Professional Documents
Culture Documents
Filipino 5
Filipino 5
Naku! Naku!
Nagpipintura sa loob ng bahay ang tatay ni Melisa. Nilapitan niya ito at sinabing,
“Tatay, gusto ko rin pong magpintura ng dingding.”
“Naku! Hindi para sa mga bata ang mga ganitong gawain,” sagot ni Tatay Alberto.
“Kuya, gusto ko ring magkumpuni ng bisikleta.”
“Naku! Siguro pag malaki-laki ka na,” sabi ni Kuya Obet.
“Nanay, gusto ko rin pong manglaba ng mga damit.”
“Naku! Baka magkasakit ka lang,” sagit ni Nanay Tina.
“Áte, gusto ko ring manghugas ng pinggan.”
“Naku! Hindi mo pa ito kayang hawakan,” wika ni Ate Betina.
GAWIN
Sagutin ang sumusunod.
1. Iugnay ang larawan ng mga tauhan sa kuwento at ang bagay na gamit nila.
Pagdugtungin ang guhit.
PAGMUNI-MUNI
1. Marami nang kayang gawin ang mga batang tulad mo. May mga gawain na kaya mo nang
gawin mag-isa. May mga gawain namang kailangan mo pa ng tulong ng iba.