You are on page 1of 2

MATER DEI ACADEMY

J. P. Rizal Avenue, Tagaytay City

www.materdeiacademy.edu.ph

<Dedicated to the Integration of Faith and Learning

Grade School Department


Intermediate Level
Araling Panlipunan 4
SY 2019-2020
Quiz 2.2

Name: Date: Score: 30


Grade and Section: Parent’s Signature: .
Teacher: Approved by: .
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang tinutukoy ng bawat pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
1. Ang ating bansa ay isa sa may pinakananganganib na kagubatan sa buong mundo.
2. Dahil sa pangangailangan ng mga tao ng kahoy, patuloy ang pagpuputol ng mga puno o
pagtotroso.
3. Ang pagkakaingin ay mabuting paraan upang mapadali ang paglilinis ng kagubatan.
4. Ang pagtatapon ng basura at dumi sa mga kanal, ilog at sapa ay hindi dapat ipagsawalang
bahala sapagkat hindi naman ito nakakaapekto sa pagbaha.
5. Gumamit dapat ng dinamita ang mga mangingisda dahil nakatutulong ito upang maparami ang
kanilang huli.
6. Mainam ang paggamit ng lambat na may maliliit na butas sapagkat nahuhuli pati ang maliliit na
isda.
7. Nasisra ang tirahan ng mga isda o coral reefs dahil sa paggamit ng cyanide o dinamita.
8. Kinakailangang magtanim ng panibagong puno sakaling putulin ang mga puno para sa ating
pangangailangan.
9. Ang likas na yaman ay nakapagbibigay ng pagkain, kagamitan at kabuhayan kaya’t nararapat
lamang na ito ay ating alagaan.
10. Dahil sa pang-aabuso ng tao sa likas na yaman ay unti-unting nawawala ang mga ito.
11. Isa sa kritikal na suliranin ng ating bansa ay ang labis at maling paraan ng pagmimina.
12. Yumayaman ang isang bansa kung wasto ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa
kanilang likas na yaman at sila ay nagkakaisa sa pangangalaga ng mga ito.
13. Bunga ng pagkasira ng kapaligiran ay hindi na tayo nagkakaroon ng magagandang produkto.
14. Marami sa ating mga natatanging halaman at hayop ay nasisira at nauubos na rin dahil sa
kapabayaan nating mga tao.
15. Nasa ating mga sarili kung paano mapapanatili at mapapangalaagan ang ating likas na
yaman.
II. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.
16-20. Mga Suliranin at Isyu sa Likas na Yaman
16.
17.
18.
19.
20.

21-25. Pananagutan ng Bawat Mamamayan sa Pangangsiwa ng Likas na Yaman.


21.
22.
23
24.
1 | Page “Caritas Christi Urget Nos!”
25.

26-30. Lumikha ng larawan o imahe sa iyong isipan kung bakit napapabayaan o naaabuso ang ating mga
likas na yaman.

2 | Page “Caritas Christi Urget Nos!”

You might also like