You are on page 1of 2

PROSESO SA PAGSASALIKSIK NG PAG-AARAL

Ang naisagawang pananaliksik ay naayon sa kwantitabo na pananaliksik.


Para makalikom ng mga datos gumawa ng talatanungan o Survey questionnaire
ang mga mananaliksik. Ginamit ang disenyo na pananaliksik na ito upang
malaman ang persepsyon ng mga residente sa Barangay Santiago hinggil sa
naitayong Riprap sa kanilang Barangay. Sa dinami rami ng Barangay sa Iligan
City na may Riprap, ang Barangay Santiago ang napili ng mananaliksik na pag-
aralan dahil dumaan na ang maraming taon, ang Riprap dito ay hindi natapos at
napabayaan na ng lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng talatanungan o
Survey questionnaire, dito malalaman ng mga mananaliksik kung nasiyahan ba
ang mga residente sa pagkakatayo ng Riprap sa kabila ng hindi nito “pagkatapos”?

kung hanggang saan ang nalalaman ng mga mamamayan ng Barangay


Santiagio hinggil sa naitayong Riprap sa kanila.

Ang target ng pananaliksik na ito ay malaman kung naging mabuti ba ang


desisyon na magtayo ng riprap sa Brgy.Santiago; naging maayos ba ng pagpatayo
sa estrukturang ito; ang limitasyon o ang lawak na naibibigay na proteksyon ng
riprap; at sa huli, may ginagawa ba ang mga tao sa Brgy.Santiago upang
mapanatili at mapatibay ang riprap na itinayo para sa Brgy.Santiago. Ang resulta
ng aming pananaliksik ay maaring gamitin upang maging relevant na batayan sa
kung gaano ka epektibo ang pagpapatayo ng riprap sa Brgy.Santiago.

Bilang suporta sa naisagawang pag-aaral, nakakalap ang mga


mananaliksik ng apatnapung (40) residente sa Barangay Santiago, Orchids
Subdivision na random na sumagot sa survey questionnaire hinggil sa
pagkakatayo ng Riprap sa barangay na ito. Upang mas maliwanagan ang mga
mananliksik, gumawa ng mga karagdagan na tanong, sa pamamagitan ng pag
interbyu, nalaman ng mga mananaliksik ang mga hinanakit ng mga residente sa
barangay na ito.

You might also like