You are on page 1of 2

Ang Ingles at Filipino: Pagkakaiba at Pagkakatulad ay isang aralin na tinalakay ng pangkat apat

na tumatalakay at naglalahad ng mga batayang kaalaman sa Wikang Filipino. Ito ay patungkol sa paano
nga ba ang mga wikang nabanggit ay nagkakapareho at nagkakaiba/ Mula sa estruktura hanggang sa
paggamit at pagsalin ng dalawang nasabing wika.

Ako ay nagulat at namangha sa aking nalaman tungkol sa kanilang diskusyon at talakayan noong
nakaraang lingo. Dahil may mga bagay akong hindi pa alam patungkol sa nasabing paksa at sa kabilang
banda ako ay nakapulot ng mga aral at kaalaman. Nasiyahan ako sa buong talakayan dahil sa masayang
partisipasyon at atake ng paglalahad ng mga aralin.

Nalaman ko namadaming pagkakatulad ang wikang Ingles at Filipino. Mula sa katangian


halimbawa ay ang pagiging payak, maylapi, inuulit, tambalan na mayroon pag binubuo na iba’t ibang
salitang batay sa kahulugang gagamitin sa pangungusap. May pag – aangkin rin palang nagaganap sa
dalawang wikang nabanggit. Dahil ayon sa reporter ay may iba’t ibang paraan ng pag – aangkinng mga
salitang hiram na nagaganap sa komunikasyong Filipino. Una ay ang pagsasalin ayon sa katutubong
gamit na nagsasabing ang mga salitan gugat ay nagkakaroon ng sariling porma at nagaangkin sa
pamamagitan ng mga panlapi. At nagkakaroon ng karagdagang kamalian sa pagsasalin dahil mayroon
tayong tinatawag na kotemporaryong kahulugan na nakakagulo sa nais ipahiwatig ng mga nagsasalita o
may akda na gagamit ng mga salitang nakaugnay dito. Pangalawa ay ang paglalapat ng katutubong
pandamdam sa panahuman sa dayuhang pananalita. Dito papasok ang pagkakaiba ng dalawang wika
kung pagbabatayan ang istandard na Ingles. Pangatlo ay ang pag – uulit sa salitang inangkin na
naglalahad ng pag – aangkin ang pag – uulit na isa sa mga kayarian ng salita sa wikang Filipino.

Hindi lamang ang dahilan ng pag punan ang kahulugan sa talasalitaan ng wikang Filipino at Ingles
ang dahilan kung bakit tayo nagamit ng salitang hiram. Marmai rin pala itong gamit at papel tulad ng
katumpakan, tanda ng pagbabago, oa – impress, pagkukubli, pagpapatawa na ginagamit sa pangaraw –
araw na pagkikipagkumonikasyon.

Sa lahat ng aral na aking nalaman at natutunan mula sa pangkat na ito. Ang tumatak sa aking
isipan ay ang pagkakaroon ng malalim na pagunawa at pagintindi sa dalawang wikang isasalin mo. Ang
wikag Ingles na matatapugan nasaan ka man sa bansa. Ginagamit sa araw – araw na pamumuhay at pati
na rin sa paaraln. Nakikita sa telebisyon, social media at pahayagan, naririnig sa radio at iba pa. Mainam
na magkaroon muna ng malawak na pagunawa at pakahulugan kung ikaw ay magsasalin sa wikang
Ingles tungo sa wikang Filipino upang maiwasan ang mga kamalian at magkaroon ng maayos na
pagsasalin.
Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Filipinoa ng nireport ng panglimang pangkat mula sa
batayang kaalaman sa Wikang Filipino. Ito ay naglalaman ng mga pagbabago ng ating alpabeto dahi na
rin sa mabilis na pagbabago ng panahon. Mula sa dalawampung letra ay nagtungo tayo sa tatlumpu’t isa
hanggang bumaba sa dalawampu’t walong letra.

Ako ay nagkaroon ng karagdagang kaalaman pagkatapos ito ilahad at ireport ng aking mga
kamag-aral. Dahil ako ay mulat na sa kung anong alpabeto ng wika natin tayo mayroon ngayun. Hindi ko
alam na madami palang napagdaan na mga pagbabago at pagrebisa sa ating alpabeto.

Nagkaroon ng tatlong tuntunin ang naganap sa pagmomodernisa ng ating alpabeto. Una ay ang
tuntunin na inilabas noong 1976 na nagsasabing ito ay solusyon sa mabilis na pagdebelop at pagbabago
sa wikang Filipino. Upang iangkop sa modernong panahon an gating alpabeto ito ay nagkaroon ng
pagbabago sa mga ortograpikong tuntunin. Mula sa dalawampung letra ay nagdagdagan ng labing isa na
naghantong s a pagkakaroon ng tatlumpo’t isang letra sa alpabeto. May iab’t iba ring tuntuning inilabas
upang maiayon sa pagmomodernisa at pagbabago n gating wika kasama nadin ang pagtanggap ng mga
ibang wika mula sa rehiyon at banyagang wika. Ang kakulangan at pagiging limitado ng nasabing
tuntunin noong 1976 ay nabigyang lunas noong inilabas ang tuntunin taong 1987. Nanaglalayon ng mas
simpleng alpabeto na mula tatlumpu’t isang letra ay mababawasan ng tatlong letra. Kagaya ng tuntunin
oong 1976 ito rin ay may iba’t ibang mahahalagan tuntunin na ayon sa paksa at dahilan ng pagbuo ng
tutuninig ito. Taong 2001 naman ng nagkaroon ng rebisyon na napalitan lamang ng iilang detalya sa mga
letra at paggamit nito. Mayroon din palang tuntunin sa pagbabaybay at paghiram ng mga salita. Na
mayroong madaming saklaw na nagbibigay diin sa kahalagahan at gabay sa paghihiram ng mga
banyagang salita.

Mula sa tinalakay ng panglimang grupo ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa historya at


pinagmulan n gating sariling wika ay mahalaga. Bukod sa pagbibigay ng karagdagang kaalaman maari rin
itong susi sa maayos na paggamit ng wika at pagyabong nito. Nalaman kong hindi basta basta at padalos
dalos ang pagbaybay at paghiram ng mga banyagang salita. Ang pagtatalakay nito ay malaking tulong sa
aming mga mag aaral nagamit nito. Kung patuloy ang lahat ng mga Pilipino sa pag aaral ng mga ganitong
paksa ay maiiwasan ang mga kamaliang nagaganap sa araw – araw na paggamit nito at sa
pakikipagkomunikasyon.

You might also like