You are on page 1of 5

MAPEH

MONDAY
September 16, 2019

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Naiguguhit ang F-clef nang wasto.

II. Paksa: Ang F-clef o Bass Clef

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pagguhit ng G-clef

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ipakita ang halimbawa ng F-clef sa mga bata.
Ito ay tinatawag na G-clef o Bass clef.
2. Pagtalakay:
Saang panig ng staff nakikita ang F- clef?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang F-clef ay tinatawag din Bass clef. Ito ay isinusulat sag awing kaliwa ng staff.
1. Pagsasanay:
Ikonekta ang mga putol-putol na guhit upang makabuo ng F-clef

IV. Pagtataya:
Pagguhit ng F-cleff ng mga bata.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng F-cleff sa notebook sa musika.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
TUESDAY
September 17, 2019

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao

I. Layunin:
Natutukoy ang mga pangunahin at pangalawang kulay.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay: Pangunahing Kulay


A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo
Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide
pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Pagbuo ng puzzle ( Bahaghari)
Anu-anong mga kulay ang nakikita sa rainbow?
2. Awit: Red and Yellow

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pagunahing kulay?
Pagbigayin ang mga bata ng mga bagay sa paligid na may mga kulay na dilaw, pula at asul.
Paano naman nabubuo ang mga panagalawang kulay?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paano nakabubuo ng berdeng kulay?
Lila o ube? Orange o dalandan?

2. Ilarawan ang kulay na nabuo ninyo.

IV. Pagtataya:
Tingnan ang bagay. Isulat ang A kung ito ay may pangunahing kulay at B kung ito ay may pangalawang
kulay.
1. Asul na lobo__________
2. Lila na bag____________
3. Pulang rosas___________
4. Berdeng medyas _______
5. Dilaw na ipit___________

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga bagay na may pangunahing kulay at pangalawang kulay sa isang putting papel.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
WEDNESDAY
September 18, 2019

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan

I. Layunin:
Naikikilos ang katawan at mga tuhod.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


A. Aralin: Mga Kilos na Gumagamit ng Antas
B. Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I;
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 37-41\
C. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
D. Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. A. iniikot ang kanang kamay
B. nakabaluktot ang kanang kamay
2. A. nakapadyak ang kaliwang paa
B. nakaunat ang kaliwang paa

2. Pagganyak
Awit: Paa, Tuhod, Balikat , Ulo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naikikilos mo ba ang iyong katawan?Naikikilos mo ba ang iyong mga tuhod?
Paano mo iniikot ang iyong katawan?Ang iyong tuhod?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap) Pagpapaikot ng Katawan


Panimulang Ayos:
Tumayo na magkalayo ang mga paa.
Ilagay ang kamay sa baywang.
-Ibaluktot ang katawan mula sa balakang
-Iikot ito sa tabi pakanan
-Iikot sag awing likuran
-Iikot sa tabi pakaliwa
Pagpapaikot ng Tuhod
Panimulang Ayos:
Tumayo nang magkatabi ang mga paa.
Ibaluktot nang bahagya ang mga tuhod.Ipatong ang mga kamay rito.

-Simulan ang pagpapaikot sa tabi pakanan


-Ituloy sag awing likuran
-Ituloy sag awing kaliwa
-Ibalik sa panimulang ayos.

C. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang pagpapaikot ng katawan ay mabuting ehersisyo.Ang pagpapaikot ng mga tuhod ay makabubuti sa
iyong mga binti. Ang iyong katawan at mga tuhod ay magiging malakas.
D. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at Gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larwan
A. Pagtayo na magkatabi
ang mga paa.
B. Paghawak sa baywang
C. Paghawak sa tuhod
D. Pagtayo nang magkalayo
Ang mga paa
E. Pag-ikot ng katawan

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.
THURSDAY
September 19, 2019

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art

I. Layunin:
- Nasasabi kung kailan dapat hugasan ang mga paa.
- Naisasagawa ang paghuhugas ng mga paa
- Kung marumi

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Paa
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 28
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga kamay?
2. Pagganyak:
Awit: Ituro ang Paa

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakalusong sa baha.
Tingnan si Biboy. Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi niya.Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro?Dapat bang maglaro si Biboy
sa tubig-baha?Bakit?

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng paa.
Kapag naghuhugas ng ating mga paa tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

3. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng mga paa kapag ito ay marumi.

4. Pagsasanay:
Maghilamos ka na Sana
IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng paa.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng paa kapag marumi ang mga ito.
Bakatin ang mga paa sa putting papel.
Isulat sa ilalim ng guhit.
Huhugasan ko ang aking mga paa kapag marumi.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

FRIDAY
September 20, 2019
WEEKLY QUIZ

You might also like