You are on page 1of 7

Pamumuno ng Espanya (1521–1898)

 Ang Pagtuklas sa Pilipinas

 Ang Pilipinas ay unang natuklas ni Ferdinand Magellan (pangalang espanyol:


Fernando Magallanes|pangalang portuges:Fernão Magalhãnes) noong ika-16 ng
Marso 1521.

 Ang Buhay ni Magellan

 Nakasama na si Magellan sa mga ekspedisyon ng tatay niya sa Aprika noong


25-taong gulang pa lang ito. Umasa na siya noon na makapagsagawa ng isang
ekspedisyon papuntang Indya.

 Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas

 Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng


mga Español na pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong 16
Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa
Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.

 Kolonya ng Espanya

 Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang


makarating ang ekspedisyon na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa
Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga
maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.

 Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

 Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang


salakayin ng mga Ingles ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya
sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik sa
pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang bansa noong 1764.

 Panahong kolonyal ng Amerikano (1898–1946)

 Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang


dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado,
binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang
impormasyon at suporta mula sa militar. Ngunit, dumistansiya ang Estados
Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino.

 Digmaang Pilipino-Amerikano
 Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos
patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa
San Juan. Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito
kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000
Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay,
pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang
gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng
250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit.
Pinahirapan nila ang isa't isa.

 Kolonya ng Estados Unidos

 Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda


ng mga Pilipino sa malayang pamamahala. Itinatag ang pamahalaang sibil noong
1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong
gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang
gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang
kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas
at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng
batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang
istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang
Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga
natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay
ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng
Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907
bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang
mataas na kapulungan.

 Panahon ng Komonwelt

 Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-


Cutting bilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni
Pangulong Herbert Hoover. Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang
komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L.
Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa
mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng
lehislatura ng Pilipinas. Noong sumunod na taon, isang bagong batas na
tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa
batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong
mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng
sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa,
ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang
mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.

 Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon


 Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air
Base sa Pampanga noong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang
matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng
paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong
Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay
pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang
dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa
Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na
lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging
pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito ay pinasok ng mga Hapones
noong 2 Enero 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa
pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942
at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng
digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa
patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga).
Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga
Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.

 Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)

 Pamamahala ni Manuel Roxas (1946–1948)

 Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang
pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng
Pilipinas noong 4 Hulyo 1946. Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling
umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang mataas
na komisyoner ng Estados Unidos. Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay
bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa
rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos, ay lalong
nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang
ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong
1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base
militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

 Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948–1953)

 Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga


Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa
ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil sa atake sa puso at
tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio
Quirino, sa posisyon ng presidente.

 Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)


 Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong
1953 dahil sa popularidad niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa
ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa pamamagitan ng
pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong
hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit
nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong
panrelihiyon. Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang
kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay
nagdulot ng kalungkutan sa maraming mga Pilipino.

 Pamamahala ni Carlos Garcia (1957–1961)

 Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni


Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng
taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay
ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa. Nakipag-
ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong
base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang
administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa mga sumunod na taon.

 Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961–1965)

 Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang


panukalang banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga
kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia)
at Indonesia. Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga
karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga
Amerikano. Binago niya ang Araw ng Kalayaanmula sa Hulyo 4 na pinalitan ng
Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan
ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

 Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)

 Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na


si Ferdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang
pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na nakipagkasundo si
Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa
halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965,
napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.

 Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal


sa pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista
at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y
iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos
sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.
 Ikalimang Republika (1986-Kasalukuyan)
 Pamamahala ni Corazon Aquino (1986–1992)

 Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para


maging normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom
Constitution. Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay
noong Pebrero 1987. Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng
batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at
sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng
pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan. Umunlad ang bansa
sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at
respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa
administrasyong Aquino dahil sa mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi
ng militar. Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga
kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na
nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng
200,000 na katao.

 Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992–1998)

 Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel


Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang
boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino,
idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at
gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng
administrasyong Aquino. Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at
nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng
militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa
pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad
sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan
ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995,
nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde.

 Pamamahala ni Joseph Estrada (1998–2001)

 Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni


Ramos, sa halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang
kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng
agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap. Noong panahon
ng krisis na pinansiyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni
Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming
Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba
ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas
mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

 Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001–2010)


 Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni
Pangulong Diosdado Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang
paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto
dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada.
Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na
buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa karamihan ng mga
posisyon. Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating politika ng mga
koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng
pag-deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.

 Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)

 Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na


kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino
for President Movement (NAPM) upang mangalap ng isang milyong lagda sa
buong Pilipinas para sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang
kahilingan ng maraming Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng
Pilipinas noong 2010.

You might also like