You are on page 1of 2

Teoryang Pooh-Pooh

- Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa
dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

Teoryang Yo-he-ho
- Ayon kay A.S Diamond (2003), ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang
pisikal.
Reference:
Rey, v. (2019, June 25). Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika. Retrieved from
https://philnews.ph/2019/06/25/teorya-ng-wika-pinagmumulan-ng-wika/
https://books.google.com.ph/books?
id=puB5FV8TrtMC&pg=PA23&lpg=PA23&dq=teoryang+pooh+pooh&source=bl&ots=J7mXF
GDuL4&sig=ACfU3U1mEDQEtuNdPd_UMjm668rjO968xQ&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwj--
P-Y8PPnAhWTZt4KHXguDmc4ChDoATAAegQIBxAB#v=onepage&q=teoryang%20pooh
%20pooh&f=false
https://quizlet.com/417001169/teorya-ng-pinagmulan-ng-wika-flash-cards/

BAGONG TIPAN (NEW TESTAMENT)


Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga isinulat ng mga unang Apostol at mga disipulo ni
Jesus na nagsulat sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo. Naglalaman ito ng apat na
Ebanghelyo, na mga patotoo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan tungkol kay Jesucristo bilang
ang ipinangakong Mesiyas—ang Tagapagligtas at Manunubos—at ang nabuhay na mag-uling
Panginoon. Ang apat na Ebanghelyo ay nagsasalaysay tungkol sa buhay ni Jesus at nagtatala ng
marami sa Kanyang mga turo. Naglalaman ang Bagong Tipan ng mga doktrina at mga
alituntunin na itinuro ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga Apostol na makatutulong sa iba na
malaman kung paano makabalik sa piling ng Diyos Ama at makamit ang buhay na walang
hanggan. Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang Biblia ng Aklat ni Mormon,
Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas bilang banal na kasulatan.

Ang Biblia ay hindi iisang aklat. Koleksyon ito ng mga aklat. Ang ibig sabihin ng salitang
Griyego na pinagmulan ng salitang bible o biblia ay “ang mga aklat.” “Ang Bibliang Cristiyano
ay may dalawang bahagi, na karaniwang tinatawag na Luma at Bagong Tipan” (Gabay sa mga
Banal na Kasulatan, “Biblia,”scriptures.lds.org). Thus the New Testament is the new covenant.
Sa konteksto ng ebanghelyo, ang tipan ay isang espesyal na kasunduan sa pagitan ng Panginoon
at ng isang tao o grupo. Ang Lumang Tipan ay ang batas na ibinigay ng Panginoon sa Kanyang
mga tao noong unang panahon. “Nang pumarito ang Tagapagligtas noong kalagitnaan ng
panahon, ipinanumbalik Niya ang ebanghelyo sa mga Judio sa Palestina. Sapagkat tumalikod
sila, maging sa batas ni Moises, ito ay isang bagong tipan sa kanila” (Bible Dictiona

You might also like