Professional Documents
Culture Documents
Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo NG Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo NG
Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo NG Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo NG
SA PAGTUTURO NG WIKA
Posted on March 29, 2013by filipinotek
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO
TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT
TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG
KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA
LAYUNIN:
1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang
makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang
komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.
1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo
Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na
ipinalalagay na mabisa:
Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO
TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT
TAPIK: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM
LAYUNIN:
1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng
Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong
kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa
batayang edukasyon.
4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong
mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.
1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga
estratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang
masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y
behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod na
obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang tersyarya. Hindi
pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa
(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa
kolehiyo.
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang
gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang
pagbasa at malikhaing pagsulat.
(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na
ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at
(7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)
lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang
awtentikong materyal.
lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip
ü Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.
a) May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-
aaral.
c) Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang
komunikasyong interpersonal at sosyal.
d) Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman
anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.
f) Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
g) Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga
alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga
estratehiya sa pag-aaral.
h) Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa
ng klase
A. DESKRIPSYON
Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mg
lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG, TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG- pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang
IISIP. kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.
MITHIIN
PAGBABAGO
PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI
ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI
HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o
sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG,
PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay
TANDAAN
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.
Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay
nauukol sa SK at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mg
KASANAYAN sa FILIPINO.
BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG
c.) TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O KAGAMITAN
PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINA
NG KASANAYAN
3. INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)
GURO BATA BATA K-PANG
1 2 PAGTUTURO
a.)
Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon
(meaningful interaction)
b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
c.)
Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
1.
)
Pagpaphayag ng sariling ideya
2.
)
Pag-unawa sa ideya ng iba
3.
)
Nakikinig sa iba
4.
)
Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared
context)
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon
Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng
Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga i
pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga
tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istruktura
gramatikal.
Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa sa
iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.
Sa Bawat Taon
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’
ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.
Ibong Adarna
Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo
Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso a
iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga propesyunal n
1. may mga estratehiya sa pagkatuto.
2. Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong impak sa mga mag-aaral.
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klas
1. magnet at ang buong paaralan.
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng
2. edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.
Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging
3. kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na
4. ibinatay sa paaralan at paggawa.
Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at tradisyon a
5. binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto.
Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman
bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa
kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng
presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang
gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-
akademiko.
MGA ESTRATEHIYA
Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtata
pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuha
mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga
2. akademikong disiplina.
3. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang pagkatuto.
PARAAN/TEKNIK
Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral n
gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikula
konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):
1. Pagbuo ng pangkat
1. Pagbuo ng suliranin
2. brainstorming
3. paglinaw ng mga ideya
4. pagsang-ayon sa mga ideya
5. pagpapalawak ng mga ideya
6. pagtingin sa maaaring maganap
7. pagpuna sa mga ideya
8. pagbuo ng impormasyon
9. paghanap ng solusyon
ü linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang kasanayan sa
literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga kanais-nais na
halagahan(values) upang sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon
ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.
Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng
mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang
katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence)
b) Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.
e) Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga
asignaturang itinuturo sa Filipino.
Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng pagkatuto o isang
asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa Filipino.
b) malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang kognitib-
akademik na kasanayang pangwika.
c) mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga asignaturang
pangnilalaman.
f) Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng
pangangailangan.
Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo:
1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura,
Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.
C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa
dalawang lawak.
C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong
kaalaman.
b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong
instrument sa pagkatuto.
c) Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na
pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.
d) Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.
e) Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik, interaksyon sa
materyal, kapwa mag-aaral at mga guro
i) Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal
para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.
2. TEMATIK NA PAGTUTURO
Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:
“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and
processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying
activities. The theme enables learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .”
C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang
nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man
ang komunikasyon.
interaksyon sa guro
sa kapwa mag-aaral
sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.
f) Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.
h) Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.
Samakatuwid…
C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng
2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang
kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.
EBALWASYON
1. I. MALAYANG TALAKAYAN
A. A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa Binagong
Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
A. B. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
i. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa
pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
ii. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin
ang/sa kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong
kasagutan.
iii. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa
pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?
iv. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa
pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?
“Tell me and I forget
Show me and I remember,
Involve me and I understand”
-Chinese Proverb
1. II. PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary. Pumili
ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili.