You are on page 1of 1

Buod ng Kabanata 6

Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit.  Siya ay pandak, di


kaputian at may bilugang mukha.  Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.
Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang
klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao.  Siya ay malakas sa mga
taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle.  Ang turing niya sa sarili
ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.  Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa
niyang bilhin ang kabanalan.  Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa
kanyang sarili.  Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.  Para kay
Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an mga Kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-
puri.  Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay naglilingkod siya bilang
gobernadorcillo.

Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral.  Naging katulong at tinuruan


sya ng isang paring Dominiko.  Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag-isang
nangalakal ng apyan.  Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta.
Cruz.  Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto.

Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang-dila
roon ang kura na si Padre Damaso.  Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa
buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Sa anim na taon ng
pagsasama nina Tiyago at Pia ay hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila
namanata. Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascal
Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Senora. de Salambaw.

Dininig ang dasal I Pia at siya ay naglihi.  Gayunpaman naging masakitin si Pia, nang
siya ay magdalangtao.  Pagkapanganak niya, siya ay namatay.  Si Padre Damaso
ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay
karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago,
ang nag-aruga kay Maria. Si Maria Clara ay may malalaking mga mata, mamula-mula ang
buhok, matangos ang ilong, may biloy sa mga pisngi at ang balat ay busilak na animo’y
sibuyas. Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beateryo ng Sta Catalina.
Pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag
aral. Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski nagkalayo ang
kanilang mga anak.  Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay
pag iisahing dibdib.  

You might also like