You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsulat

tungo sa Pananaliksik
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa

Maria Eunice Alamares


BSCS 2A  College of Computer Studies
Paghahanda sa Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena,ideya


konsepto, Isyu at maga bagay na kinakailangan bigyang linaw, patunay o pasubali.
Binubuo ito ng proseso ng paglilikom,pagtatanghal, pagsusuri, at pagpapaliwanag
ng mga pangyayari o katotohanan na nag uugnay sa sa espekulasyon ng tao sa
katotohanan. itoy isang pandalubhasang uri ng sulatin na nangangailangan sapat na
panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at
malayuning pagsulat, para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa
lahat kapaki- pakinabang na pag pupunyagi.

Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na pagkuha atpagpapalaganap


ng mga tala upang masubok ang teorya nang sa gayonay malutas ang isang
suliranin. Dito ay lubbos na kailangan angpagtitiyaga at maingat na paghahanap
ng mga kinakailangang datosupang matiyak na matatanggap ang mga impormasyon
o datos nanalikom upang mapatotohanan ang teoryang kasangkot sapananaliksik.

Tunay na mahirap na gawain ang sulating pananaliksik. Ang isang mahusay


na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian:

1. Masipag at matiyaga. Kailangan ang walang katapusangpaghahanap ng
mga datos na gagamitin sa pananaliksik.Kailangan din ang tiyaga at lubos na
pasensiya, malawak napang-unawa sa mga nakakasalamuhang tao habang
nangangalapng datos
2. .Maingat. Kinakailangang maingat niyang maisa-isa ang mganakalap na
datos na may kaugnayan sa kanyang ginagawangsulating pananaliksik.
Kailangan din niyang mabigyan ng angkopna pagkilala ang mga tao, awtor, at
iba ang pinagkunan niya ngdatos at maingat niya itong maisama sa kanyang
inihahandangsulatin.
3. Masistema. Maayos at may sistema ang kanyang mga hakbang
upang walang makalimutang datos o detalye na kailangan sa kanyang
isinusulat na sulating pananaliksik. Sa ganitong katangian,
maayos niyang mapagsusunod-sunod ang mga detalye mula sa
panimla hanggang sa pagtatalakay sa resulta ng pag-aaral
,kongklusyon, at rekomendasyon.
4. Mapanuri. Kailangang magkaroon siya ng batayan upang
mabigyan ng magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya.
Kailangang suriin niyang mabuti ang mga pangunahing datos at
mga pantulong na datos upang maihanay niya ito nang maayos at
naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik

 Pagpili ng Mabuting Paksa


 Paglalahad ng Layunin
 Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi 
 Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
 Paghahanap ng Tala o Note taking
 Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
 Pagsulat ng Burador o Rough Draft
 Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador
 Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

1. PAGPILI NG MABUTING PAKSA - ang unang hakbang sa pagbuo ng


sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay
na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng
isang mag –aaral kung malinaw sa kanya ang nais ipagaawa ng guro at
layunin para sa gawain.
2. PAGLALAHAD NG LAYUNIN - kapag napagpasiyahan na ang paksa at
mayroon ka nang plano kung papaano mo bubuoin at palalawakin ang iyong
sulating pananaliksik, kailangan ilahad na ang paunang layunin. Narito ang
ilang tanong na maaring gumabay o magbibigay ng direksiyon.
3. PAGHAHANDA NG PANSAMANTALANG BIBIBLYOGRAPI - Kailangan
mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian.
Maari ring makakuha ng impormasyon mula sa internet.maging maingat lang
at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming
impormasyon mula dito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan.
4. PAGHAHANDA NG TENTATIBONG BALANGKAS - Mahalaga ang
paghahanda ng isang tentatbong balangkasupang magbigay direksiyon sa
pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtkoy kung ano –anong materyal ang
kailangan hanapin.maaring gamitin ang mga inihanda mong card ng
bibliyograpi upang maging gabay ng iyong balangkas.
5. PANGANGAPALAP NG TALA O NOTE TAKING - balikan ang inihandang
tentatibong balangkas at card ng bibliyograpi at tukuyin kung alin-alin sa mga
ito ang kakailanganin sa iyong susulatin basahing mabuti at mula sa mga ito
ay magtala ng mahahalagang impormasyon g magagamit sa iyong susulatin.
6. PAGHAHANDA NG INIWASTONG BALNGKAS O FINAL OUTLINE - Dito
na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.maari nang ayusin
ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging gabay sa
pagsulat ng iyong burador.
7. PAGSULAT NG BURADOR O ROUGH DRAFT - Mula sa iyong iniwastong
balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng
iyong burador.
8. PAGWAWASTO AT PAGREREBISA NG BURADOR - Iproofread o basahing
mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador.
Pina-ukulan ng pansn ang pagkaubuo ng mga paungusap, ang baybay,
bantas,wastong gamit, pmaraan, ng pagsulat at angkop tna talababa o
footnote.
9. PAGSULAT NG PINAL NA SULATING PANANALIKSIK - Pagkatapos
pagdaanan o isagawa ang mabuti ang naunang walong haknbag ngayon ay
nakatitiyak ka na ng isang mainam nasulating pananaliksik.

Layunin ng Pananaliksik

 Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang


penomena.
 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas
ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
 Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong
instrumento o produkto.
 Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
 Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at
elements.
 Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,
industriya,edukasyon pamahalaan at iba pang larangan.
 Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.
 Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.
Paggawa nga Papel Pananaliksik

Ang sulating pananaliksik ay isang paglalahad ng kinalabasan ng isang


pagtuklas at pagtatalakay ng mga bagay-bagay hango sa mga nakalap na
impormasyon mula sa mga inilathala ng mga taong nagsaliksik at nag-aral tungkol
sa iba't ibang paksa.

Hakbangin na dapat sundin sa pagsulat ng sulating pananaliksik

 Pumili ng isang magandang paksa.


 Suriin ang iyong paksa, siguraduhing hindi ito magiging malawak o masaklaw.
 Mangalap ng mga sapat na sanggunian na pagbabasehan ng paksang napili.
 Gumawa ng balangkas ng paksang tatalakayin.
 Ihanda na ang mga sangguniang magiging kapakipakinabang sa pagsulat ng
sulatin.
 Gumawa ng talaan ng iba't ibang sanggunian tulad ng mga sumusunod:
- Aklat
- Artikulo
- Magasin
- Peryodiko
 Mangalap na ng mga tala. Isulat ito ng organisado, malinaw, at may kaisahan.
 Suriing mabuti ang mga naitala at saka ito rebisahin. Ikasiyam na Hakbang:
Ihanda na ang talasanggunian.

Bahagi ng Pamanahong Papel/Pananaliksik

 Mga Pahinang Preliminari O Front Matters

-Ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na


kahit na ano sa pahinang ito

a.) PAMAGITANG PAHINA

b.) DAHON NG PAGPAPATIBAY

c.) PASASALAMAT O PAGPAPAKILALA


d.) TALAAN NG NILALAMAN

e.) TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP

f.)  FLY LEAF 2

 Kabanata I: Ang Suliranin At Kaligiran Nito


- Ang suliranin at kaligiran nito
 LAYUNIN PANIMULA O INTRODUKSYON
 LAYUNIN SA PAG-AARAL
 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
 SAKLAWAT LIMITASYON
 DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA
 Kabanata II: Mga Kaugnay Na Pag-aaral At Literatura
- Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa
pananaliksik. Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng
naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga
layunin at mga resulta ng pag-aaral.  Dito ipinaalam ng mananaliksik ang
kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.  Bago at
nailimbag sa loob ng huling sampung taon. Piliting gumamit ng lokal at
dayuhan Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa
pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
 Kabanata III: Disenyo At Paraan Ng Pananaliksik
- Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
 Kabanata 4: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 
- LAGOM
- KONGKLUSYON
- REKOMENDASYON
 Mga Panghuling Pahina
- LISTAHAN NG SANGGUNIAN
- APENDIKS / DAHONG-DAGDAG
- PAG-ISIPAN: BAKIT HINDI SAPAT ANG SAPAT LANG?
Ang paggawa ng papel pananaliksk ay magsisilbing isang proposal sa binabalak
na pananaliksik. Ito ay nabuo sa ideyang nabuo mula sa isang gawaing
balangkas o framework ng paksang bubuuin. Ang framework ay ang pinaka
istruktura at pinaka buod ng isang ideya na tumatalakay sa nais patunayan,
layunin, o tukuyin.

Maaaring maisagawa ito sa paisa isang pangungusap o sa patalatang


pamamraan. Dito inilalahad kung bakit napili ang ideya ng paksa. Tinatalaky rin
sa bahaging ito ang magigiing kahalagahan sap ag aaral sa larangang
kinabibilangan kung bakit napiling isagawa ang pananliksik. Tinatalakay rin sa
bahaging ito kung ano ang gusting matamo at matuklasan ng mga mag aaral sa
pananaliksik. Maaring sulatin ang mga ito sa paisa isang pangungusap o
patalatang pamamraan.

Layunin ng pananliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga kabataan sa


ngayon kung ano ba talaga ang mga sallik na bumubuo.
Mga Hakbang at Kasanayan sa Pananaliksik

Dapat maging malinaw sa mga mananaliksik ang saklaw ng panahon ng pag


aaral sa paksang napili.

Lugar
- Dapat isaalang-alang kung ano ang edad ng populasyon o taga-tugon na gagamit sa
paksang pag-aaralan upang magkaroon ng direksyon ang pananaliksik.
Perspektibo
- Dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang paksa na mapipiling pag-
aralan.

Napakahalaga ng pananaliksik hindi kamang sa mag aaral kundi sa ibat ibang


uri ng tao. Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng
pamumuhay ng tao sa ibat ibang larangan. Ginagamit ang pananaliksik upang:

1. Maging solusyon sa suliranin


2. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto, at impormasyon
3. Makiita ang kabihasnan na umiiiral ng isang bagay
4. Umunlad ag sariling kaalaman ng mag aaral
5. Mapalawak ang kaalaman ng mga mag aaral
6.

Pamamaran ng Metodolohiyang Pananaliksik

- Sa pamamagitan ng isang pananalliksik ay nararpat lamang na maghanap ng


paraan o prosesong maaring gamitin upang maging maayos ang isang pag
aaral.
 PAMAMARAANG PANGKASANAYAN (HISTORICAL)
 PAMAMARAANG EKSPERIMENTAL ( EXPERIMENTAL)
 PAMAMARAANG PALARAWAN (DESCRIPTIVE)
 PAG AARAL NG KASO (CASE STUDY)
 SERBISYON (SURVEY)
 PAGSUBAYBAY NA PAG AARAL (FOLLOW UP STUDIES)
 PAGSUSURI NG DOKUMENTO
 KALAKARANG PAGSUSURI (TREND ANALYSIS)

Katangian ng Mabuting Pananaliksik

 Ang katangian ay sistematik


 Ang pananaliksik ay empirical
 Ang pananaliksik ay mapanuri
 Ang pananliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling
 Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanteteytib o istatestikal na metod
 Ang pananlliksik ay isang orihinal na akda

Ang pananaliksik ay nakaktulong sa guro upang magsilbing gabay ang natuklasan at


nang sa gayon ay mapagtagumpayan nya ang epektiong pagtuturo sa kanyang mag
aaral.

Para naman sa mga mag aaral, natututo sila sa mga isyu, metodolohiya at kaalaman
sa napili nilang larangan. Gayundin, kung nagsasagwa sila ng pananliksik o
nakakabasa ng mga resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila
ang mga natututuhang konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa paglutas
ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawing paghahanap ng solusyon sa mga
suliranin.

Kahalagahan ng Pananalliksik

 Napapayaman ang Kaisipan


- Lumalawak ang kaisipan ng isang mananalksik dahil sa walangh humpay na
pagbabasa, nag iisip nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
 Lumalawak ang Karanasan
- Napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng
pananaliksik dahil sa marami syang nakasalamuha sa pagkalap ng
mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad, sa mga kaugnayan na
literature.
 Nalilinang ang tiwala sa sarili
- Tumataas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na
naisakatuparan ang alinmang pagaaral na isinagawa.
 Nadaragdagan ang Kaalaman
- Ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil
nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

Konklusyon

Ang paggawa ng pananaliksik ay mahalaga at kailangang matutunan


sapagkat malaki ang mai aambag nito sa ating buhay, napapayabong nito an gating
kaisipan pagdating sa mga paglutas ng suliranin. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng mga hakbang na ating matututunan sa ating mga guro.
Napapayaman nito an gating kaisipan sapgkat madami itong nilalaman na dapat
nating maunawaan. Sa pagsagawa neto, may mga kasanayan kang makukuha sa
mga teskto.

Mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa pananaliksik at sa


pagsulat ng sulating pananaliksik sapagkat ang pananaliksik  ay may mga
sumusunod na halaga:  

 Sa pamamagitan ng pananaliksik ,lumalawak at lumalalim ang karanasan ng


tao, hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya,kundi sa
lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik.  
 Pagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at nakikita
niya ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti.  
 ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung
isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.  
 Sa tulong ng pananaliksik maraming gawain  ang mapapabilis.  
 Maraming buhay rin ang guminhawa at nagkaroon ng hanapbuhay tulad ng
pamamasada dahilsa sasayan na nadiskubre, ganun rin ang mga mag-aaral
mayroong nagagamit sa kanilang proyekto na computer at internet.  

Ang pananaliksik ang siyang nagiging daan upang maunawaan ng mga mag
aaral ang kanilang kapwa, gayundin ang bawat desisyon na ginagawa sa iba't ibang
pangyayari. Ito ay nagbibigay daan upang makita ng mga mag aaral ang tunay na
estado ng ating bansa. Ito din  pangunahing gamit upang malaman natin ang mga
suliranin sa ating lipunan at bigyan ito ng solusyon o rekomendasyon.
Sa pamamagitan ng pananaliksik, nalalaman natin ang pinaka epektibong
hakbang sa mga bagay na ginagawa sa ating bansa. Kabilang dito ang epektibong
pagtuturo, epektibong family planning, at iba pa. Pananaliksik ang siyang huling
hakbang ng pag-apply ng mga bagay na natutunan sa loob ng paaralan. Isinilang
ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao
sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga
kasagutan para sa mga katanungang ito. Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang
isang mananaliksik sa mga aklatan, museo, laboratoryo nakikipanayam sa mga
dalubhasa, at nangongolekta ng mga opinyon sa mga mamamayan. Sa simula,
nagbabasa sila ng sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang
kaalaman o may tiyak na mga paksa, katulad
ng talahuluganan, ensiklopedya, taunang-aklat, atlas, mapa, globo, at indeks.
Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang
kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga
aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang
kaugnay ng pangunahing paksa.
Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik
ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang
naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang
malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang
mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang
isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya
isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan
ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral
hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para
pag-aralan ang sanlibutan.[

You might also like