag-

aralan ang lahat ng uri ng diskursong nangyayari sa buhay tulad

ng usapan ng mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga bugtong

You might also like