You are on page 1of 1

Sandali po tayong tumahimik at damhin ang presensiya ng ating Panginoon

Panginoon aming mapagmahal na ama, kami po ay nagpapasalamat sa araw na ito na ipinagkaloob niyo
po sa amin. Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na patuloy niyo pong ibinibigay at
sa walang hanggan ninyong pagmamahal.

Salamat po sa lakas at pag-asa upang malagpasan ang mga problemang aming hinaharap

Salamat po sa lahat ng oras at opotunidad na inyo pong ibinigay upang kami po ay matuto.

Salamat po sa aming mga magulang at kamag-aral sa kaniang pagsusuporta at pagbibigay ng payo.

Salamat po sa aming mga guro, punungguro, at iba pang kawani ng paaralan sa kanilang pagturo ng
magandang-asal at pagbibigay kaalaman.

Salamat po sa aming minamahal na paaralan, ang pangalawa naming tahanan na nagbigay ng mga
bagong karanasan at kakayahan.

Salamat po sa kaligtasang ibinigay niyo po sa amin sa gitna ng epidemyang hinaharap ng buong mundo.

Sa araw pong ito ng among pagtatapos, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyo.

Panginoong Diyos, kami po ay taos-pusong humihingi ng tawad sa lahat ng aming kasalanan sa isip, sa
salita at sa gawa. Tulungan niyo po kaming gumawa ng kabutihan at ilayo niyo po sami sa maling
direksyon.

Tulungan at gabayan niyo po kaming mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral.

Tulungan niyo po kaming lahat na makabangon at magpatuloy na harapin ang mga hamon ng buhay,
gayunding ang aming mga magulang, mga guro, at mga namumuno sa aming paaralan at ng aming
bayan. Gabayan ninyo po kami sa desisyong aming gagawin sa hinaharap at bigyan niyo po kami ng
kalakasan sa pag-iisip at pangangatawan upang mapagtagumapayan naming ang aming mga pangarap at
layunin sa buhay.

Ang lahat po ng ito ay aming ipinapanalangin sa ngalan ng inyong anak na si Hesus. Amen.

You might also like