You are on page 1of 2

PRECIOUS MICAH A.

TOMINES

Isa, dalawa, tatlo, nakikita mo ba ang nakikita ko?


Apat, lima, anim, Kalian ba kayo hihinto?
Nag-iiba ka na. hindi na ikaw yung dati, yung dati na matino pa. yung
dati na maayos pa.
Ganyan ba talaga? ang nangyayari pag ang tao’y sa droga’y nalulong
na?

Hindi na kita kilala, masyado ka ng Malala.


Kapatid, tumigil ka na.
Sa bawat sipsip, higop, singhot, wala kang mapapala
Kapatid, tama na.

Tumigil ka na sa kakasira ng iyong bukas, sa kakaubos ng iyong lakas.


Sa perang iyong iwawaldas. Kapatid, itigil mo na.
Tignan mo ang iyong sarili, sa iyong magulang wag isisi.
Tumingin ka sa salamin at tignan ang iyong pagkakamali.

Huminto ka na, huminto ka na habang maaga pa, huminto ka na


habang may panahon pa.
Kapatid, alagaan mo ang iyong sarili dahil ito ay ‘yong yaman.
Wag mong sirain ang iyong kinabukasan, wag kang gumaya sa iyong
nakikita.
Pahalagahan mo ang iyong kalusugan. Kapatid, itigil mon a yan.
Wag kang mangamba dahil may panahon ka pa.
Magbago ka na, tumigil ka na.
Wag mong pabayaan ang iyong sarili, wag kang gumawa ng
pagkakamali.
Na sa huli ay ikaw, ikaw din ang magsisisi.

Kaya kapatid, droga ay iwasan.


Katawan wag mong pabayaan.
Kung ito ang iyong sinimulan ito na ang oras para iyong tigilan.
Kapatid, magbago ka na, tama na, tumigil ka na.

Ang pamilya mo, umaasa sila.


Umaasa sila na balang araw magbabago ka, na balang araw iiwan mo
ang droga, na balang araw ay hindi mo na itutuloy pa.
Wag mo silang biguin, gawin mo silang masaya.
Sa iyong pagbabago, gawin mo silang maligaya.

You might also like