You are on page 1of 3

G.

Lazaro Francisco Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-
apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan
ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ay itinuturing na isa sa
matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay
ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga,
Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang
pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng
kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway.
2. • Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at
lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro
noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at
tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa
problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang
tao na si Lino Rivera.
3. Lino Rivera Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka.
Nakapagaral siya hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang
magtrabaho. At marami na rin siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang
nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong
unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa naman, pinagbinatangan siyang
pumatay. Ernesto Anak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong
gulang. Mayroon siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na.
Isa siyang matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni
Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero
kahit anong problema ang dinaraos ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.
4. Bb. Loreto Sanchez Ang nag-alaga kay Ernesto noong pangalawang beses na
mabilanggo ni Lino. Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin
ang taga payo ng samahan ng mga magulang at guro. Mayroon siyang inaanak na si
Ernestina. Inaalagaan rin niya ito. Anak siya ni Aling Basilia at tiyo niya si Padre
Amando. Isa siyang napakagandang babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda. Mabait siya at
lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap ng bagong trabaho. Kabo Lontoc Ang
dumakip kay Lino.
5. Aling Ambrosia Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay
Bb. Sanchez na nahuli si Lino.
6. Tumango-tango- pagsang ayon Umirap-dumilat/tumingin Benggansa _ paghihiganti
Maliwag- pagpigil/mapigilan Kabutong- butong anak – biyolohikal na anak
7. tigib ng panggigipuspos – puno ng pagdalamhati malirip – maunawaan tikis –
sinasadya / kusa yumukod – sumandal / magyuko paghikbi – ingit/ uhog / pasinghot –
singhot nahahambal – kalumbayan
8. Luminga-linga – tumingin tingin Aluminyo- aluminum Tahasan – tapat/lantad
Kahiman – bagama’t /kahit na Kabo – isang ranggo ng militar Banayad – malambot
9. kalupi - pitaka pitak – kompartmento Humagulgol - mapaiyak
10. Sa kwento narinig ni Misss Sanchez ang kaguluhan ng mga tao laban kay Kabo
Lontoc dahil ipinagtatangol ni aling ambrosia ang pagdadakip kay Lino at inawat ni miss
sanchez ang kaguluhan at nag salita si Villas na “Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss
Sanzhez,” at ipnaliwanag sa kanya at kay kabo lontoc na bakit may ibang tao diyan na
may malubhang paglabag sa batas ng bayan ngunit hindi nasasakdal at hinuhuli kung
kayat nakapanunungkulan pa ang iba at may namamayagpag sa gitna ng bayan.
Hiningi niya na sana ipawalambahala nalang ang paghuli kay Lino o di kayay hindi sana
ngayon, para sa kanyang anak na walang mag aalaga.
11. Pangatwiran naman ni Kabo Lontoc na kung hindi naman sila ang magdadakip kay
Lino marami naman diyan ang mapaguutusan ng batas para hulihin siya. Humingi si
Miss sanchez kay Kabo Lontoc ng oras para kausapin si Lino at agad na pumayag siya.
Gusto man na kausapin ni miss Sanches si Lino ngunit hindi niya gustong putulin ang
pagtatagubilin ni Mang Lino sa kanyang pinakamamahal na anak nasi Ernesto. Patuloy
na nag sasalita si Lino sa kanyang anak habang nakikinig sina Miss Sanches , Miss
Lavadia at Aling Ambrosia.ilan sa hinabilin ni Mang lino kay Ernesto na mag pakabait at
maging matatag .sinabi din yang wag mawalan ng paniniwala sa diyos . Tinignan ng
tatlo ang mukha ni ernesto na umiiyak.
12. Tumalikod si Aling Ambrosia , tumagilid naman si miss lavadia at isinubsob ni miss
sanchez ang kanyang mukha sa kanyang dalawang palad dahilan sa hindi nila nakaya
ang eksenang nakikita. Ibinigay ni Mang Lino ang krusipihong Aluminyo na may guhit ni
kristo na alaala ng kanayng yumaong ina. Nag usap naman si Mang Lino at Miss
Sanchez sabi niya kay miss sanchez na “Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang
mga tunay na nangyari,” ani ni Lino. “Balang araw ay malalaman din ninyo kaypala ang
lahat ay lahat. Ngayo’y wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi
‘Wala akong Sala’!”
13. At iiwan sana ni Mang Lino si Ernesto sa pangangalaga ni aling Ambrosia ngunit
nag alok si Miss Sanchez na aalagan niya si Ernesto at ituturing para na ding anak niya.
Nang umalis na si Mang Lino at malayo na ang kanyang sinasakyan ay walang kurap
na nakititig sa malayo si Ernesto. Sabi ni miss sanchez na umiyak ka! At itoy
makakagaan sa dibdib mo at Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia.
Nakita ng dalawa na may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at
humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga. Ipinakuha ni miss Sanchez ang gamit ni
Ernesto kay aling ambrosia at nag tapos ang kwento sa pag uusap ni Estanislao Villas
at Mang Islaw.
14. • Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.
Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang
mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan. • Halimbawa ng mga akdang masusuri sa
teoryang ito ay ang: - Iba Pa Rin Ang Aming Bayan - Ambo - Papel - Mga Ibong
Mandaragit - Maganda Pa Ang Daigdig
15. Sa pagbasa sa isang akda sa pananaw realismo, tinitingnan ng mambabasa ang
mga pangyayaring inilahad sa akda na masasabing angkop na angkop sa tunay na
buhay. Bahagi ng pagiging realidad ang mga pangyayaring buhay na buhay at
nararanasan ng tao sa totoong buhay.
16. “Gumawa ka ng mabuti, hindi sapagka’t may langit kundi sapagka’t mabuti ang
mabuti. Huwag kang gagawa ng masama, hindi sapagka’t may impiyerno, kundi
sapagka’y masama ang masama”

You might also like