You are on page 1of 3

Exercise F

PAUNANG SARBEY SA PINANGYARIHAN NG KRIMEN


(PRELIMINARY SCENE SURVEY)

Layunin:
● Upang masanay ang paggamit at kagamitan ng paunang sarbey bilang parte ng
kunwang imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen

Kapag nasiguro nang ligtas ang pinangyarihan, ang crime scene supervisor o lead crime scene
investigator, kasama ang case officer, ang mga magsasagawa ng paunang sarbey sa
pinangyarihan ng krimen o “walkthrough”. Ang sarbey na ito ay dapat na ginagawa ng mga
unang rumesponde, bilang sila ang may direktang kaalaman sa orihinal na kaayusan ng
pinangyarihan at anumang pagbabago na maaaring nangyari sa eksena. Ang paggamit ng
digital na litrato sa sarbey ay maaari ring maging kapaki-pakinabang sa paunang
dokumentasyon. Ang mga litrato sa walkthrough ay hindi dapat maging detalyado; dapat lang
nitong ipakita ang kabuuan ng pinangyarihan, at walang espesipikong talaan ang gagamit nito.
Dahil ang mga larawang ito ay maaaring makita ng mga tauhan nang hindi kinakailangan
pumunta sa pinangyarihan ng krimen, magagamit ang mga ito upang mapigilan ang
kontaminasyon ng ebidensya o pagkawala nito.

Ang mga sumusunod ay mga mungkahing hakbangin na dapat gawin sa isang walkthrough sa
pinangyarihan ng krimen.
1. Laging isipin na ang siyentipikong crime scene investigation ay obhetibo at sistematiko.
Huwag magkaroon ng “tunnel vision”, o kawalan ng perspektibo sa ibang bagay dahil
sa matinding pokus sa isang bagay, dahil maaari nitong iligaw ang direksyon ng
imbestigasyon.
2. Tandaan ang mga uri ng pansamantala at napapanahong ebidensya sa pinangyarihan.
Tandaan ang estado ng panahon (at ang pagbabago nito), kung nakabukas o nakapatay
ang ilaw, buo o sira na seradura, bukas o saradong bintana, bentilasyon o estado ng air
conditioning, presensya ng mga amoy, patterned physical evidence (mga ebidensyang
may pattern na sinusunod), etc. Sa puntong ito, dokumentasyon, proteksyon,
preserbasyon o koleksyon ng mga espesyal na porma ng pisikal na ebidensya na ganito
ang kinakailangan.
3. Tandaan ang daanan papasok, daanan palabas, mga landas sa pagitan nito, ang target
area sa pinangyarihan, mga uri ng pinsala, at anumang malaking isyu o sitwasyon (tulad
ng pagsara ng highway o kalsada) na sangkot sa imbestigasyon.
4. Subuking sagutan ang mga sumusunod na katanungan: Sino? Ano? Saan? Kailan? At
papaano?
5. Suriin ang uri ng pinangyarihan: ang mga limitasyon, ang mga pisikal na ebidensyang
naroroon, at ang mga tauhan at kagamitang kailangan. Sa madaling salita, depinihin ang
pinangyarihan ng krimen!

LABORATORY DATA SHEET


Base sa larawan sa Figure F.1, sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
● Sino? (Kasarian ng (mga) biktima, tinatayang edad, mga unang rumesponde sa
pinangyarihan, mga naroroon sa lugar, atbp.)
● Ano? (Ilarawan ang kasuotan, hitsura ng pinangyarihan, paraan ng
pagkamatay/pinsalang natamo, armas, mga natamo/malinaw na pisikal na ebidensya,
punto ng pagpasok/paglabas, atbp.)
● Saan? (exterior, interior, sasakyan, tiyak na lugar ng pinangyarihan, atbp.)
● Kailan? (Napagbigyang-alam o notification, pagdating, pag-alis, iba pang isyu na may
kinalaman sa oras, atbp.)
● Paano? (Moda ng transportasyon sa pinangyarihan, iba pang sasakyan, posibleng
rekonstruksyon ng senaryo, aktibidad, atbp.)
● Pansamantala/kondisyunal na ebidensya sa eksena?

MGA TANONG PANG-DISKUSYON


1. Magsulat ng naratibong ulat batay sa impormasyong nakuha sa paunang sarbey sa
pinangyarihan.
2. Bakit importanteng bahagi ang (mga) unang responder sa paunang sarbey?

You might also like