You are on page 1of 1

ANG AKING REPLEKSYON SA EL FILIBUSTERISMO

ANG EL FILIBUSTERISMO AY ISANG MAGANDANG NOBELA NA GINAWA NI RIZAL NA


nakatulong sa mga taong nakapagbasa na lumaban at huwag mag papa alipin
ang nobelang ito ay nagsasabi na ang mga bagay,kahit na ito’y nakakagawa ng
masama sa iba at sa iyo ay mabuting itago nlng o kayay ibalik mo ito na may
kabutihang maidudulot kaysa makadagdag pa ito ng kaguluhan sa isa’t isang tao
na maaring mas makapagdudulot pa ito sa iyo ng masamang epekto o susobra
pa rito.

Ang Nobelang ito ay sumasalimin rin sa pampolitika noong panahon ng


pananakop ng mga kastila sa Pilipinas na dahil roon ay ginawang mga alipin ang
mga Pilipino at ang iba naman ay tinatago nlng ang kanilang pagiging Pilipino
upang sila ay magkaroon ng mataas na antas sa politika at sa mga tao.

Ipapakita rito ang mga kamalian, mga butas at ang mga napakasuklam na
ginagawa ng mga nasa loob ng pamahalaan at dahil roon ay nagkaroon ng mga
pag uusig laban sa kanila na gumagawa ng kamalian at mga katarantaduhan na
nakakadulot ng kasamaan sa kapwa at hindi nakakatulong sa lipunan at mas lalo
pang pinababa ang lipunan sa kanilang mga ginagawang kasamaan.

Dahil rito ay makikita na walang magandang maidudulot ang pagbabalik ng mga


kasamaang ginagawa ng isang o ilang tao sa iya at sa iyong kapwa na mas
nakapapalabo pa ng mga pangyayari dahil sa mga taong nais na ibalik ang
kanilang nakuhang panlalait at ano mang mga masamang nangyari sa
kanila,katulad ni simoun na sa kanyang pagbabalik sa bansa ay nais na labanan
ang politika,naisa na ipaglaban ang mga mamayang Pilipino,nais tulungan silang
makabangon at nais na bumawi sa lahat ng katarantaduhan na ginawa sa kaniya
at sa kanilang nakaraan ngutnit sa kanyang pag susulong ay nagkaroon ng
masamang pangyayari na nakapagdudulot ng mga pagsira ng mga bagay
,pagkitil ng buhay at higit sa lahat ang mga pangyayaring nakapagdudulot ng
lagim sa kanilang bayan dahil sa pagbawi ni simoun sa lahat ng mga taong
ginawa siyang alipin at kaawa awa sa kaniyang kapwa Pilipino.

Dahil doon wala talagang magandang maidudulot and pagbawi sa mga ginawang
kasamaan ng tao sa iyo at mas mabuti pang ibalik ang nakabubuti sa kanila
upang wala ng masirang buhay at bagay sa inyo at sa kanila na pwedeng
makapagbigay sa iyo ng magandang buhay.

You might also like