You are on page 1of 4

Mga Sitwasyong Pangwika

OBSEQUIO, CYPRIAN
G-12 ICT CCS
Sitwasyong Pangwika sa Kultura

Halimbawa: Nanay,Tatay at Ate at Kuya

Ginamit ito ng mga tanong nagbibigay ng pag-galang, hindi lamang sa kanilang mga magulang
kundi sa mga Nakakatanda sa kanila at hindi lamang sa Nakakatanda kundi kahit sa
nakakababata rin. Nakagawian na sa Kultura ng mga Pilipino na tawaging ng Nanay at Tatay ang
mga tanong alam nila na Nakakatanda sa kanila at Ate at kuya naman sa mga tanong hindi gaano
kalakiha ang agwat ng edad sakanila at kahit sa nakababatang hindi kakilala. Ito ay Isang paraan
ng pag-galang at pagpapakita ng kagandahan ng luob sa ibang tao na hinding hindi dapat
kalimutan ng isang Pilipino. Isang magandang kultura na pagbibigay ng paggalang sa iba na
maaari nating ibahagi sa iba.

Sitwasyong Pangwika sa Wika

Halimbawa:Petmalo,Awra,at Boom Panes

Ang mga salitang ay nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa
mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang. Ang
wikang ito ay ating ginagamit sa kasalukuyan lalo na ng mga henerasyon ng mga kabataan
ngayon. Ito ay ang mga salitang ating ginagamit na akala natin ay ayos lang at maganda para sa
atin ngunit ito ay hindi kaaya-aya sa pandinig ng iba. Ito rin an nabubuo o Sumisikat dahil sa
mga tanong Sikat na gumagamit nito na naka implowensya sa mga dito.
Swasyong Pangwika sa Edukasyon

Halimbawa:K to 12 Basic Curriculum

Ang wikang ginagamit at itinadhana ng K to 12 Basic Curriculum.

Sa mababang paaralan (K hangang Grade 3 ) ay unang Wika ang ginagamit Bilang wikang pang turo at
bilang hiwalay na Asignatura, samantalang Filipino at Ingles ay tinuturo bilang mag kahiwalay na
signatura na pang Wika.

Sa mataas na antas nananatiling bilinguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles at Filipino bilang
wikang pang turo.

Ang pagkakaroon ng bayad at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay
nakatuong ng malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin
ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatoto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit
na maunawaan at mapahalagahan ang kanilang paksang pinag-aaralan.

Sitwasyong Pangwika sa Teknolohiya

Halimbawa:Computer,at Cellphone

Ito ang mga kasangkapang araw-araw na ginagamit ng mga tao sa kanilang pang araw-araw ding
gawain upang mapadali ang mga ito. Nariyan ang Computer na karaniwan nating nakikita sa
mga Pampubliko at Pamprebadong mga lugar, ginagamit ito hindi lamang upang gamitin sa mga
online game at social media kundi upang gamitin sa mga Business transaction.
Hindi mawawala ang karaniwan nating nakikita na Cellphone o Telapono na lagi nating nakikita saanman
tayo magpunta. Ito ay ginagamit natin sa pang araw-araw nating komunikasyon sa

ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Ang mga ito ay may mabuti at masamang naiidudulot sa atin
at kong paano tau gumamit nito.

Nandiyan ang mga online games at Social media na labis labis ang paggamit ang mga tao na halos ito na
ang umubos sa kanilang kabuoang oras at panahon.

Sitwasyong Pangwika sa Panitikan

Halimbawa:Spoken Word o Spoken Poetry

Ito ay isang uri ng panitikan na naisasagawa sa pamamagitan ng pagtatanghal. Ito at ay nag kokweto o
nagsasaad ng iba't ibang mga Istorya. Kung minsan'y malungkot at kung minsan naman ay
nakakapagpatawa.

Ito rin ay tinatawag na "performance art" o pagtatanghal (ng sining). Ito ay isang pasalitang uri ng sining
at nakapukos ito sa aestetiko o arte ng mga pyesa, mga pagbikas ng salita mga punto, at boses. Ito ay
tinatawag ring "catchall" dahil sakop nito ang lahat at kahit na anu pa mang uri ng mga tulang pabigkas
gaya ng mga hip-hop, jazz poetry, poetry slams, traditional poetry readings (pagbabasa ng mga tulang) at
maaari ring samahan ng kumedya o mga prosang monologo.

You might also like