You are on page 1of 3

Mga kaugnay na Literatura

Ang Kulturang Komiks Bilang Panitikang Popular ang komiks ay isa sa


mga maituturing na kabilang sa panitikang popular na hindi matatawaran ang
naging kontribusyon sa lipunang Pilipino. Para kay Gimena (2011), isang
“social phenomenon” ang eksistensiya ng komiks sa loob ng humigit anim na
dekada. Naging behikulo rin ito upang matutong magbasa ang mga kabataan
at maging ang mga nakatatandang hindi nabigyan ng pagkakataon upang
makapag-aral nang pormal.

Bilang karagdagan, komiks ang naging sanhi upang magising sa


kamalayan sa dalawang uri ng sining nakapaloob dito – ang sining ng pagsulat
at pagguhit. Naging daan ito para mahasa ang mga talento patungo sa iba
pang larangan o midyum na may kaugnay din sa sining.

Maganda ang pagkakaroon ng mga adbokasiya sa pagpapataas ng


kasanayan ng mga batang mag-aaral sa pagbasa at makuha ang malalim na
interes nila sa mga akdang pampanitikan na inilaan para sa kanila. Sa
ikalawang artikulo na inilabas muli ni Paton noong Marso 2011, isinulat niya
ang mahalagang panukala ni Michael Gove, ang kalihim ng edukasyon sa
bansang Britanya. Nararapat na ang lahat ng mga bata na mula labing-isang
taong gulang ay inaasahang makabasa ng limampung (50) aklat sa isang taon
bilang bahagi ng kampanya sa pagpapataas ng literasi sa kanilang bansa.

Kaugnay na Literatura
Ang mga sumusunod ay mga kaugnay na literatura na nagbigay linaw sa
kalagayan ng suliraning binigyang katugunan.

Pre-test

Ayon kina Hill at Betz (2005), ang panimulang pagtataya ay isang paraan
upang masukat ang dating kaalaman ng mga mag-aaral. Bagamat itinuturing
na tradisyunal ang ganitong pamamaraan, mabisa naman ito sa pagsukat
kung gaano na ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ito’y inirerekomenda upang
mapaunlad ang tamang perspektiba sa disenyo ng pananaliksik. Ang
kalakasan ng kaugnayan ng pre-test at post-test ay kapwa may kinalaman sa
dami ng pagkakaiba ng resulta na ipinaliliwanag sa pamamagitan ng
pagsasama ng pre-test sa pag-aanalisa at maging ang istatistikal na kalakasan
nito.

Sa pag-aaral ni Sevilla (2013), ang pagkakaiba-iba ng pagtingin sa


kaugnayan ng pre-test at post-test batay sa paghahanap ng performans ng
mga mag-aaral ay nakabatay di lamang sa uri ng pre-test at post-test na
pagtatasa, gayundin sa katangian ng pangkat ng mag-aaral na kumukuha
nito. Ang pagtatasang may malaking korelasyon sa kabuuang populasyon ng
mga mag-aaral ay maituturing na maliit na korelasyon para sa pangalawang
grupo ng mag-aaral na may dalawang pangunahing dahilan: una, ang
demonstrasyon ng mga mag-aaaral na nakaguhit sa iba’t ibang distribusyon ng
mga sangay nito ay may pagkakaiba sa dami ng nasukat na kamalian sa
nakuhang resulta ng puntos; ikalawa, ang demonstrasyon ay kadalasang may
mababang pagkakaiba-iba ng populasyon (Minolva, 2008).

Samantala, sa pag-aaral ni Cruz (2009) ukol sa mataas at mababang


performans ng mag-aaral na nakapokus lamang sa kahusayan ng pretest at
posttest para sa nag-iisang lebel na nasa iba-ibang anyo, ang mababang
performans sa pretest ay nasusukat dahil sa iskor nito at nalalaman ang dati o
nakaimbak na kaalaman ng isang mag-aaral. Ang iskor din ang pagbabatayan
kung saan dapat ituon ng guro ang pag-aaral upang magkaroon ng
kahalagahan ang pagtuturo. Gayundin ang kahalagahan ng kanyang pag-aaral
ay matukoy ang lawak ng pagpapahambing sa korelasyon ng natukoy na
mababang performans ng mga mag-aaral.

Posttest

Ang mga guro ay hindi miminsang nakalimutang gumawa ng mga


tanong batay pagsusuri ng teksto/pangungusap. Marahil, dulot ito ng
kadahilanang mahirap sagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong na
nangangailangan pa ng masining na pag-aaral ng teksto/pangungusap dahil
ayon kay Lamb (2005), ang mga tanong na nangangailangan ng malalim na
pagsusuri ay pumupukaw sa kyuryusiti at prosesong mental ng mga magaaral
at gumagabay sa pagtutunguhan ng pag–iisip ng mga mag-aaral. Karamihan
ng mga tanong ng guro o 50% lamang o kalahati ang nabibilang sa mababang
antas samantalang ang 20 % ay nasa matatas na lebel ng pag–iisip.

Ganito rin ang palagay ni Wittmen (2004) na 90 % ng mga tanong ng


guro ay nasa mababang antas. Ito ay nangangahulugang karamihan sa mga
tanong ay nakatuon lamang sa kasanayang pangmemorya, pag–uulit sa mga
ideyang tuwirang makikita sa babasahin. Ang direksyon at ang lebel ng
pagkatuto ng mga mag–aaral ay naiimpluwensyahan nang malalim na uri ng
mga tanong na ibinabato sa kanila. mga tanong sa mas mataas na antas na
pag-iisip.

Ayon pa kay Davis (2007), dahil alam na ng guro na ang mga mag-aaral
ay may iba’t ibang kaalaman at pagtingin sa isang partikular na asignatura,
kailangan niyang bumuo ng batayang upang masukat ang kanilang kaalaman
sa pagkakaunawa sa isang paksa at upang matukoy na rin ang lawak ng iba’t
ibang pagbabago sa kaalaman at pagunawa. Ito’y makukuha lamang sa
pamamagitan ng posttest. Ang disenyong ito ay maaaring maging kritikal na
katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri at gawi ng magaaral ang ikatataas
ng kanilang kahusayan sa isang partikular na asignatura. Ang paguulit ng
parehong tanong ay hindi mainam na paraan upang makamit ang pag-ugnay
bagkus ito’y magandang ideya upang manatili at pantay ang orihinal na
materyal sa pagsusulit at nararapat na ihalo ito sa mga bagong katanungang
inaasahang may magiging magandang bunga. Ipinapahiwatig na upang lalong
malinang ang sining sa pagtatanong at masanay naman ang mga mag-aaaral
na sumuri ng mga dahilan at eksplanasyon upang masagot ng ama ang mga
tanong. Ang pagtatanong sa herarkiyang mula kaalaman at pag–unawa tungo
sa aplikasyon, pagsusuri, sintesis at ebalwasyon ay nakapagtataguyod ng
kritikal na pag–iisip at nakapagpapanatili ng mga batayang impormasyon sa
isipan ng mga magaaral. Dahil dito lalong lumalalim at tumatagal ang
retensyon ng kaalaman sa mga bata. Ang disenyo ng posttest ay maaaring
maging kritikal na katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri at gawi ng mga
mag-aaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang partikular na
asignatura. Ang pag-uulit ng katulad na tanong ay makikitang hindi mainam
na paraan upang makamit ang pag-ugnay bagkus ito’y isang magandang ideya
upang manatili ang pantay at orihinal na materyal sa pagsusulit at ihalo ito sa
mga bagong katanungang inaasahang may magiging magandang bunga

You might also like