You are on page 1of 2

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED SCHOOL


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School Unit
2016 – 2017

TEACHER’S LEARNING PLAN IN GRADE 9 FILIPINO

Bilang ng gawain: 1b
Paksa: Maikling Kuwento ng Singapore: Ang Ama
Mga Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…
1. natutukoy ang kahulugan ng matatalinghagang salita sa akda.
2. (PN) nakabubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideya na nakapaloob sa akda.
1.1 nakapagtatala ng mahahalagang pangyayari sa akda; at
1.2 naibibigay ang pangunahing paksa sa akdang binasa.
Sanggunian: Ang Ama. Hango sa: http://tl.answer.com/Q/Buod n g kwentong ang ama ni mauro r avena
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kapwa at pagpapatawad

I. Pangunahing Konsepto

Basahin ang kuwentong Ang Ama ni Mauro R. Avena sa inyong sipi

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paglilinaw sa Natutuhan
Gawain 1 Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa pagkakagamit
nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang nakalaan.
__________ 1. Binigyan niya ako ng regalo nang may kaluwagang-palad.
__________ 2. Naninipat ang aming mga mata sa paghihintay sa pagdating ng aming guro.
__________ 3. Padabog-dabog niyang sinunod ang aking utos kaya nagalit ako.
__________ 4. Sa tuwing nag-aaway ang aking mga magulang, naririnig kong humihikbi ang aking ina.
__________ 5. “Ay!”, ang bulalas ko nang may nasabi akong hindi maganda sa harap nang
marami.
__________ 6. Sa tuwing naririnig namin ang kanyang halinghing, alam naming inaatake na naman siya
ng kanyang sakit.
__________ 7. Masakit sa pandinig ang matinis niyang boses.
__________ 8. Nakabubulahaw sa aming kapitbahay kapag nagagalit na si ama.
__________ 9. Bumulwak ang aking dugo sa aking nalaman.
Gawain 2
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mahahalagang pangyayari mula sa kuwentong binasa.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na


Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari

Mula sa mga pangyayari, ano ang mahalaganmg kaisipan sa kuwentong


binasa?
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

B. Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
2. Anong pangyayari sa kuwento ang naging sanhi ng pagbabago sa di-kanais-nais
na pag-uugali ng ama?
3. Anong kulturang Asyano ang nasasalamin sa kuwentong inyong binasa? Bakit
mo ito nasabi?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Buuin ang mga pahayag na nasa ibaba.

Mahalaga sa
isang tahanan
na…

Ang bawat miyembro ng pamilya


ay dapat…

Inihanda ni: Bb. Bernadeth T. Abequibel Lagda ng Facilitator: _______________

Iniwasto ni: Gng. Adorinda M. Narzabal

You might also like