You are on page 1of 6

(MUSIC 1 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: DZRM Istasyon ng Mati Radyo. Tahanan ng malayang pamamahayag, himpilan ng katotohanan, at boses
ng mamamayan.

(MUSIC 1 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: DZRM Istasyon ng Mati Radyo.

(MUSIC 1 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Mula sa bulwagan ng pambalitaan, kasama ang mga nangunguna sa paghahatid ng balita. Ito Ang
Banaag.

LAHAT: Salamin ng katotohanan, sandigan ng bayan.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Para sa nag-iinit at umaatikabong balita.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Bagong mga makina para sa Halalan 2016, mas high tech at ‘di raw kayang manipulahin.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Air strike, inilunsad ng France sa kampo ng ISIS

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Gilas, nilampaso ang FIBA defending champion na Iran

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Agila na si “Pamana”, pumanaw na

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Pia Alonzo Wurtzbach, mainit na sinalubong

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Para sa balitang Nasyonal, kumpara sa mga ginamit na makina noong nakaraang eleksyon, mas high tech
daw ang mga makinang gagamitin sa pagboto sa parating na Halalan 2016.

Siniguro rin ng kompanyang smartmatic na hindi ito kayang manipulahin na maaaring maging dahilan ng
dayaan sa bilangan.

ANCHOR: , magbabalita.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 3 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 1: High tech ang inikot na factory ng smartmatic. Halos buong proseso computerized pero di pa rin
matanggal ang duda na kahit ganito ka-high tech ang proseso baka mamanipula pa rin para paboran ang
isang kandidato.

(INSERT VIDEO)

Pero ang pagdududang ito’y masasagot naman daw bago pa buksan ang vote counting machine sa araw
ng botohan.

(INSERT VIDEO)
Mahigit 97,000 vote counting machines ang rerentahan ng COMELEC mula SMARTMATIC at lahat ng
‘yan sa factory na ito i-aasemble.

Mas igh tech na ang vote counting machine para sa eleksyon 2016 kaysa sa PCOS na ginamit sa mga
nakalipas na eleksyon. May external battery rin ang VCM. Lukot man ang balota bibilangin pa rin.
Pagpasok ng balota sa VCM, lalabas sa screen ang summary ng iyong boto.

Hindi mo na pwedeng palitan kung ano ang na-shade mo pero kung may hindi ka naiboto para sa isang
posisyon, pindutin ang red button para bumalik sa’yo ang balota. Kung kontento ka na, pindutin ang
green button para mabilang na ang iyong boto. May ballot receipt na lalabas mula sa VCM. Dito
nakaimprinta kung sino-sino ang mga binoto mo. Pero kailangan muna raw pag-usapan kung dapat
gamitin ang feature na ito.

(INSERT VIDEO)

May machine signature at digital signature pa rin ang BEI pero ngayon pwedeng tatlo o higit pa ang may
digital signature para mabuksan o sarhan ang VCM. SD Card at hindi na CF Card ang gagamitin para sa
Data Storage.

Nagsimula ng magdeliver ang SMARTMATIC ng mga VCM units sa Pilipinas. Dumating na ang mahigit
93,000 VCM units ngayong Enero. Ang dagdag naman na halos 4,000 units ay makokompleto sa Marso.

TALENT 1: , Sandigan ng Bayan

(MUSIC 3 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Para sa balitang pang-Ibayong Dagat, naglunsad ng air strikes ang French airfoece sa kampo ng ISIS sa
Syria kasunod ng mga pag-atake sa Paris ng terrorist group noong Biyernes. Nakiisa ang buong mundo
kabilang ang Pilipinas sa bansang Pransya sa pakikiramay sa mga nasawi at sugatan sa terrorist attack.
Dito naman sa Pilipinas nagsagawa ngayon ng paggunita ang mga French National bilang pagbibigay
respeto sa mga biktima ng trahedya.

ANCHOR: , magbabalita.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 4 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 2: Gaya ng sentimyento ng buong mundo, hindi pa rin humuhupa ang galit at ang pagdadalumhati ng mga
narito sa naganap na pagpaslang sa Paris, France. Bagama’t meron na din naming namumuong resolba
sa mga naririto na hindi na dapat payagan na manaig ang takot sa mga walang saysay na pagpatay kaya
naman nagkaisa ang lahat ditto laban sa terorismo at handa sila para diyan, hindi lamang sa France kung
hindi sa anumang sulok ng daigdig.

Dalawang araw matapos ang terrorist attack sa Paris. Binomba ng French fighter jets ang balwalte ng ISIS
sa Syria. Target ng air strike ang isang command center, recruitment center, imbahan ng mga armas, at
isang training camp ng mga terorista. Wasak ang lahat ng lugar sa 20 bomba na pinakawalan ng france.
Pero abandunado na daw ang lahat ng lugar kaya walang nasawi o nasugatan sa pag-atake.

Sa kabila ng abiso ng mga awtoridad, dumagsa pa rin noong isang Linggo ang mga ao sa Palace do la
Republic sa sentro ng Paris para magtirik ng mga kandila at mag-alay ng mga bulaklak para sa mga
biktima. Ang iba, naglagay ng mga personal na mensahe, panalangin para sa kapayapaan at pagpapakita
ng kanilang pagsuporta sa mga Pranses.

Nagkaisa din ang French Community sa Rio De Janeico sa Brazil sa pakikiramay sa terrorist attack.
Pinalaganap ang show of solidarity sa isang parke doon at hawak ang mga kandila kinanta nila ang
French National Anthem. Marami ang nagpintura sa mukha nila ng kulay ng bansang Pransya.

Sa Estados Unidos, nakiramay rin ang mga taga-New York City sa pagbibigay respeto sa mga nasawi.
Nagcandle light vigil ang mga ito, nag-alay ng mga bulaklak, at nag-iwan ng mga mensahe.
(INSERT VIDEO)

Sa Italya, sinirado ang ilaw sa Tranny fountain bilang pagpapakita ng solidarity sa Pransya.

Nanawagan ang Santo Papa sa lahat na ipagdasal ang mga biktima.

Sa London naman, umapaw din ang mga bulaklak sa French Embassy. Natigalgal sa nangyaring terorismo
ang Pransya. Tahimik ang dating nag-uumapaw sa toristang Paris. Balot ng pangamba ang lahat. Pero
nakakuha ng matinding suporta mula sa World leaders na nagpupulong sa Turkey. Nag-alay ang mga ito
ng one-minute of silence para sa mga nagbuwis ng buhay sa Paris.

Sa APEC Summit na idinaraos sa Manila, nag-alay rin ng isang minutong katahimikan ang mga foreign at
trade ministers ng Asya-Pasipiko bago simulant ang summit.

TALENT 2: , Sandigan ng Bayan.

(MUSIC 4 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Para sa balitang isports, tagumpay ang Gilas Pilipinas sa isa sa pinakamahirap na misyon sa 2015 FIBA
Championships, ang lampasuhinang defending champion na Iran.

ANCHOR: , magbabalita.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 5 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 3: WALANG FOREVER, ang tagal din nating hinintay bago talunin ang Iran sa isang FIBA tournament na
mahor tournament at kung saan kompleto sila sa line-up nila.

At sa wakas, nakuha na rin ng Gilas Pilipinas ang inaasam nila pero masaya man sila sa malaking panalo,
alam nila na hindi pa tapos ang misyon para makuha ang mahiwagang gold medal.

Sa simula pa lang ng laro, hindi na nagpasindak ang Gilas Pilipinas kontra sa 2013 FIBA Asian Gold
Medalist na Iran. Maagang lumamang ang Gilas ng anim, 17-11, sa agresibong pag-atake ni Jordan
Castro at Andre Blatch na wala ng iniindang sakit mula sa pagkatapilok. Pero bumawi ang Iran at
lumamang sa unang yugto, 25-22.

Sa second quarter, kontrolado ng Iran ang laro. Umabot pa ang lamang sa siyam, 43-34, pero tumindi
ang depensa ng Gilas.

Sa third quarter, pinalobo ng Iran ang lamang sa 10, 47-37. Pero sa tulong nina Castro at Blatch, biglang
nababat ang lamang sa isa, 47-46. Sinundan pa ng resbak nina Calvin Avueva at Terrence Romeo kaya
angat na ang Gilas papasok sa fourth quarter, 65-60.

Sa fourth quarter, hindi lang sa opensa umasa ang Gilas at lalo pang pinatindi ang depensa. Umabot na
ang lamang nila sa sampu, 77-67. Pinalobo pa ng Gilas ang lamang sa 11. Sa huli, paalo ang Gilas, 87-73.
Ito pa lang ang unang panalo ng Pilipinas kontra sa Iran sa isang mabigat na FIBA tournament.

Si Coach Tab Baldwin, bumilib sa maturity ng Gilas na hindi nagging over confident. Pinuri din niya ang
kanyang coaching staffs.

(INSERT VIDEO)

Para naman kay Jason Castro, malaking bagay sa kanilang kompyansa ang panalo sa Iran.

TALENT 3: , Sandigan ng Bayan.

(MUSIC 5 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)


ANCHOR: Manatiling nakaantabay para sa iba pang detalye pagkatapos ng ilang patalastas.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 9 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

INFOMERCIAL:

TV NEWS: Today, there are an estimated 35.3 million people living with HIV and AIDS worldwide.

ESTUDYANTE: Dok? San ba galling yung AIDS nayan? Bakit sila nagkakaroon nyan?

DOKTOR: Kapag mahina ang kanilang resistensya at hindi ito umabot sa tiyak na antas maaaring magkaron ng
AIDS. Isang rason din nito ay ang mikrobyo na tinatawag nating HIV. Hindi lang ang mga matatanda ang
maaaring maapektuhan nito pati na rin mga bata.

ESTUDYANTE: Paano po ba ito maiiwasan?

DOKTOR: Iwasan ang pagtupok ng mga drogang hindi maaari sa iyong katawan o edad. Alamin ang mga resulta ng
mga bagay-bagay na hindi niyo pang pwedeng gawin lalo na sa mga batang katulad mo.

ESTUDYANTE: Ngayon alam ko na, may natutunan na akong bagong leksyon at pwede kong ibahagi sa ibang kaklase ko
ang aking natutunan upang maging maingat sila. Maraming salamat po Dok.

DOKTOR: Walang anuman.

Isang paalala mula sa DOH at DepEd.

(MUSIC 9 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Muling nagbabalik Ang Banaag.

LAHAT: Salamin ng Katotohanan, Sandigan ng Bayan.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

ANCHOR: Para sa balitang lokal, Agila na si “Pamana”, pumanaw na.

ANCHOR: , magbabalita.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 6 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 4: Pamana – tatlong taong gulang na agilang namatay dahil nabaril makalipas ang dalawang buwan
matapos gabayan ng Philippine Eagle Foundation.

Pagbabalik tanaw, ang agila ay nailigtas matapos matamaan ng maraming beses ng baril sa Gabunan,
Lungsod ng Iligan, Probinsya ng Lanao del Norte noong 2012.

Matapos magpagaling, pinakawalan ng PEF ang agila, nakamonitor ito gamit ang maliit na transmitter na
nakalagay sa likod. Ika-10 ng Agosto, araw ng pagkamatay ng agila, napansin umano ng tracker team na
nasa ‘mortality mode’ ang radio signals mula kay Pamana. Nagtulak itong hanapin ang ibon, matapos
mabigyang kahulugan hindi ito kumikilos sa loob ng hindi bababa ng anim na oras.

Ayon kay Dennis Salvador, tagapagsagawang director ng PEF, ang apgsisiyasat kay Pamana matapos
itong matagpuang patay noong Agosto 16, 2015 sa Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa
Baranggay La Union San Isidro, Davao Oriental, nakitaan ito ng tama ng baril.

Munting pirasong metal na galling sa perdigong baril mula 5 mm lalim sa dibdib ang nakuha sa labi. Ayon
sa pribadong beterinaryo ng PEF, Dr. Ana Lascano, ang agila ay nagdusa nang pagkalingaw.

TALENT 4: , Sandigan ng Bayan.


(MUSIC 6 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 7 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 5: SHOWBIZ BALITA

Napakainit po ng pagsalubong sa pinakamagandang babae sa Universe na si Pia Wurtzbach sa kanyang


homecoming parade at ramdam na ramdam nga po ang Pia fever sa pag-ikot ng Pinay beauty queen.

Umaga pa lang, nakatutok na tayo sa halos bawat galaw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kaliwa’t
kanang sinalubong si Pia ng hiyawan, ng sigawan, at ng mga ngiti mapa Manila, mapa Makati, o Pasay sa
pambihirang araw na nakikiisa tayo sa tagumpay ng Pinay.

30 minuto bago ang schedule time na 10AM dumating na si Pia sa Manila City Hall para sa courtesy call
ni Manila Mayor Joseph Estrada. Dinumog ang beauty queen ng mga empleyado, estudyante, at fans.

Matapos ang simpleng programa, espesyal na ginawaran si Pia ng susi sa city of Manila bilang bagong
anak nito. Pagkatapos ng Manila City Hall, diretso ng senado si Pia.

Alas-dos ng hapon umusad ang parade ni Pia mula Plaza Manila suot ang Emerald Green Filipiniana na
gown na disenyo ni Albert Andrada. Engrande naman ang sinakyang float ni Pia na inspired ng kanyang
korona.

All smile si Pia a tila walang pagod sa pagkaway at pagbati sa fans sa Pasay. Pagdating sa Manila, mas
lalong lumakas ang hiyawan para kay Pia lalo na mula sa mga estudyante,.

4PM nan g umalis patungong Makati ang parade ni Pia. Walang bahid n pagod ang mukha ni Pia at
patuloy pa rin ang kanyang pagkaway at pagngiti sa libo-libong fans na dumagsa.

TALENT 5: , Sandigan ng Bayan.

(MUSIC 7 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 8 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

TALENT 6: At ito naman ang lagay ng panahon. Bumuhos po ang malakas na ulan kanina sa Metro Manila at ilang
lugar sa Luzon at Visayas dahil sa mga localize thunder storms.

Sa Metro Manila, 62mm ng ulan ang bumuhos sa halos isang oras lamang. Napakaraming ulan po iyan
na madalas naiipon sa isang buong araw.

Nabubuo ang mga thunder storms na ito kapag mainit ang panahon at maraming moisture sa ere. Bago
bumuhos ang ulan sa Metro Manila, umabot pa sa 40.3°C ang heat index dahil po sa alinsangan ng
panahon. Pero mas matindi ang heat index sa Tuguegarao sa nakakapasong 48.5°C

Ngayong palapit na ang tag-ulan mas marami na talaga ang moisture sa ere na nagdudulot ng mainit na
pakiramdam sa umaga at tanghali. At mas malaking tsansa naman ang thunder storms o ang biglang
buhos ng ulan sa hapon at gabi.

Silipin natin ang Luzon weather bukas, sa Luzon aasahan po natin ang malaking posibelidad ng pag-ulan
sa hapon at gabi pero mainit pa rin po sa tanghali.

At sa Visayas weather naman ang silipin natin, sa Visayas po malaki rin po ang posibelidad ng pag-ulan
pero mainit po at maaraw sa Bohol, Cebu, Bacolod, Iloilo at Boracay.

Pnta naman tayo sa Mindanao. Sa Mindanao po, aasahan po natin ang puno-punong pag-ulan sa
Malaking bahagi ng Central Mindanao at malaking bahagi ng Western Mindanao.

TALENT 6: , Sandigan ng Bayan.

(MUSIC 8 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)


ANCHOR: At diyan nagtatapos an gaming pagsasahimpapawid ng mga nag-iinit at umaatikabong balita.

ANCHOR: Ito po si nagsasabing “Sa bawat isyu may paliwanag, kaakibat ang impormasyong
itinatatak.”

ANCHOR: Muli ito, Ang Banaag

LAHAT: Salamin ng Katotohanan, Sandigan ng Bayan.

ANCHOR: Magandang Hapon.

(MUSIC 2 FADE UP…ESTAB…THEN SLOWLY FADE UNDER)

You might also like