You are on page 1of 23

PATAKARAN

 Bago tayo mag simula ay kailangan


maayos ang mga upuan

 Umupo ng maayos

 Magtaas ng kamay kung may mga


kasagutan o katanungan
PATAKARAN

 Wag makikipag usap sa katabi

 Makinig at intindihin ang talakayan


MOTIBONG KATANUNGAN

1. Ano ang tula?


2. Ano ang dalawang uri ng tugma? Paano ito
nagka-iba?
3. Ano ang tawag sa iba’t-ibang uri ng impit
na nag papakita kung ito ba ay mabilis,
malumay, malumi, o maragsa?
TULA at MGA
ELEMENTO nito
TULA

Ang tula ay isang akdang pampanitikang


naglalarawan sa buhay, ipinararating sa
ating damdamin at ipinapahayag sa
pananalitang may angking kariktan o
aliw-iw.
MGA
ELEMENTO
NG TULA
1. Tugma

Ang tugma sa pare-pareho o halos


magkasintunog sa hulian ng bawat
taludtod ng tula, maaari itong patinig
o katinig.
Dalawang Uri ng Tugma

1. Tugmang Patinig- Salitang nag


tatapos sa iisang patinig na may pare-
pareho ring bigkas. Maaaring mabilis o
malumay, at malumi o maragsa.
Halimbawa:

MABILIS MALUMAY MALUMI MARAGSA

sintá ligaya luhà tulâ

kantá halina talà palâ

matá kasama lupà walâ

dalá parusa diwà sawâ


Dalawang Uri ng Tugma

2. Tugmang Katinig- Mga salitang


nagtatapos sa katinig.
Dalawang Uri ng Katinig

Tugmang Malakas- Ginagamitan ng patinig


na, a, e-i, o-u. Nagtatapos sa mga katinig na b,
k, d, g, p, s at t

Halimbawa:
Alab, balak, palad, payag, usap, atat, at
salat
Dalawang Uri ng Katinig

Tugmang Mahina- Ginagamitan din ng


parehong patinig tulad ng a, e-i, o-u at nag
tatapos naman sa katinig na l, m, n, ng, r, w,
at y.
Halimbawa:
halal, alam, bayan, halang, awtor, araw,
at away
2. SUKAT
Ito ay bilang ng pantig sa bawat
taludtod.

Halimbawa:
Ang- pag- ma- ma- hal- mo- / sa- min- ng-
1 2 3 4 5 6 7 8 9

lu- bu- san/


10 11 12
Tatlong karaniwang pantig na
madalas gamitin

• Labindalawa na pantig
• Labing-anim na pantig
• Labing-walong pantig
3. SAKNONG
Pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng
tula. Mayroon iba’t-ibang bilang ng taludtod

Halimbawa:
Ilaw ng tahanan kung siya’y tagurian
Dakilang handog ng Diyos ng tanan
Iba’t-ibang bilang

• 2 taludtod sa isang saknong o couplet

• 3 taludtod sa isang saknong o tercet

• 4 taludtod sa isang saknong o quatrain

• 5 taludtod sa isang saknong o quintet


Iba’t-ibang bilang

• 6 taludtod sa isang saknong o setset

• 7 taludtod sa isang saknong o septet

• 8 taludtod sa isang saknong octave


4. LARAWANG DIWA( Imagery)

Nag iiwan ng malinaw at tiyak


na larawan sa sa isip ng
mambabasa.
5. SIMBOLISMO

Mga bagay na ginagamit sa tulang may


kinakatawang mensahe o kahulugan

Halimbawa:
Bituin- Pangarap
Ilaw- Pagasa
6. KARIKTAN

Nagtataglay ng mga maririkit na


salita na napaka loob sa tula.
PAGLALAHAT

Kumuha ng isang buong papel at Gumawa


ng isang tula (kahit saan ito patungkol)
mayroong 4 na taludtod sa isang saknong,
kailangan niyong gumawa ng 2-3 saknong
ng tula. Kailangan ay may sukat at tugma
ito. Bibigyan ko lamang kayo ng 10-15
minuto. Pagkatapos ay basahin sa harap
ng klase.
TAKDANG ARALIN

Gumawa ng isang tula patungkol sa


Magulang, kailangan ay may sukat at
tugma. 4 na taludtod sa 3-4 na
saknong Isulat ito sa isang buong
papel at babasahin ito sa harap ng
klase.
MARAMING
SALAMAT ! 

You might also like