You are on page 1of 1

Pag-aral ng Implementasyon at Kahalagahan ng

Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa lugar nang Santa Rosa na kung saan ay

may pinapatupad silang bata na Environment Code. Ang layunin neto ay

mapangalagaan, mapangasiwaan at matugunan ang lahat ng isyu sa kapaligiran,

hindi lamang sa Santa Rosa kundi sa buong Pilipinas. Ang naisagawang pag-

aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik at

pakikipagpanayam. Nangalap sila ng datos at nagsurvey sa iba't ibang barangay.

Natukoy kung sino sa bawat barangay ang may kaalaman sa environmental

code policy at kung ilang tao sa bawat barangay ang may alam o konektado sa

environmental code. Sa pag-aaral, natukoy kung sino sa Santa Rosa ang may

kaalaman tungkol sa environmental code policy sa pamamagitan ng

pakikipanayam sa mga residente. Ginagawa ito upang matukoy ang proporsyon

ng mga taong naninirahan sa bawat barangay na may kamalayan o nauugnay sa

patakaran sa environmental code. Ang pag-aaral na ginawa ay isang

mahalagang hakbang sa pagtiyak na ang mga proyekto at inisyatiba na

sinusuportahan ng konseho ng munisipyo ay talagang makikinabang sa mga tao

ng Santa Rosa. Dapat mas lalong ipabatid ng ating pamahalaan sa ating

mamamayan ang magandang maidudulot ng Environment Code at bigyang

parusa ang sino mang residente na lalabag at mang-aabuso sa ating kapaligiran.

Ang pamahalaang panglungsod ay dapat pag-igtingin ang mga programa na may

kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman at pangangalaga saating kapaligiran.

You might also like