You are on page 1of 1

Gawaing Pampolitika

Tara na’t makiisa!


Sa pagboto,sa paraang ito
Sa paraang ito malayang maipapakita
Maipapakita ang nais nating makuha
Tutupad sa gawaing makatao,makakalikasan,makadiyos at
makabansa!
Tatayong pinuno ng ating minamahal na bansa

May mga panahon


Panahaon na tayo’y iwas sa politika
Laging naiisip,gaano ba ito kahalaga?
Laging iisa,agam-agam na sa tingin natin’y walang halaga
Pero kaibigan,nagkakamali ka
Ang iyong pakikibahagi ay may malaking ambag!
Ambag sa bansa,sa ating kagustuhan na malikha
Pagbabago,ay paparoon’t parito
Ang pakikilahok sa gawaing pampolitika ay may dulot na ginhawa

Huwag matakot sa ipahayag ang nasasaisip


Naisasaisip,naisasagawa,at gustong isalita
Sumama na’t makilahok!
Huwag matakot sumubok!
Sa iyong pakikiisa,malay mo sa huli ay maabot ang ligaya?

Pagboto,pagtulong,paglahok o ano pa man


Alam kong isa ka sa may nais ng pagbabago
Pagbabago sa iyo,sa kaniya, at sa lahat ng naririto
Gawaing pampolitika ating isabuhay at bigyan ng kasaysayan!

You might also like