You are on page 1of 4

Robles, Reena Theresa M.

2/27/17

Grade 9- Dalton Gng. Longasa

Script ng Noli Me Tangere

(kabanata 28-30)

Kabanata 28 (Mga Sulat):

Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga
pamunuan ng bayan na malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga
Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga paring Franciscano ang namamahala sa
marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga kilalang mamamayang
Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila. Nasasaad din sa balita ang dalawang
banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan
sa kura sa kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni
Don Santiago delos Santos upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso
Verdolagas. Nabanggit din ang mga artistang gumanap sa dula ang mga balitang artistang sina
Ratia, Carvajal at Fernandez subali’t dahil sila ay nagsasalita lamang ng Espanyol, marami ang
hindi nakaunawa sa kanilang mga sinasabi. Mas ginusto nila ang komedya sa Tagalog. Hindi
dumalo si Ibarra kaya nagtaka ang karamihan,
Idinaos ang prusisyon ng Birhen Dela Paz ng alas onse ng umaga, kinabukasan.
Kasama rin ang mga karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Pagkatapos ng prusisyon
ay magkaroon ng misa kantada nay orkestra at mga artistang umaawit. Ang nagbigay ng
sermon ay si Pari Manuel Martin. Sumunod ang sayawan kung saan hinangaan si Kapitan
Tiyago. Si Maria Clara naman ay hinangaan sa nagniningning nitong brilyanteng ibinigay ng
kaniyang ama. Ang sulat ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ay pag-aanyaya para
ito dumalo sa pista at makapaglaro sa monte nina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan
Joaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul. Sinabi niya niya na nanalo si Carlos ang Intsik.
Binanggit din niya ang hindi pagsipot ni Crisostomo Ibarra.
Si Crisostomo Ibarra naman ay tumanggap ng sulat na dala ni Andeng. Sulat na galling
kay Maria Clara na nagsasaad na ilang araw na silang hindi nagkikita at ipinagdarasal niya na
gumaling ito sa sakit.Sinabi rin niya na kinausap niya ang kaniyang ama para dalawin si Ibarra.
Inanyayahan din ni Maria Clara na dalawin siya para makadalo siya sa paglagay ng unang bato
sa iskwela.
Robles, Reena Theresa M. 2/27/17

Grade 9- Dalton Gng. Longasa

Script ng Noli Me Tangere

Kabanata 29 (Ang Umaga):

Ginising ng malakas na tugtog ng mga banda ng musiko ang mga pagod at nahihimbing pang mga taong-
bayan. Pinatunog ang mga kampana at inumpisahan ang mga paputok. Muling nabuhay at sumigla ang
paligid. Nakabili na sila ng napakaraming kandila at dahil kumita nang Malaki ang mga Tsino, ibig ng mga
itong magpabinyag sa Katoliko bilang pasasalamat. Ngunit sabi naman ng iba na gusto lamang ng mga
ito na makapag-asawa. Nangatwiran naman ang mga babaing relihiyosa.

Mga babaeng relihiyosa: kung mangyari iyon, magpapatuloy ang himala dahil mga magiging asa-asawa
na nila ang kukumbinse sa kanilang magkatoliko.

Samantala, nagbihis ang taong bayan ng pinakamagara nilang kasuotan, saka inilabas ang kanilang mga
alahas.
Tenyente Mayor: Malungkot yata kayo kaysa dati. Marami ba kayong dapat iyakan kaya ayaw niyong
magsaya?

Pilosopo Tasyo Ang pagsasaya ay di paggawa ng kalokohan---tulad ng pagwawaldas ng salapi.Ah naisip


kong pagtatakip sa karaingan ng lahat ang paglulustay na ito, ang pagsusugal, ang pagsasaya. Isiping
ginagawa ito sa gitna ng kahirapan at pangangailangan!

Magbitiw ka!

Tenyente Mayor: Magbitiw? Oo.. kung ang posisyong ito ay isang karangalan at di isang pabigat!

Puno ng tao ang patyo ng simbahan. Bihis na bihis ang lahat mula bata hanggang pinakamatanda,
nagkakagulo, pumapasok at lumalabas sa masikip na pintuan ng simbahan.

Hermano mayor: mangumbida kayo sa mga taong nasa kalye, tulad ng mga nagbanggit sa ebanghelyo.

Parang eksena ng pagkakagalit ang pag-iimbita dahil pinipilit ang mga tao na uminom ng kape, tsokolate,
tsaa o kaya’y kimain ng suman na minatamis at iba pa.

Idadaraos na ang misang tinatawag na misang Dalmatika, na ang mag mimisa ay si Padre Salvi.

Hermana ng V.O.T: Ginawa niya ang sakripisyong ‘yan para makamit natin ang kalangitan at magbalik
loob tayo sa Diyos!

Hermana ng Santisismo Rosario: Pinarurusahan siya ng Virgen De La Paz!


Lumabas ang prosisyon ng ikawalo’t kalahati ng umaga. Tulad din ng kahapon ang ayos dito, luban sa
paglahok ng V.O.T. na binubuo ng matatandang lalaki at babae at dalagang matatanda ma nakaabitong
Pransiskano.
Nang makita ang pari, itinuwid ng bata ang maliliit nitong kamay, masayang tumawa at pautal na
sumigaw sa gitna ng katahimikan.
Robles, Reena Theresa M. 2/27/17
Bata: Pa…pa! Papa! Papa!
Grade 9- Dalton Gng. Longasa

Script ng Noli Me Tangere

Kabanata 30 (Sa Simbahan):

Punong puno ang simbahan. Nagtutulakan, nagsisiksikan, dumaraing ang ilang pumapasok at lumalabas.
May hindi maabot ng kamay ang agua bendita; may natatapakan kaya umaangil, nagmumura.

Dalaga: Benditado kung benditado, pero ang kulay naman…

Pilosopo Tasyo: Dalawang daan at limampung piso para sa minsang sermon ng isang tao. Ikatlong
bahagi na iyon ng bayad sa lahat ng komedyanteng tatlong gabing magtatrabaho! Talagang
napakayaman na ninyo!

Maestro ng V.O.T.: Ano ang kinalaman n’yan sa komedya? Nakabubulid ng kaluluwa sa impyerno ang
komedya; ang sermon ay nakapag-aakyat ng kaluluwa sa langit. Kahit magbayad kami ng isang libo sa
sermon, magpapasalamat pa kami!
Pilosopo Tasyo: May katwiran kayo.mas nakalilibang ang sermon kaysa komedya.

Kasapi: Para sa akin, kahit komedya’y di nakalilibang! R=tama ka! Hindi mo naman naiintindihan ang
pagkakaiba ng komedya at sermon!

Lumayo na si Pilosopo Tasyong pinabayaan lamang na sya’y laitin at sabihang may malubhang
mangyayari sa kanya.

Nagsisigawan at nag-iiyakan ang nga batang pinalalabas ng mga sacristan. Pinag-isip nito ang maestro ng
samahang Santisismo Rosario.

Maestro: Bayaang lumapit sa akin ang mga bata, sabi ni Hesukristo. Pero ang ib9g sabihin, ‘wag umiyak
ang bata.

Hermana puti: Makinig ka. Maririnig mo ang sermon na pang-Biyernes santo!

Dumating din sa wakas ang alkalde mayor.

Magsasaka: Aba! Isang guwardya sibil na nakasuot ng komedyante!

Siniko ito ng katabi

----: Tanga! Si Prinsipe Villardo ‘yan na napanood natin kagabi sa teatro.

Nagsimula ang misa.

Kapitan Tiago: Bawat isa sa mga kura namin ay kahanga-hanga kaysa lahat ng mga emperador.

Nagising naman ang naghihilik na si Hermana Puti at binatukan ang apo nang makitang natutulog din ito.
Maya-maya’y nalibang ito nang makakita ng babaing dadaguk-dagukan ang dibdib dahil sa “tindi” ng
pananalig. Dumaan si Padre Damaso sa gitna ng mga tao.

Padre Damaso: Sige, kapatid. Buksan mo na ang kwaderno!

You might also like