You are on page 1of 2

KOPYA NG GURO

Pagganyak:Nakakita ka na ba ng kabundukan? Ano-anong mga bagay ang ginagamit natin na


galing dito?
Pagtakda ng Layunin:Paano kaya natin maililigtas ang ating mga kabundukan?
Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating kuwento ay “Buhayin ang
Kabundukan.”

Buhayin ang Kabundukan


Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito
ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-
saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na
bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o
pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na
pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa
patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad
tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at
kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling
pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa
ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na
manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.
Level: Grade 6
Bilang ng mga salita: 199
Mga Tanong
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng tao?
a. bato b. ginto c. lupa d. punungkahoy
2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?
a. pagsunog ng puno c. pagputol ng puno
b. pagtanim ng puno d. pagparami ng puno
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?
a. Naliligaw sila sa gubat. c. Nakakain sila ng ibang hayop.
b. Wala silang matitirahan. d. Madali silang nahuhuli ng tao.
4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)
a. erosyon b. kalamidad c. reforestation d. watershed
5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol ng mga puno ng
kagubatan?
a. mapagbigay b. masipag c. sakim d. tamad 163
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot c. maiiwasan ang pag-ulan
b. maiiwasan ang pagbaha d. maiiwasan ang pagbagyo
7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan: ____”
a. Magtanim ng Mga Puno c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga
Halaman
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak
8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha
sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala nang puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala nang mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Rizal

AMPID NATIONAL HIGH SCHOOL


San Mateo, Rizal

ISAHANG MALAKAS NA PAGBASA (ORAL) BAITANG 6


Phil-IRI Form 3A
Pangalan: ______________________ Edad: ____ Baitang/Seksyon: ___________
Paaralan: _______________________________ Guro: _____________________

Pre-Test: __ Post- Test: __ Level: ___ Set A__ B__ C __ D__ Petsa: _________

Buhayin ang Kabundukan

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa


ating kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na
nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-
saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga
orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa
pagpigil ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha.
Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib.
Ang dating lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na
bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng
mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad
tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng
bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan,
ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang
reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o
namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR.
Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang
panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng
mga kabundukan.

You might also like