You are on page 1of 8

MODYUL 16:

PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG


PAMUMUHAY
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikaapat na Markahan
Inihanda ni: Mary Krystine P. Olido
Mahalagang Tanong:
Bakit mahalaga ang tamang pagpili
ng track at stream sa senior high
school sa paghahanda para sa
minimithing uri ng pamumuhay sa
lipunan?
“We live in
‘Exponential Times’”

– Karl Fisch
Sa pagpapasya, nararapat na gamitin mo
ang iyong natutuhan tungkol sa paggawa ng
mabuting pasya.
1. Magkalap ng kaalaman.
2. Magnilay sa mismong aksiyon.
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon.
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang
iyong personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon.
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon.
3. Pagkatapos makakalap ng kaalaman at mapagnilayan ang isasagawang pagpili ay
mayroon ka ng kahandaan upang piliin ang sa iyong palagay ay tama at
nararapat.
4. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
5. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
6. Pag-aralang muli ang pasiya.
2 uri ng organisasyon
Mga kasanayang hinahanap sa mga
skilled workers o manggagawa sa ngayon :
 Basic Skills: Kabilang dito ang mga pangunahing
akademikong kasanayan tulad ng pagbasa, pagsulat at pagtutuos.

 Technical Skills: Ang computer skills ay maaring


maging isang pangunahing kailangan o baseline requirements sa
maraming trabaho sa hinaharap. Ang mga manggagawa sa ngayon
ay gumagamit ng patuloy na nagbabagong teknolohiya sa
pakikipagtalastasan, pagkuha at paggamit ng impormasyon at sa
industriya o produksiyon.
Mga kasanayang hinahanap sa mga
skilled workers o manggagawa sa ngayon :
 Organizational Skills: Ang mga pagbabago sa estruktura at
pamamahala ng mga organisasyon gayon din ang mga pagbabago sa
ugnayan sa pagitan ng manggagawa at mga tagatangkilik o customer, ay
nangangailangan din ng mga karagdagang kasanayan sa mga manggagawa.

 Company Specific Skills: Dahil sa patuloy na tumataas at


nagbabagong teknolohiya, nagbabagong merkado at dumaraming
katunggali, ang mga kumpanya o industriya ay napipilitang gumawa ng
sariling mga inobasyon, pagbutihin at gawing napapanahon ang mga
produkto at serbisyo, at magbigay ng tuon sa patuloy na pagpapaunlad ng
proseso ng paggawa.

You might also like