You are on page 1of 1

Graduation Song "Pahina"

Sung by: Abegail Nocomora


Music and lyrics: Emil Mesina

I
Bawat pahina ng mga sandaling
naisusulat ko ay bahagi na ng
aking buhay, ito ay makulay
Kabiguan man, ito ay hindi
hahadlang sa...
Chorus I
Katuparan ng mga mahahalagang
Kabanata sa kuwento ng buhay
na nais kong makamtan
II
Bawat pagtiklop ng mga pahina
May kuwento akong masaya
At mayroon ding nagpapaalala
Habang sa mundo tayo ay naglalakbay
May mga bagay na sa atin ay
nagpapatibay, aking dahilan sa…
Chorus II
Katuparan ng mga mahahalagang
Kabanata ng aking buhay
Nais kong magpasalamat sa mga
Makabuluhang natutunan ko upang mag tagumpay

Bridge:
Hawak ko ang pluma sa pagsulat ng mga mararating ko
Sa panahong ako'y nasa tuktok
Aking dadalhin at babasahin ang...

(Repeat Chorus II)

Ito ang nais kong makamtan


Coda:
Bawat pagtiklop ng mga pahina
May kuwento akong masaya at
Lagi kong maaalala

You might also like