You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
MINTAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Taong Panuruan 2019-2020

BANGHAY-ARALIN

Petsa: Pebrero 26, 2020


Paksa: Amang Mapagmahal, Amang Mapaghangad (Saknong 84-104 ng awiting Florante at Laura)
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: video clip ng isang tv commercial na tumatalakay sa pagsasakripisyo ng isang ama, tatlong
manila paper

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapaglahad ng sariling karanasan o karanasan ng iba na maitutulad sa napanood na palabas sa


telebisyon o pelikula na may temang pag-ibig, gaya ng sa akda (F8PD-IVc-d-34; PK, PL);
B. nakapagtalakay nang pangkatan sa nilalaman ng mga piling saknong (PK);
C. nakapagsagot sa mga ipinukol na tanong (PU, PL, PS); at
D. naisakatuparan ang mga aktibiting iniatas sa bawat pangkat (PT, PB).

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay sa nakaraang piryud.


 Manonood ang klase ng isang tv commercial na magpapakita ng mga sakripisyong gagawin ng isang
ama. Bibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon upang magbigay ng kanilang saloobin hinggil dito.

B. Interaksyon

 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay magtatalakay sa nilalaman ng mga piling
saknong (papaalalahanan ang mga mag-aaral na maaari silang mapili sa pag-uulat upang mapilitan
silang sumali sa diskusiyon).
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tig-iisang manila paper upang maging sulatan ng kani-kanilang mga
aktibiti:
a. Unang Pangkat  Gumawa ng isang venn diagram na maglalahad sa pagkakapa-
reho at pagkakaiba nina Duke Briseo at Sultan Ali-Adab.
b. Ikalawang Pangkat  Gumawa ng isang double entry journal hinggil sa kung sino sa
dalawang ama ang dapat hangaan at tularan
c. Ikatlong Pangkat  Gumawa ng isang fish bone map na magbubuod sa mga pang-
yayari ng nasabing kabanata.
 Pipili mula sa mga pangkat ng isang representante upang maiulat ang kani-kanilang gawa. Pupukulan
din ang ibang kasapi ng mga tanong hinggil dito.

C. Integrasyon at Pagtataya
 Sa loob ng kani-kanilang mga kuwaderno, bubuo ang mga mag-aaral ng angkop na islogan na
maiuugnay sa aralin. Mamarkahan ang kani-kanilang gawain sa pamamagitanng rubriks na ito:

MGA PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGANG


(3) (2) PAG-
IBAYUHIN
(1)
Nilalaman (x3) Angkop ang mga ibinigay na Angkop ang kalimitan sa mga Hindi akma ang mga inilahad
ideya; mabibisa ang mga ibinigay na ideya; mabibisa na ideya; may kaunti o walang
salitang ginamit; gumamit ng ang karamihan sa mga kataga; mabisang salitang ginamit;
sapat na bilang ng mga gumamit ng sapat na bilang ng sumulat lamang ng isang
pangungusap. mga pangungusap. pangungusap.
Gramatika (x2) May 0 – 4 na pagkakamali sa May 5 – 8 na pagkakamali sa May 9 o higit pang
gramatikong aspeto (bantas, gramatikong aspeto (bantas, pagkakamali sa gramatikong
baybay, pagkakabuo ng baybay, pagkakabuo ng aspeto (bantas, baybay,
pangungusap, atbp.) pangungusap, atbp.) pagkakabuo ng pangungusap,
atbp.)
Petsa: Pebrero 28, 2020
Paksa: Paalam, Bayan (Saknong 105 – 125 ng awiting Florante at Laura)
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: audio clip ng awiting Dakilang Lahi

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapaglahad ng kani-kanilang reaksiyon hinggil sa pinakinggang awit (PK);


B. nakapagtalakay sa nilalaman ng tampok na kabanata (PK);
C. nakagawa ng isang linen outline hinggil sa mga alaalang binanggit ng pangunahing tauhan (PU, PS);
D. nakapagsagot sa mga ipinukol na tanong (PU, PL, PS);
E. nakapagsulat sa isang monologo ng mga pansariling damdamin tungkol sa pagkapoot, pagkatakot, at
iba pang damdamin (F8PU-IVc-d-36; PT); at
F. nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin (F8PS-IVc-d-
36; PT).

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay sa nakaraang piryud.


 Pakikinggan ng klase ang awiting Dakilang Lahi nang nakapikit. Pagkatapos, bibigyan ang mga mag-
aaral ng pagkakataong maglahad ng kanilang sariling reaksiyon matapos pakinggan ito.

B. Interaksyon

 Pahahanapin ang mga mag-aaral ng kani-kanilang kapares. Pagtutulungan ng magkapares na basahin


ang mga tampok na saknong sa nasabing piryud. Habang nagbabasa, pupunan nhila ang linen outline
hinggil sa mga taong pinagpaalaman ni Florante. Bibigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
ibahagi ang kanilang gawa.
 Pupukulan ang mga mag-aaral ng katanungan hinggil sa aralin:
Mga Pamatnubay na Tanong;
1. Anong panganib ang dumating kay Florante habang siya’y nakatali nang walang kalaban-
laban sa puno ng higera?
2. Bakit hindi siya agad sinugod ng mga leon?
3. Natural lang bang maghabilin at mamaalam ang isang taong nakararamdam na nalalapit na
siya sa kamatayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Ano-anong damdamin ang namamayani kay Florante sa mga sandaling iyon? Kung
makakausap mo siya sa ganoong kalagayan, ano ang sasabihin mo sa kaniya upang kahit
paano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman?
5. Maituturing bang bayani si Florante sa kaniyang sariling bayan? Patunayan.

C. Integrasyon at Pagtataya

 Sa loob ng kanilang kuwaderno, bubuo ang mga mag-aaral ng isang monologong may habang apat (4)
hanggang pitong (7) pangungusap na maglalarawan sa pansariling damdamin hinggil sa pagmamahal
sa bayan (bibigyan sila ng sampung minutong palugit para rito). Pipili mula sa klase ng iilang mag-aaral
upang magpakitang-gilas sa kani-kanilang monologo.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

LETHJAZZ B. CABALES BB. ARLENE E. BACALSO


T–1 Filipino Dept Head
Petsa: Pebrero 28, 2020
Paksa: Pagtulong ng Moro (Saknong 126 – 155 ng awiting Florante at Laura)
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: video clip hinggil sa pagsuporta at pagtulong ng ibang bansa sa mga apektado ng NCOV, manila
paper

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapaglahad ng reaksiyon hinggil sa napanood na balita (PK);


B. nakapagtalakay sa tampok na mga saknong (PK);
C. nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin (F8PN-IVc-d-34; PU, PS);
D. nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa (F8PB-IVc-d-34; PU, PS);
E. nakapagsagot sa mga ipinukol na tanong (PU, PL, PS); at
F.

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 a
 b

B. Interaksyon

 a
 b
 c
 d

C. Integrasyon

 a

D. Pagtatataya

 a

You might also like