You are on page 1of 2

MULTIMEDIA PROJECT SCRIPT

TROY: Maging sunog, baha, lindol o ano mang sitwasyon, ang pagiging handa sa
sakuna ay isang paksa na hindi lamang limitado sa mga rumeresponde dito. Bilang
isang mamayan, karapatan mo at hindi pribilehiyo na matutunan paano maging handa
sa mga sakuna. Tandaan, lamang ang may alam sapagkat buhay mo at buhay ng ibang
tao ang nakahanda sakaling biglaang sumapit ang sakuna. Heto ang ilang mga tips na
maaring makatulong sa iyong emergency preparedness.

SY: Maghanda, magplano, mag ensayo. Importante malaman ng mga indibidwal na


kagaya mo at mga pamilya na ang pinakamabisa sa paghahanda sa kagipitan ay
pataasin ang kamalayan sa mga sakuna. Maging edukado, at maging alerto. Magbasa-
basa at makipag usap ukol sa pagiging handa upang matuto ng dagdag kaalaman

KARL: Magplano at gumawa ng emergency at evacuation plan. Makipagtulungan


sa local na otoridad upang maging handa sakaling may dumating na sakuna. Sa
pamamagitan ng koordinasyon, higit na makakatulong ito sa pagharap sa kagipitan.

GELO: Ang tamang pag-intindi sa mga klase ng kalamidad na maaring tumama sa


inyong lokasyon ay higit na makakatulong sa pagplaplano ng inyong emergency at
evacuation plan. Magresearch, maghagilap at magtanong para malaman ang mga
potential na mga panganib na maari na dumating.

TROY: Magsagawa ng risk assessment upang malaman ang mga potential na


sakuna at mga maaring maging dulot nito at magplano ng aksyon para mabawasan ang
panganib. Higit na mababawasan ang peligro at maaring makapagpatibay ng
kahandaan ang pag iintindi sa mga panganib at pag assess dito at pag integrate sa
inyong emergency preparedness plan.
SY: Maiging tandaan na ang mga emergency ay hindi lamang limitado sa natural na
mga kalamidad. Gaya ng pagbaha o bagyo. Ang iba ay gawa ng tao gaya ng mga
sunog, aksidente o pagsabog. Importanteng maging handa sa lahat ng posibleng
maging peligro at maging alerto sa lahat ng oras.

KARL: Magstock ng mga kakainin. Bumili ng mga emergency kit at gamit gaya ng
mga flashlight, generator atbp. Upang masiguro.ang kahandaan. Magipon ng mga di
nabubulok na pagkain, ihanda ang emergency at evacuation plan at ang emergency kit
sapagkat ano mang oras ay maaring magkaron ng di inaasahang insidente.

GELO: Pagtapos ng pagplaplano, para masigurong gagana ito sa pagsapit ng


kalamidad ay magensayo at ilagay ito sa test. Magsagawa ng drills o exercises, tukuyin
kung ikaw ba ay natututo ng kaalaman sa ano ang dapat gawin kung sakaling may
dumating na sakuna. Dito mo malalaman kung ikaw ba ay hand ana para mailigtas ang
iyong buhay at buhay ng iba. Maraming Salamat sa panonood.

You might also like