You are on page 1of 1

Bakit pati bata ay nalululong na sa maling bisyo?

Tila hindi kompleto


ang araw nila kapag hindi sila nakakahithit nito? Ano nga ba ang nabibigay
nito bakit kayo ay naloloko? Ito ba ay totoong makakabuti sa inyo o ito ang
sisira sa buhay niyo?

Ecstasy , marijuana , droga , at iba pa. Ilan lamang sa mga


ipinagbabawal na gamot na kinaadikan ng iba. Pati bata ay nakikisabayan na
at nawawala na sa isip kung ano ang tama dahil sariling magulang mismo
ang gumagawa. Kapag hindi nakahithit ay parating aborido at galit, hindi
mapakali at kulang nalang ang sarili ay itali. Marami na ang dito'y naloloko
dahil saya daw ang kanilamg natatamo, problema ay nakakalimutan at
tanging kasiyahan ang nararamdaman.

Hindi niyo ba alam na sa bawat paghithit ay posibleng kalayaan niyo


ang kapalit? Ngayon ikaw ay masaya, pero baka bukas ikaw ay nagdudusa
na. Ngayon pamilya mo ang kasama, pero sa susunod na araw mga kapwa
preso mo na. Hindi pa huli ang lahat, may panahon ka pa para linisin ang
iyong kalat. Itapon mo na ang iyong maling gawi at ikaw ay magsimula muli.

You might also like