You are on page 1of 2

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,


naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,
samantalang ang marami’y nasa binggo, nagsusugal,
nasa sine, nasa “night club”, naglalasing, nagsasayaw.
Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain
sa oras na kailangan…  pagkabigat na gawain!
Hanggang doon sa tahana’y dala-dala ang iksamen,
kaya’t siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

At lalo nang ang isipa’y gulung-gulo, naghihirap


kung sa kanyang pagtuturo’y pasakit ang niyayakap
pagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,
ang kataway’s nanghihina’t ang tinig ay nababasag.

Ang marami’y natutuyo at ang tungo’y sa libingan,


lalo na kung sa iskwela’y mga batang walang galang
ang palagi nang kaharap sa umaga’t maghapunan,
mga batang di na kayang patuwirin ng magulang.

Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot,


pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,
at ang pintig nitong puso’y di pansin ang lumuluhog.

Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:


“Kung ikaw ma’y nagsasalat sa salapi’t karangyaan,
nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal
pagka’t tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.”

Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:


“Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdag
pag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.”
O pag-asang naluluoy at sa hangi’y lumilipad!

You might also like