You are on page 1of 13

Florante at Laura: Buod ng Bawat Kabanata

Kabanata 1: Kay Selya

Buod:
Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na kung
paano niya ipinaglaban ang pag–ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang
Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya
sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya.
Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na kalungkutan.
Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni Francisco na
bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-
iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.

Talasalitaan:
1.     karalitaan  - karukhaan; kawalan
2.     hilahil - walang-wala; nagigipit;
3.     yapakan – apakan; tutungan; hakbangan
4.     panimdim - dalamhati
5.     taghoy - managhoy; manangis; humalinghing; dumaing dahil sa sakit
6.     umid - di-makapagsalita
7.     ayop – paglabag; pagkakasala

Kabanata 2: Puno Ng Salita

Buod:
Ang kagubatan ay inilarawan na madilim at may malalaking puno tulad ng higera at sipres.
Bawat isa sa mga  punong ito ay may mga baging na may tinik at pagkinain mo naman ang
bunga nito ika’y magkakasakit. Ang mabahong amoy sa kagubatan ay sanhi rin sa mga bulaklak
na nandito. Ang kagubatan ay malapit sa Abernong Reyno na pinamumunuan ni Plutong
masungit at sa Ilog Kositong. Sa madilim na kagubatan na ito ay may isang lalaking
nagngangalang Florante ang nakatali sa puno, inilarawan siya bilang Adonis dahil sa tindig at
pangangatawan nito at kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang
kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.

Talasalitaan:
1.     kangino – kanino
2.     matimpi – pormal; husto
3.     bulo – binti; guya; bakang maliit; bisiro
4.     higerang - kapwa
5.     balantok - arko
6.     mapanglaw – malungkot; nagdadalamhati
7.     ungos – sa taas ng bibig
Kabanata 3: Kaliluha’y Hari

Buod:
Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang
nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na
lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-
harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati
ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa
Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at
gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na
nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.

Talasalitaan:
1.     uyamin – kutyain
2.     tinangis– sigaw; umiyak; tawag
3.     lugami – manghina; pagod
4.     lilo – samsamin; taksil
5.     dusta – pag – alipusta; insultuhin
6.     pita - kahilingan
7.     niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay
8.     tarok – pagkakaunawa; pagkakaintindi

Kabanata 4: Ang Panigbugho

Buod:
Si Florante ay nagdudusa pa rin sa madilim na kagubatan. Pag siya ay nahihirapan na, siya ay
nagdadasal na lamang sa Maykapal. Sa kanyang dasal sabi ni  Florante na lahat ng hirap at sakit
tatanggapin ko, ipaalala mo lang kay Laura na may nagmamahal pa sa kanya. Si Laura na
lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan
na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang
katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay
tiyak na maaawa ito. Ang madilim at malungkot na kagubatan ay mas lalo naging malungkot
dahil sa nangyari kay Florante.

Talasalitaan:
1.     laot – mataas na dagat
2.     gunamgunam – diwa; layunin
3.     mandin –tila; wari; para
4.     apuhap – humana; sikaping matamo
5.     suyo - ligawan
6.     hapis – masidhing kalungkutan
7.     nahan - saan
8.     lungayngay – nalalanta; sampay; bitin
9.     pili – ikirin; tirintasin
Kabanata 5: Halina’t Laura Ko

Buod:
Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni
Florante. Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito
para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na
nararanasan ni Laura.  Si Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si
Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya
masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante
habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante
ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat
kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Talasalitaan:
1.     baluti – ginagamit sa pakikipaglaban; pang proteksyon sa kalaban.
2.     gurlis – bugbog; pasa; galos; gasgas
3.     tugot – paghinto; pagtigil
4.     dini – dito
5.     upandin – nasa ayos
6.     sawata – abala; hadlangan
7.     lingap – awa; habag
8.     dalita – hirap
9.     kalis – espada; sable
10. tunod – palasong maigsi; kislap
11. yukyok – itago
12. supil – disiplina; patnubayan

Kabanata 6: Pagdating ni Aladin sa Gubat

Buod:
Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng
Persya mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede
mapagpahingahan. Umupo siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa
kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa
pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida, ang babaeng pinakamamahal ni niya.
Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat gagawin ni Aladin para bumalik
lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi niya gagalangin ang
umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte, ang diyos
ng digmaan
Talasalitaan:
1.     daop – yakapin
2.     yakagin – mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3.     nasok – tumuloy; pumasok
4.     yurakan – humakbang; lumakad
5.     linsil – ligaw
6.     tatap – unawain

Kabanata 7: Duke Briseo: Ang Amang Nagmamahal

Buod:
Si Aladin ay nakarinig ng isang taong umiiyak, sinundan niya ito at nahamangha siya sa nakita
niya. Nakita niya si Florante na umiiyak habang nakatali sa puno. Umiiyak si Florante dahil sa
pagkamatay ng kanyang ama. Pinatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante. Sabi ni Florante ang
mga kaibigan pa daw ng kanyang ama ang tumaksil sa kanya, naghati sila sa dalawang grupo, isa
sa mga kakampi at yung isa sa mga tumaksil. Napagalaman pa ni Florante na hindi nabigyan ng
magandang libing ang kanyang ama. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama
dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan pa rin ng kanyang anak ang iniisip at
sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang
nararamdaman ay nawala sa kanya.

Talasalitaan:
1.     baling - pihit; palit; liko
2.     humibik - mahinahon; di-lasing
3.     tabak – bolo; espada
4.     sukab – traydor
5.     napatid – nabali
6.     mapagkandili – mapagsamantala
7.     namaang – nagtaka

Kabanata 8
Duke Briseo: Amang Mapagmahal

Buod:
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya'y namangha kaya naman sinundan niya
kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses
at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong
pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng
kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti
ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil
mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi
man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang
ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni
Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali.
Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay
nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang
kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.

Kabanata 9
Ang Morong Nakikinig

Buod:
Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad niyang naisip ang kanyang ama
at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni
Florante kung paano ito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilang isang
sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng kanyang ama na
lumubog siya sa dusa at siya'y mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siya'y isinilang kaya
naman ang kanyang ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoay pawing
dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.

Kabanata 10
O, Laura

Buod:
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling
pananambitan ni Florante at ito'y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit
siya'y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang
pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya ito,
ito'y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang
pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan.
Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng
lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang
magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.Nasa harapan na ni
Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang
pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya
nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng pananambitan ni
Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan nanggagaling ang boses na
kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang
matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mga
leon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na
leon at namatay ito.

Kabanata 11
Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon
Buod:
Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at
siya'y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil
sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at
kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito'y natutulog, si Florante ay
biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na
sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita
niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya'y nabigla, nais sana niyang ilayo ang
kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay
Florante na ang baya't sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang
maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin s autos o batas ng
langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si
Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay
sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya.
Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.

Kabanata 12
Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante

Buod:
Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang sa ito'y
gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata.
Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon alagaan si
Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na
bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain at
inalok niya si Florante nito, sa una ito'y umayaw ngunit hindi naglaon ito'y tinanggap rin.
Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si
Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya'y natatakot na baka
makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si
Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-
araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay
walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at
dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol
sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay
Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw
niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang
pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-
ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang
buhay ng siya'y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa bahay nila
na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa
patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana
niya ang ibon at ito'y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may isang alko na kinuha
ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang
naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang
masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a hanggang sa tingal-in ng
ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi
maramot na parang.

Kabanata 13
Kabataan ni Florante

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya'y bata pa lamang.
Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang gusto niyang
gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag
may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla raw niyang ibibinit
ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-
uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi
masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na hindi nararapat palakihin
ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang
panahon na darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas
dahil siya'y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at
ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor,
lahi ng mga Pitako, ito'y mabait at marunong na isang maestro.

Kabanata 14
Nahubdan ng Balatkayo

Buod:
Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya'y ipinadala ng
kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong
si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang anak
ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo't si Florante naman ay
labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi
magaslaw, kung lumakad ito'y laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo,
lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga kaklase sa
kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor ay hindi
mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang
bait na hindi paimbabaw ito'y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat ang loob
ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya ang
astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay
naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya na ang
usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante. Nahalata si
Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral
na nagbibinata, iba't iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan na
naaayon sa musika't awit na mapakikinggan. May laro ring buno't arnis na kinaitaan ito ng
kanilang liksi't karunungan.

Kabanata 15
Nasalag ang Dagok

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante. Si Florante ay gaganap bilang
si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman
ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang
isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay wala ito sa
orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at
sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang
patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya'y natumba buti nalang t nailigts
siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si
Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng
kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na naramdaman ni
Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham na ipinadala ng
kanyang ama. Nang siya'y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang
mata'y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na namatay ang
kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa
gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito.

Kabanata 16
Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya.
Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya't aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman
niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito
ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May
hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na
patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw
siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya
sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang
huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang
naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si
Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay
hindi na nila binitawan ang isa't isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro
kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya
sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na
naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.

Kabanata 17
Ang Heneral ng Hukbo

Buod:
Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na
pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng
kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at
sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay
marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa
kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol
sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag gerero sa tulad
niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang
natatamasa.
Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si Florante at
ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa
isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban
ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya'y walang sagot na naisabi kundi yakapin na
lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya

Kabanata 18
Patay o Himala

Buod:
Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila ni
Laura ng siya'y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang
pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa
kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na
pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain
na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang
paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na
nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay. Namatay
ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng
kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng palasyo
real si Florante.

Kabanata 19
Perlas sa Mata'y Nunukal

Buod:
Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito'y higit pa raw sa naunang dalitang
tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago
umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito ng
mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang matinding naramdaman ni
Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may mababaon parin siya sa
kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata'y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-
alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na masagot bago
siya umalis tungkol kay Laura.
Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang dalawang kampo
at ito'y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni
Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit.

Kabanata 20
Krotona'y Nagdiwang

Buod:
Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon sinalubong sila
ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan
kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng
kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga. Tatlong araw na hindi
natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila
ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli,
kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo'y walang lubos na katuwaan dahil sa
minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin ang mapagdadaanan. Limang buwang
nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang
hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa Albanya.

Kabanata 21
O, Sintang Florante

Buod:

Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga
Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito'y nakagapos at
pakiramdam nila ito'y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil
nangangamba siya na ito'y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at
agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang
mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang
kanyang hinala na ito'y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura
ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya
ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang
magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura
at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang
ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring
Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng kanyang
ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa tagumpay
na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si
Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas na hari sa
palasyo real.

Kabanata 22
Silu-Silong Sakit
Buod:
Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang
dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik
sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa
kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi
niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng
sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya'y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng
dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong
na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang
kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa pagkabilanggo
niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na noong dinala
siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga
gumagalang hayop.

Kabanata 23
Kawawang Aladin

Buod:
Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa kanyang
buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida.
Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang
nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi
mapatay si Aladin kung kaya't pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik
sa Persya.

Kabanata 24
Hatinggabing Kadiliman

Buod:
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-uusap.
Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si
Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na
pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi tinanggap
ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya't dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan
subalit dumating si Flerida at siya'y iniligtas.
Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil sa kanya
si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang
Albanya.

You might also like