Professional Documents
Culture Documents
Modyul Sa Panitikan NG Pilipinas PDF
Modyul Sa Panitikan NG Pilipinas PDF
PANIMULA
Mahilig ka bang makinig ng drama o balagtasan? Mahilig ka rin
bang manood ng mga pelikula? Alam mo bang ang drama, balagtasan, at
pelikula ay mga anyo ng panitikan?
KATURINGAN
KAHALAGAHAN
2|Page PANITIKAN
PAG-ARALAN AT SURIIN
1. Ayon sa paghahalin
2. Ayon sa anyo
3|Page PANITIKAN
______________________________________________________
______________________________________________________
4|Page PANITIKAN
Subukan Natin Ito
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang tatlong uri ng panitikan ayon sa anyo?
a. ____________________________________________________
b. ____________________________________________________
c. ____________________________________________________
Tandaan Natin
1. Ang panitikan ay isang pagpapahayag na kinapapalooban ng
katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang
abot-kaya ng mangangatha o manunulat.
2. Ang Panitikang Pilipino ay napapangkat sa dalawang paraan ng pag-
uri: ayon sa paghahalin at ayon sa anyo.
3. Batay sa paghahalin, ang panitikan ay pasalindila kung ito ay
nagsasalin-salin sa pamamagitan ng bibig o dila. Ito’y nangyari
noong panahong wala pang sistema ng pagsulat.
4. Ang paghahalin ay nagging pasalinsulat simula nang matuto ng
alpabeto ang ating mga ninuno. Unang isinulat ang mga panitikang
Pilipino sa mga balabak ng kahoy at mga dahun-dahon. Nang
dumating ang mga kastila, dala nila ang imprenta at naitala ang ilan
sa mga panitikan. Ngunit, ang karamihan ay tuluyan nang
nakalimutan.
5. Sa makabagong panahon ngayon at dahil sa pag-unlad ng
kagamitang elektroniko, ang paraan ng paghahalin ng panitikan ay
unti-unting nababago sa paggamit ng cassette tape at compact
disk. Maaring tawagin ang paraan ng naghahaling ito na
pasalintroniko.
6. Ayon sa anyo, may tatlong uri ang panitikan : patula, patuluyan, at
patanghal.
7. Ang panitikan ay nasa patula kung ito ay saknungan; ang
taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga pantig at
magkasintunog o magkatugma and pantig sa hulihan. Ang anyong
5|Page PANITIKAN
patula ay maari rin namang Malaya at walang mga katangiang tulad
ng nabanggit.
8. Nasa anyong patuluyan ang panitikan kung ito ay patalata sa halip
na pataludtod and porma at ang mga salitang gamit ay
pangkaraniwan lamang o pang araw-araw na mga salita.
9. Ang panitikan ay patanghal kung ito’y isinasadula at ipinapalabas sa
tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkasatitik nito at ito’y may mga
yugtong binubuo ng tagpo.
6|Page PANITIKAN
Pagkatapos mong basahin ang araling ito, makikilala mo ang iba’t
ibang halimbawa ng anyong patula na nakasulat sa Pilipino. Matutukoy
mo rin ang anyong patula sa pamamagitan ng pagbabasa nito nang
malakas at may damdamin at pakikinig sa tamang pagbigkas nito.
Basahin at Pakinggan Natin
Yen-yen: Tita Lulu, bigyan po ninyo ako ng mga halimbawa ng mga tula.
Tita Lulu: Naku, Yen! Maraming uri ng tula! Ano ba ang gusto mo?
Yen-yen: Ganoon po ba, Tita? Akala ko basta tula, iisang uri lang.
TitaLulu: May tulang pasalaysay, tulang liriko, tulang dula o
pantanghalan,
at tulang patnigan. At sa ilalim ng bawat isa nito ay may iba't
iba
pang uri.
Yen-yen: Anu-ano pa ang uri ng tulang pasalaysay?
Tita Lulu: Ang mga uri ng tulang pasalaysay ay epiko, awit at korido, at
balad.
Yen-yen: Epiko? Madalas ko pong marinig iyon. Hindi po ba ang Biag ni
Lam-ang o Ang Buhay ni Lam-ang ay isang epiko?
Tita Lulu: Oo. Tama ka. Ang Biag ni Lam-ang ay isinulat ni Pedro
Bukaneg
na isang Ilokano. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang
Indarapatra at Sulayman na isinulat ni Bartolome del Valle. Ang
epiko ay mahabang salaysay na patula. Maaari itong awitin o
lapatan ng tunog
Yen-yen: Hahaha! Tula pala iyon, Tita.
Tita Lulu: Nagulat ka ba sa iyong natutuhan? Alam kong kapag
napakinggan mo ay makikilala mo kaagad ito. Pag-usapan naman natin
ang soneto. Ito ay isa ring uri ng tulang liriko. Basahin natin ito:
Soneto ng Buhay
Sa balabang niyog, aking namamalas
Ang palabang buwang lumantad-sumilip
Sa abot-tanaw ko y sultanang liwanag
Na napapaasam sa aking pag-ibig...
Sa lunday na puting kabigin-itulak
Pati paningin ko'y naglalakbay-langit
Aling puso kaya ang di-mangangarap
Kung ang kalikasa 'y isang panaginip
Umigpa sa aking manlulumong diwa
Ang mga anino niring panimdim
Ang dalitang iwi' y nalimot na kusa
Madaling araw na, nang ako y gumising
7|Page PANITIKAN
Pangarap! Pangarap! Pangaraping buhay!
Kaambil: ligaya; katapat; libingan!
Yen-yen: Napakalalim naman po ng isinasaad ng sonetong iyan.
Tita Lulu: Ang sonetong iyan ay tungkol sa ating buhay. Minsan,
maganda ang nangyayari sa buhay ng tao. Minsan naman ay hindi
maganda at hindi natin gusto.
Yen-yen: Ano pa po ang ibang uri ng tulang liriko?
Tita Lulu: Mayroong elehiya, dalit, pastoral, at oda.
Yen-yen: Ano po ang pagkakaiba ng mga ito?
Tita Lulu: Ang elehiya ay tungkol sa kamatayan o panangis habang
ginugunita ang isang mahal sa buhay na namatay na. Ang dalit naman ay
nagsimula bilang awit sa pagsamba ng mga anito. Ito ngayon ay awit
tungkol sa relihiyon. Pakinggan mo itong halimbawa ng dalit na bibigkasin
ko. Ito ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus.
Dalit ng Ang Ulan
8|Page PANITIKAN
kapag ang dula ay trahedya.
Tita Lulu: Malungkot ang pagwawakas ng trahedya sapagkat ang
tunggalian dito ay nauuwi sa pagkamatay o pagkatalo ng bida o
pangunahing tauhan.
Yen-yen: E ano naman po iyong iba?
Tita Lulu: Ang melodrama ay ginagamit sa mga musikal na dula. Dito ay
malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.
Ang parsa ay magkakabit-kabit na mga pangyayaring
nakatatawa. Ang saynete naman ay mga tulang tungkol sa lugar
o pag-uugali ng tao.
Yen-yen: Napakarami po palang klase ng mga tula, ano?
Tita Lulu: Tama ka. Nabanggit ko kanina ang mga tulang patnigan. Ang
tatlong klase o uri ng tulang ito ay karagatan, duplo, at
balagtasan.
Yen-yen: Karagatan? Hindi po ba anyong tubig iyon?
Tita Lulu: Oo. Subalit karagatan din ang tawag sa isang larong hango sa
Alamat ng isang singsing na inihulog ng isang prinsesa sa dagat
dahil sa kagustuhan niyang makaisang-dibdib ang mahirap na
kasintahan.
Yen-yen: Ano po ang duplo?
Tita Lulu: Ang duplo ay katulad din ng karagatan. Paligsahan ito ng
husay
sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
9|Page PANITIKAN
Unang tindig ay si Emma, siya y ating palakpakan,
Pag pumalpak, saka natin paulanan ng masinggan.
Verna: (KAYANG MAGKAISA-UNANG TINDIG)
Mahigit na pitong libo ang isla ng ating bansa
Bawat bayan mong puntahan, iba-iba yaong wika
Iba-iba ang ugali, kanya-kanyang paniwala
Ngunit tayo'y isang lahi na nilikha ni Bathala.
Dahil isang lahi tayo y nakaukit sa isipan
At puso ng Pilipino ang diwa ng makabayan
Kaya pag may inaapi, kung may dapat ipaglaban
Handa tayong magkaisa, kapit-bisig, damay-damay
Bakit tayong Pilipino taun-tao 'y nagdiriwang
Niyang ating tinatawag na Araw ng Kasarinlan?
Ito kayang bansa natin ay malayang matuturan
Kung noo'y di nagkaisa yaong ating kababayan?
Noong tayo y magkaisang ang diktador mapatalsik
layong mga Pilipino y iginalang ng daigdig
Ang EDSA ay siyang saksi na di tayo palulupig
Kapag tayo y nagkaisa ng damdamin, puso t isip!
Nagkaisa tayo noon, kaya bakit hindi ngayon?
Kaya nating magkaisa sa'n man tayo naroroon!
Kaya nating magkaisa sa mabuting nilalayon,
Isang lahi, isang dugo, isang mithi, isang nasyon!
Yen-yen: (LAKAMBIN)
Ang makatang nagpauna y maliwanag na nagsaysay
Anya’y kaya nating Pinoy na magkaisa, magkatuwang
Ang kanyang katunggali y atin namang pakikinggan
Tingnan natin kung talagang ang tuktok nga ay may laman!
Tita Lulu: Oo. Masyado nang mahaba. Naintindihan ba ninyo ang ibig
ipahiwatig ng balagtasan? Yen-yen, Verna at Patrick: Opo.
10 | P a g e P A N I T I K A N
Nasiyahan ka ba sa iyong pakikinig/pagbabasa? Ipagpatuloy mo ang
pagbabasang modyul at nang lalo mong matutuhan ang tungkol sa mga
anyong patula.
11 | P a g e P A N I T I K A N
awit, Ang Ibong Adarna at Buhay na Pinagdaanan ni Donya
Mariang Asawa ng Ahas ay mga halimbawa ng korido.
Ang Balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito
noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim hanggang
walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay
debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae
at isang lalaki.
Ag tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga
sumusunod:
12 | P a g e P A N I T I K A N
buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isnulat ni Beinvenido
A. Ramos na may pamagat na Awit sa isang Bangkay.
4. Dalit- kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito
ay awit ng pagpuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria na ina ng
Diyos o sa relihiyon.
5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin.
Walang tiyak na bilang ang pantig at taludtod rito.
Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang mga
sumusunod:
13 | P a g e P A N I T I K A N
1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing
may lamay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan
ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag
huminto ang tabo sap ag-ikot, ang matatapatan nito at tatanungin
ng dalaga ng mga salitang matalinghaga o makahulugan. Ang
larong ito at nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang
maghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang
makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo – ito ay pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa
pagbigkas at pagbibigay- katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas
ay galling sa mga kasabihan, salawikain, at Bibliya. Ito ay madalas
laruin tuwing may lamay sa patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay
debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na
manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “
Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
A B
14 | P a g e P A N I T I K A N
Tandaan Natin
15 | P a g e P A N I T I K A N
3. Sagutin ang palaisipan.
Pababa Pahalang
1. Tulang tungkol sa bukid 3. tulang 14 ang taludtod
2. Awit tungkol sa relihiyon 4. tulang tungkol sa isang
yumao na
3. Pahayag ng isang papuri o 5. awit na tungkol sap ag-ibig,
panaghoy kawalang pag-asa, pangamba,
kaligayahan, pag-asa, at
kalungkutan
16 | P a g e P A N I T I K A N
Mga Kwentong-Bayan
Tayong mga Pilipino ay madalas na nagtitipun-tipon at karaniwang
nauuwi sa biruan, awitan, kwentuhan, at paglalaro. Ang kwentuhan ang
pinakakaraniwang nangyayari. Tungkol ito sa mga buhay-buhay o mga
namanang salaysay. Ito ngayon ang tinatawag na kwentong –bayan.
Ang kwentong-bayan o folktales sa Ingles ay mga pasalitang
pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Kinukwento it sa pamamagitan
ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang nangyayari sa pang-
araw-araw nap ag-uusap.
Naiiba ito sa anyong patula kung saan ang pagbigkas ay artipisyal
dahil ito’y taludturan may sukat at tugma.
Ang salitang bayan sa kwentong-bayan ay nagsasaad na hindi alam
kung sino ang taong tiyak o pinakaunang naglalahad ng kwento. Ito’y
hindi nasusulat o nakasulat sapagkat ito ay nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng marami. Walang tanging nagmamay-ari nito kundi ang bayan.
Ang mga kwentong-bayan ay nauuri ayon sa nilalaman at
pamamaraan ng pagkakalahad nito. Ang sumusunod ay iba’t –ibang uri
ng kwentong-bayan.
Alamat o Mito
Ang alamat o legend sa Ingles ay tumutukoy sa isang uri ng
kwentong-bayan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay. Ito ay mga kwento tungkol sa pinagmulan ng simula.
Ito’y karaniwang kwento tungkol sa diyos diyosda. Bathala, o mga
anito. Kasama na rin ditto ang tungkol sa kanilang mga nilalang tulad ng
kalikasan, langit, mundo, at mga unang tao. Kaugnay na rin dito ang
tungkol sa pagsamba ng tao sa may lalang o maykapal (Diyos). May mga
pagkakataon ding may mga nilikha na tanging dinadakila o binabayani.
Ito’y dahil sa kanilang katapangan , kagitingan, o kapangyarihan.
Ilan sa mga mito sa ating bansa ay patungkol sa pagsamba, tulad
ng pagkaroon ng tinatawag na Gugurang ng mga Bikolano, Kabunian ng
mga Ilokano, Adwata ng mga Bilaan, at Bathala ng mga Tagalog. Kung
tungkol naman sa mga bayani, ang mga Bikolano ay may Handing, isang
magiting na bayaning pumatay sa isang Higantenh ahas.
17 | P a g e P A N I T I K A N
Subukan natin Ito
Maglista ng limang alamat o mito na alam mo. Pagkatapos,
maghambingan kayo ng iyong mga kamag-aaral. Kung meron silang alam
na alamat o mito na hindi pa alam, pakiusapan mo silang ikwento ito sa
iyo. Ganoon din ang gagawin mo kung may alam kang hindi pa nila alam.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Pag-aaralan a Suriin Natin Ito
Ang Pabula
Ang pabula ay unang naging tanyag sa Greece dahil sa Aesop’s
Fable, mga kwento ni Aesop na isang Greek.
Ang Pabula ay mga kwentong-bayan na karaniwang isinasalaysay
ng mga magulang sa kanilang mga anak upang sila’y aliwin o pangaralan.
Dahil mahilig ang mga bata sa mga hayop, ang mga tauhan sa kwento ay
pawang mga hayop at ginamit upang kumatawan sa katangian o pag-
uugali ng tao. Halimbawa, ang ahas ay inihahalintulad sa isang taong
taksil, ang unggoy o matsing sa isang taong tuso, at ang pagong sa taong
makupad. Sa kalikasan naman, ang rosal ay kumakatawan sa babae o sa
pag-ibig, ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw, at kung anu-ano
pa.
18 | P a g e P A N I T I K A N
Sa ganitong paglalahad, naiiwasan ang makasakit sa damdamin ng tao,
sakali mang may nakikinig na maaring siya ang tinutukoy ng tema. Sabi
nga sa isang salawikain, “Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag
magagalit.” Sa mga panahong supil ang pamamahayag, ang pabula ang
mabisang sandata upang maipahayag ang katiwalian at mailantad ito sa
mga kinauukulan.
19 | P a g e P A N I T I K A N
May isang Don na nakadamit ng kulay ubeng de ilo na nabubuhay
ng araw-araw na karangyaan. Sa kanyang tarangkahan,
nakahambalang ang isang pulubi, si lazarus. Kung Kumikirot ang buong
katawan ni Lazarus dahil sa sobrang gutom. Nakatanghod siya at
natatakam sa mga pagkaing nahuhulog mula sa mesa ng Don. Sa halip
na lapitan siya ng sinuman sa mga nagsisikain para bigyan siya ng
pagkain, ang lumapit sa kanya ay mga aso para dilaan ang kanyang
mga sugat.
Kahulugan ng Parabula:
20 | P a g e P A N I T I K A N
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________
WashingMachine
byDarylJohnSpearsWP
----------
MAGAAN ang pakiramdam ng mag-asawang sina Shantal at Morgan sa
unang araw nila sa bagong bahay na inupahan. Hindi ito up and down
ngunit malawak ang bawat sulok ng bahay. May garahe din ito at
bodega sa likuran. Hindi mahahalata ang kalumaan ng bahay dahil
taun-taon ay palagi itong nire-repair at pinipinturahan ng bago. Hindi ito
gaanong malayo sa kabihasnan ngunit sa pagiging tahimik ng lugar ay
para silang nakatira sa kagubatan. Malalayo ang mga bahay at hindi
dikit-dikit kaya kung sakaling may sunog mang maganap, hindi
maaapektuhan ang ibang mga may bahay. Mas pinili rin naman ng
babae na manirahan sa tahimik na lugar upang hindi siya maabala sa
tuwing matutulog na sila kapag gabi. Ang ayaw niya sa lahat ay ang
mga maiingay na hondang animoy nakikipag-racing kung magpatakbo
ng kanilang mga pinapasada na siyang bumabasag sa katahimikan lalo
21 | P a g e P A N I T I K A N
na kung sasapit ang dilim. Kaya ang lugar na iyon ang tamang tirahan
para kay Shantal.
PAGKARAAN ng ilang mga araw ay inihanda ni Shantal ang mga labada
at dinala sa garahe upang doon maglaba. Tutal ay wala rin naman
silang kotse kaya ginawa nalang nilang tambakan ng mga labahan ang
garahe. Habang siya'y nagbabanlaw ay nagluluto naman ng tanghalian
ang asawa niyang si Morgan. Palibhasa'y katutubong Kapampangan
kaya maraming alam sa kusina at magaling magluto. Nasa kalagitnaan
na siya ng paglalaga ng baka ng may marinig na kumakalabog sa loob
ng bodega. Napasulyap siya doon at pinakinggang mabuti ang ingay.
Malinaw sa pandinig niya, parang tao ang gumagawa ng kalabog. May
naririnig pa siyang mga umuungol at nagwawala. Saglit niyang pinatay
ang kalan at lumapit sa pintuan ng bodega at dahan-dahang binuksan
iyon. Pagbukas niya ay huminto ang mga kalabog. Tumuloy siya sa
loob. Inikot niya ang paningin sa bawat sulok ng bodega. Wala siyang
makitang iba maliban lamang sa sirang mga kagamitan tulad ng
telebisyon, radyo, aparador, papag, bentilador at mga punit-punit na
kurtina. Paglingon niya sa bandang sulok ay nakakita siya ng isang
washing machine. Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Nagtaka siya kung
bakit itinambak nalang sa bodega ang washing machine na iyon. Nang
tignan niya ay bago pa lamang ito. Wala pang kahit anong sira o
bakbak. Tinignan niya ang saksakan, makintab pa rin at halatang hindi
pa nagamit kaya tinawag niya ang asawa sa garahe at pinapunta sa
bodega.
"Tignan mo 'to asawa ko, baka pwede pang gamitin ito. Subukan kaya
natin?" ang sabi ni Morgan kay Shantal at itinuro ang washing machine.
Nang hawakan ito ng babae at binuksan ang takip para tignan ang loob,
nakita niyang mukhang imported ang washing machine at hindi pa
nagamit.
"Mukhang bago pa lang 'to, ah. Tignan natin kung gumagana pa. Dalhin
natin sa garahe." anang babae at binuhat nilang dalawa ang washing
machine upang masubukan kung gumagana pa ito.
Laking tuwa ng mag-asawa dahil gumana nga ito at wala pang palya.
Nakapaglaba pa siya at dahil doon ay mababawasan ang pagod niya sa
pagkukusot ng mga damit.
"Sayang naman bakit kaya iniwan ito ng may-ari? Wala naman palang
diperensiya." nagtatakang wika ni Shantal habang pinagmamasdan ang
pag-ikot ng mga labada niya sa loob ng washing machine.
"Naku Morgan, pumunta ka nga ulit sa bodega baka may makita ka
pang mga gamit doon na pwede pa nating mapakinabangan." utos ng
babae sa asawa.
"Sige titignan ko."
Muling pumasok si Morgan sa bodega. Ngunit nang inspeksyunin niya
ang mga gamit doon ay parang wala na silang pwedeng pakinabangan
pa. Sira na ang lahat at halos balutin na ng alikabok at mga sapot ng
gagamba. Ngunit may napansin siya sa pinanggalingan ng washing
machine na kinuha nila kanina. Pinulot ni Morgan ang isang lumang
22 | P a g e P A N I T I K A N
family picture na nasa sahig. Marahil ay hindi nila iyon nakita dahil nasa
ilalim iyon ng washing machine kanina nang ito'y buhatin nila. Isang
mag-asawang nasa pawang edad 40 at 50 ang nakita niya sa litrato
kasama ang dalawang batang babae na nasa edad 10 at 15. Sa isip-isip
niya, baka ito ang unang pamilya na tumira noon sa bahay na
inuupahan nila ngayon. Muli siyang nagbalik sa kusina para ipagpatuloy
ang niluluto. Wala sa kaloobang nadala niya ang litrato.
PAGKAHINTO ng washing machine sa pag-ikot ay kinusot pa ni Shantal
ang ilang mga labada para makasiguradong maputing-maputi ang
kanyang mga labada. Maselan kasi siya sa mga damit lalo na sa mga
kulay puti. Habang nagkukusot siya ay may lumutang sa tubig. Nang
hawakan niya ito at iniangat ay napatili siya dahil isang mata pala ang
nahawakan niya. Isang mata ng tao at may bahid pa ng dugo. Inihagis
niya ito at napatakbo siya palabas ng garahe at nagkabanggaan pa sila
ni Morgan.
"Oh asawa ko bakit namumutla ka? Halika na kumain na tayo mamaya
mo na ipagpatuloy ang mga labada mo. Baka lumamig na yung sabaw."
yaya ng lalaki sa kanya. Nanginginig pa rin sa takot si Shantal at
napalingon muli sa washing machine.
"Halika na..." bulong ng asawa niya sa kanya at hinila siya nito papunta
sa kusina.
NAWALA na sa isip ni Shantal ang nakita kanina ng matikman ang
lutong nilagang baka ng asawa. "Morgan, ang sarap mo talaga magluto.
Hindi ako nagsisi na mag-asawa ng kapampangan." papuri ni Shantal
habang nginunguya ang laman na manamis-namis at sabay higop ng
sabaw. Natawa na lamang si Morgan dahil palaging ganoon ang linya ng
asawa sa tuwing pinupuri siya nito sa mga putaheng luto niya. "At hindi
rin naman ako nagsisi na mag-asawa ng isang matakaw para sulit na
sulit ang pagod ko sa pagluluto." biro naman ni Morgan sa babae, sabay
tawa. Tinapik ni Shantal sa braso si Morgan dahil sa sinabi nito.
"Naku! Sa totoo lang hindi naman ako mahilig kumain ng marami, no!
Kaya nga kahit trenta anyos nako ang sexy pa rin ng katawan ko. Kaya
lang naman ako tumaba ng ganito dahil sa sarap mong magluto kaya
diko mapigilan makarami." nakangiting tugon ni Shantal. Napakasaya
nilang mag-asawa kahit wala pa silang anak. Ayaw muna kasi magka-
anak ni Shantal hangga't hindi pa nakakahanap ng trabaho ang mister
niya dahil baka hindi nila ito mapakain ng maayos at maibili man lang
ng gatas. Palibhasa ay may pagka-maarte ang babae. Kaya nga hindi pa
sila gaano nakararanas ng matinding suliranin dahil sa pagiging maarte
at mailap ni Shantal sa ibang mga bagay.
PAGKARAAN ng ilang araw ay may bisitang dumating kina Shantal. Iyon
si Eugene. Ang kaklase ni Morgan noong kolehiyo at matalik din niyang
kaibigan.
"Oh kamusta kana, brad? Bakit ang tagal mong hindi bumisita sa amin.
Kamusta na pala yung trabaho mo dati? Tungkol pala saan yun?
Naghahanap kasi ako ng trabaho ngayon, eh." pangangamusta ni
Morgan sa kaibigan. Naupo sila sa sofa at naglapag si Shantal ng mainit
23 | P a g e P A N I T I K A N
na kape sa chinese table at inalukan ng miryenda si Eugene.
"Oh sige kayo muna bahala dyan. Mamamalengke muna ako." paalam
ni Shantal bago lumabas. "Pasensya kana, brad kung ngayon lang ako
bumisita ulit after 3 years. Hindi ko kasi agad nabalitaan na lumipat na
pala kayo at mahirap pang hanapin ang tirahan n'yo, eh. Atsaka busy
rin ako sa trabaho ko noon kaya lang wala na ngayon." kwento ni
Eugene kay Morgan. Tila makahulugan ang sinabi nito na para bang
may nais ipaalam na hindi masabi-sabi.
"Ganun ba, sayang naman. Maaari mo ba akong tulungan makahanap
ng trabaho?" Bahagyang hindi nakasagot si Eugene. Pinag-iisipang
mabuti kung ano ang sasabihin.
"Ah... Eh... S-sige ba! Kapag may time ako bibisitahin ulit kita dito at
sabay tayong hahanap ng trabaho..." pangako ni Eugene sa kaibigan.
Ngumiti si Morgan. "Sige brad. Teka lang ha? May kukunin lang ako sa
kwarto." paalam niya at umalis muna sandali. Naiwan mag-isa si
Eugene sa sala. Tumayo siya at nilingon ang paligid. Ramdam niyang
nangangati na naman ang kamay niya. Parang uhaw na uhaw
magnakaw. Iyon ang itinatago niya sa kaibigan. Ang totoo ay nakulong
siya sa loob ng tatlong taon matapos siyang mahuli ng mga pulis na
nagbebenta ng mga droga at nagnakaw ng sasakyan noon. Ang
tinutukoy niyang trabaho na nawala sa kanya ay ang pagnanakaw at
pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. At ngayon ay hindi na naman
niya mapigilan ang mga kamay na magnakaw dahil sa sobrang
kagipitan. Pati kasi ang perang kinita niya sa pagbebenta ng shabu
noon ay kinuha din ng batas kaya wala ng natira sa kanya. Mayamaya
ay natagpuan niya ang sarili na nakatayo sa harap ng garahe. Kanina
pa kasi niya naririnig na parang may nagtatawanan doon kaya minabuti
niyang silipin para makasiguradong walang tao. At wala ngang tao
doon. Ngunit saan nanggagaling ang mga tawanan? Muli niyang narinig
ang mga humahagikgik na boses. Batid niyang nasa garahe lamang
iyon. Inikot niya ang paningin sa bawat sulok ng garahe at hinahanap
kung saan nanggagaling ang mga boses. Nagmumula iyon sa loob ng
washing machine. Nilapitan niya ito at tinanggal ang takip. Subalit
bumaligtad ang sikmura niya ng makita ang tatlong pugot na ulo ng tao
sa loob ng washing machine. May kasama pang putol na mga kamay at
durog na mga bungo! Napasigaw siya at napaatras. Nang sinubukan
niyang tumakbo ay siya namang ikinatisod nito. At sa pagkakataong
iyon ay hindi na siya makatayo hanggang sa umangat ang duguang ulo
ng isang babae sa washing machine. Humaba ang buhok nito at
sumayad sa lupa. Humingi ng saklolo si Eugene subalit hindi na niya
nagawang makapagsalita nang bumalot sa buo niyang katawan ang
buhok ng ulo ng babae at hinila siya papasok sa loob ng washing
machine. Lumabas ng kwarto si Morgan at nagtungo sa garahe dahil
parang narinig niya kaninang sumisigaw si Eugene doon.
"Brad? Ayos ka lang?" tanong niya habang lumilinga sa paligid. Walang
boses na tumugon. Napansin niyang walang takip ang washing machine
at gumagana ito. Dinig na dinig pa niya ang tunog ng makina nito sa
24 | P a g e P A N I T I K A N
loob. Pagsilip niya doon ay bumungad sa kanya ang kasindak-sindak na
eksena. Umaapaw ng dugo ang washing machine at umiikot-ikot ang
mga putol-putol na katawan ni Eugene doon. Kasama ang ulo nito at
nakabuka pa ang bibig! Napatili si Morgan na parang babae at tumakbo
palabas ng garahe.
KINAHAPUNAN ay inilabas na ng mga pulis ang putol-putol na katawan
ni Eugene at inilagay sa malaking plastic. Halos walang maisagot si
Morgan sa mga ito kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa lalaki.
"Hindi ko po talaga alam kung paano siya namatay. Wala namang
nakapasok dito sa amin kanina. Wala namang mga sinirang gamit at
wala ring ninakaw. Nagpunta lang kanina ako sa kwarto para kunin
yung naka-charge kong cellphone tapos narinig ko siyang sumisigaw sa
garahe at pagpunta ko doon, ganyan na ang nakita ko." paliwanag ni
Morgan sa isang pulis na kausap niya. Bakas sa mukha nilang lahat ang
pagtataka dahil sa 'di maipaliwanag na kaso kung paano pinatay si
Eugene at kung sino ang pumatay. Walang makapagsabi kung ano ang
tunay na naganap dahil wala namang nakakita. Hindi rin naman nakita
ng mga kapit bahay nila dahil malalayo nga ang pagitan ng bawat mga
bahay doon kaya imposibleng may makakita kay Eugene sa loob ng
bahay nina Morgan.
PAGSAPIT ng gabi ay kinausap ni Shantal ang nagbenta ng bahay na
iyon sa kanila. Ang maliit na tirahan ng taong iyon ay malapit lamang
din sa bahay na inuupahan nila. Mag-isa niyang pinuntahan ang
caretaker ng bahay. Si Morgan naman ay nagpaiwan upang bantayan
ang bahay nila.
"Magandang gabi, ho Mang Castor. Pasensya na sa abala..." bati ni
Shantal nang pagbuksan siya ng pinto ng matanda.
"Buti't napasyal ka dito Shantal, anong maitutulong ko?" nakangiting
tugon ni Mang Castor. Pinapasok niya ang babae at pinaupo sa silya
pagkatapos ay saka ito nagsimulang magkwento. Sinabi niya ang
nangyari kay Eugene pati ang unang mga nakita niyang kakatwa sa
loob ng washing machine.
"Iha, sa palagay ko, may kinalaman ang dating may-ari ng bahay sa
mga nangyayari ngayon sa inyo." seryosong tugon nito.
"Talaga, ho? Alam n'yo ba kung ano ang meron sa iniwan nilang
washing machine?"
"Dati nila akong katiwala sa bahay na 'yan. At ang may-ari ng bahay na
'yan ay ang Family Bustos. Noong naninilbihan pa ako sa kanila, palagi
silang nagkakagulo at nag aaway-away. Parang mga aso't pusa. Hindi
magkasundo. Palibhasa ay parehong mga lulon sa bisyo ang mag-asawa
dati dyan. Yung lalake, drug addict, yung babae naman, lalakero. At
yung mga anak nila, natuto nang magsugal. Pero isang gabi, nadatnan
ng lalaki na naghahalsabalutan na ang babae. Gusto na daw niyang
lumayas sa pamamahay na 'yan dahil gusto niyang sumama sa kabet
niya. Pero nagalit ang lalaki at hindi pinayagan si babae. Kaya ayun,
nag-away sila. Napatay pa nga ng lalaki yung asawa niya. Nakita yun
ng mga anak nila, sunod din niyang pinatay yung mga anak niya.
25 | P a g e P A N I T I K A N
Palibhasa, drug addict nga. Wala na sa tamang katinuan kaya hindi na
niya alam kung sino ang mga sinasaktan niya. Pinutulan niya ng mga
kamay at paa ang pamilya niya at pinugutan pa ng ulo tapos inilagay
niya sa washing machine ang putol-putol na katawan ng mga biktima.
Lahat yun nasaksihan ko sa loob ng bahay na 'yun. Kaya yung lalake,
tumakas para hindi mahuli ng mga pulis, at bago siya umalis, mahigpit
ang bilin niya sa akin na huwag ko daw ipagsasabi kahit kanino ang
nangyari. Kaya ang ginawa ko, itinago ko sa bodega ang washing
machine at binenta ko nalang ang bahay para kumita. Maswerte nga
ako dahil hindi niya ako pinatay, eh." kwento ni Mang Castor.
"Kung ganun, bakit pumapatay yung washing machine ng mga
inosenteng tao tulad nung kaibigan ng asawa ko? Bakit kami hindi niya
pinatay noong una naming nakita ang washing machine sa bodega at
bakit wala kaming nakitang mga putol na katawan doon?" nalilitong
tanong ni Shantal.
"Ang pinapatay lamang ng washing machine ay yung mga taong
masama. Yung mga drug addict, lalakero o babaero, at yung mga lulon
sa bisyo."
"Ibig sabihin, yung kaibigan ng asawa ko, drug addict or something?"
kunot noong tanong ni Shantal.
"Marahil." maikling tugon ni Mang Castor.
"Eh kung mga masasamang tao lang ang pinapatay ng washing
machine, bakit pa kami mag-aalala? Mabuti nga yun para maubos ang
mga masasama sa mundo diba?"
"Hindi mo masasabi 'yan iha. Dahil kapag nagpatuloy sa pagpatay ang
washing machine. Maiipon sa loob ang kaluluwa ng mga taong
masasama at sa pagkakataong iyon, lalo silang lalakas at magiging
mabangis at kapag lumabis na ang lakas nila, may posibilidad na
pumatay na rin sila ng mga tunay na inosente."
"Kung ganun, tulungan n'yo kaming ihinto ang washing machine sa
pagpatay bago pa lumala ang lahat."
"S-sige. Tutulungan ko kayo..." kabado si Mang Castor.
SAMANTALA, mag-isa si Morgan sa garahe habang walang patid na
pinagmamasdan ang washing machine. Hanggang ngayon ay hindi pa
rin niya mahulaan kung paano namatay si Eugene sa loob niyon.
Sumakit na nga ang ulo niya sa kakaisip kaya sumandal siya sa pintuan
ng garahe patalikod sa washing machine at may tinawagan siya sa
cellphone niya.
"Hello, babe? Kamusta kana dyan sa bagong condo mo? Pasensiya
kana, ha kung hindi kita mabisita. Naghihintay pa kasi ako ng tamang
tiyempo para matakasan ang asawa ko, eh." ang sabi niya sa kabilang
linya.
"Ganun ba, babe. Wala naman akong magagawa kundi ang maghintay,
eh. Miss na nga kita, eh lalo na yung mga luto mo."
"Miss na din naman kita, eh. Hayaan mo kapag nagkapera ako
pupuntahan kita ulit dyan at ipagluluto kita ng masasarap na pagkain.
Yung mga putaheng hindi pa natikman ng asawa ko." nangingiting sabi
26 | P a g e P A N I T I K A N
ni Morgan sa babaeng kausap nito sa CP. Ang hindi niya alam, habang
may kausap siya ay muling gumana ang washing machine. Lumabas
mula doon ang magkapares na putol na kamay at gumapang ito
papunta sa kinatatayuan ni Morgan. Nasa kalagitnaan siya ng
pakikipag-usap nang bigla siyang hablutin ng magkapares na kamay.
May pambihirang lakas ang mga ito at nagawa pa nitong maitumba si
Morgan. Nabitawan niya ang CP matapos siyang kaladkarin papunta sa
washing machine ngunit saktong dumating naman sina Mang Castor at
Shantal. Naabutan nilang nakadapa si Morgan sa sahig habang hinihila
siya ng mga kamay papunta sa loob ng washing machine. Parehong
nagulat sina Mang Castor at Shantal. Humugot sila ng lakas ng loob
para lapitan si Morgan at hilain pabalik. Sa kabutihang palad ay nabawi
naman nila ang lalaki. Tumakbo ang mga kamay pabalik sa washing
machine nang mabitawan nito ang mga paa ni Morgan. "Morgan, ayos
ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Shantal habang
yakap ang asawa.
"Morgan, sinabi pala sa akin ni Mang Castor na may pinatay daw sa
bahay na 'to at inilagay sa loob ng washing machine ang mga katawan
nila. At mga masasamang tao lang daw ang pinapatay ng mga ito. Ibig
sabihin ba, may ginagawa ka ring kasamaan kaya muntik ka na ring
patayin ng washing machine kanina?" diretsahang tanong ni Shantal.
Walang liguy-ligoy. Biglang naalala ni Morgan ang kanyang itinatagong
lihim, na may iba pa siyang babae bukod kay Shantal. Ngunit dahil sa
nangyari kanina sa kanya, napayakap siyang lalo sa asawa at nagsisi.
"Patawarin mo ako, Shantal. Patawad..." mangiyak-ngiyak niyang
pagmamakaawa. Subalit naputol ang eksena nila nang muling gumana
ang washing machine at lumabas doon ang ulo ng isang babae na may
mahabang buhok. Napalingon sina Morgan, Shantal at Mang Castor sa
washing machine at nagulat. Sumayad sa lupa ang buhok ng babae at
pumalupot ito sa mga braso ni Mang Castor at hinila siya papunta sa
washing machine. Natumba siya at nagsisigaw. Hindi na nagawang
makatayo ng mag asawa sa takot.
"Bakit n'yo kinukuha pati si Mang Castor? Wala naman siyang kasalanan
sa inyo, ah?" naglakas loob na tanong ni Shantal sa babae. Mayamaya
ay may lumitaw pang isa sa loob ng washing machine. Isang duguang
lalaki at may nakatarak pang itak sa ulo nito. "Pinatay niya kame!" galit
ang boses nito. Nagbabaga ang mga mata sa galit.
"Ano??!"
Nagsinungaling si Mang Castor kay Shantal. Ang totoo, binalak din ng
lalaki na patayin ang matanda para hindi ito makatakas at
makapagsumbong ngunit lumaban ito. Nang makakuha ng itak si Mang
Castor sa kusina ay itinarak niya ito sa ulo ng lalaki. Self defense. Nang
bawian ng buhay ang lalaki ay inilagay din niya ang katawan nito sa
loob ng washing machine kasama ng pamilya nito. At itinago ni Mang
Castor ang washing machine sa sulok ng bodega para hindi na magamit
pa. Hindi niya alam na isa palang malaking pagkakamali ang ginawa
niyang iyon. At doon na nagsimulang kapitan ng sumpa ang washing
27 | P a g e P A N I T I K A N
machine. Ngunit nang gabing iyon din napatid ang sumpa dahil napatay
na ng washing machine si Mang Castor. Tulad ni Eugene, nagpira-piraso
din ang katawan nito at umikot-ikot sa washing machine habang
umaapaw ang dugo nito sa loob. Nagtapos ang lahat sa pagkamatay ng
matanda. Hindi agad nakakibo ang mag-asawa ng mga sandaling iyon.
Hindi sila makapaniwala sa lahat ng naganap at natuklasan. Para bang
malalaglagan sila ng utak sa sobrang takot. Mayamaya ay napatayo sila
at tinignan ang loob ng washing machine. Pinagmasdan nila ang
umiikot-ikot na putol-putol na katawan ni Mang Castor sa sarili nitong
dugo na umapaw sa loob. Di nagtagal ay tumigil ang makina ng
washing machine at unti-unting humupa ang dugo mula roon.
Nagpapatunay na talagang tapos na ang sumpa. Napayakap na lamang
si Shantal kay Morgan ng mga oras na iyon. Kinabukasan ay inalayan
nila ng dasal ang washing machine kasama ang isang pari bago nila ito
itinapon. At ang pangalawang babae ni Morgan? Hindi na ito muling
nakatawag sa kanya dahil blinock na ng lalaki ang contact number nito
sa cellphone niya. Pinutol na niya ang relasyon nila ng babaeng iyon at
lalo pa niyang minahal si Shantal. Ipinadama ang higit na pag-ibig.
THE END
Mga palaisipan
Katulad ng bugtong, ang palaisipan ay pahulaang nagpapatalas ng
isipan. Ang kaibahan ng palaisipan sa bugtong ay hindi ito nakataludtod,
walang sukat o tugma, at nakasulat sa anyong pakwento. Ang mga
pananalita ay Malaya at ginamit sa araw-araw at karaniwan nang
nagtatapos sa isang tanong.
Ito’y parang isang sanayan ng mga tao noong araw sa larangan ng
matematika at lohika. Mapanghamon ito sa sensibilidad at kapasidad ng
taong mag-isip. Noong panahong nagdaan, karaniwan ito sa mga
pagtitipun-tipon, inuman, lamayan o pangkatuwaan man at hindi
maaaring mawala sapagkat nagsilbo itong panukat ng talino at
pampasigla ng pulso.
28 | P a g e P A N I T I K A N
Ang Parabula
Ang parabula ay karaniwang hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Sa
mga Kristiyano, ang parabula ay mga pagtuturo at pangangaral ni Hesus
noong magsimula Siya sa Kanyang misyon sa daigdig. Isang halimbawang
parabula sa wika Niya ay: "Ang tao ay may mga mata ngunit hindi
nakakikita, may mga tenga subalit hindi nakaririnig."Sa pamamagitan ng
kaisipang ito, mamumuni-muni, mauunawaan, at makikilala ng isang tao
ang kanyang sarili. Ang parabula, tulad ng pabula, ay masimbolo kaya
malalim ang kahulugan at dapat pag-isipan. Katulad din ng alamat at
pabula, ang parabula ay nagtataglay ng aral na nagsisilbing gabay sa
ating buhay. Ang anyo nito ay tila kwentong pambata sa unang tingin
dahil payak ang takbo ng banghay at mga karaniwang tao, hayop, o
bagay lamang ang mga tauhan. Kadalasang nababagay ang mga parabula
sa mga taong may kakayahang magpasya gaya ng mga magulang at iba
pang mga nakatatanda upang lalong lumawak ang kanilang pakikitungo
sa kanilang sarili, kapwa, lipunan, at sa larangang kanilang
kinabibilangan.
Pag-aralan at Suriin Natin Ito
Ang isa pang anyo ng patuluyan ay ang maikling kwento. Ipagpatuloy ang
pagbasa ng modyul at nang malaman mo ang bahagi at sangkap o
elemento ng maikling kwento.
Ang Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang makabagong sangay ng panitikan na
sadyang kinakathang masining upang madaling pumasok sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari sa buhay na inilalarawan
sa kwento.
May mga bahagi at sangkap o elemento ang maikling kwento. Ito ay may
simula, gitna, at katapusan. Sa simula matatagpuan ang tatlong
mahahalagang sangkap o elemento: ang tauhan na ipinakikilala ayon sa
kaanyuan o papel na gagampanan, halimbawa, ang bida at kontrabida,
ang tagpuan na pangyayarihan ng aksyon o insidente nanaghahayag ng
panahon, halimbawa, kung tag-init, tag-ulan, oras at lugar, at ang sulyap
sa suliranin, na magpapahiwatig sa magiging problemang kakaharapin ng
pangunahing tauhan ong tanging tauhan.
Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na
kasiglahan na nagpapakita sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
nasasangkot sa problema, ang hnggalian na tahasan nang nagpapakita ng
labanan o pakikibaka ng tanging tauhang nilalahad na maaaring ang
kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang
29 | P a g e P A N I T I K A N
kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan ikot ang
kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawiano tagumpay.
Sawakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang kinatapusang
sangkap. Sa kakalasan mababatid ang kamalian o kawastuan ng mga di-
inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman
sa katapusan ang magiging resolusyon ng kwento at ito'y maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan.
May ibang mga kwentong hindi na winawakasan at wala ang dalawang
huling sangkap nito. Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at
hinahayaan na lamang ang mambabasang humatol o magpasya sa dapat
na kahinatnan nito. Mapanghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga
mambabasa. Parang kabilang na rin sila sa mga saksi sa kwento.
Basahin at Pakinggan Natin
30 | P a g e P A N I T I K A N
Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain,
inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa
tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at
hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-
aararo sina Pastor at Ore. Nagpakitaan sila ng bilis sa pagbungkal ng lupa
at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam
na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki
na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw
ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya
nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto
na ang kalabaw niya sa sobrang pagod. Tinawag sila ni Ka Punso para
kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng
tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay
hinimas-himas pamuna ang batok ng kanyang kalabaw nabumubula ang
bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan
at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang
mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad
na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag- aming
talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang
layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan
ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni
Ore.
Tandaan Natin
31 | P a g e P A N I T I K A N
2. Sa anyong patuluyan, malaya kung lumabas sa bibig ang mga salita,
madulas, at mabilis dahil hindi na kailangan pang pakaisipin o piliin ang
mga salita para pagandahin ang dating sa tenga. Madaling maintindihan
at maunawaan ang mga pangyayaring inilalahad sa anyong patuluyan.
3. Saaraling ito, napag-aralan mo ang mga sumusunod na anyong
patuluyan:
kwentong bayan
alamat o mito
pabula
parabula
kwentong kababalaghan
kwentong katatawanan
palaisipan
maikling kwento
32 | P a g e P A N I T I K A N
Anyo:
___________________________________________________________
Anyo:
___________________________________________________________
33 | P a g e P A N I T I K A N
3. Walang Malaking Nakapupuwing
34 | P a g e P A N I T I K A N
nadaganan ng tablang nalaglag mula sa nagibang bahay. Nabalitaan ni
Maya ang nangyari at dumalaw ito.
Patawarin mo ako!" ang sabi ni Kalapati. "Ang akala ko, ang malalaki ang
higit na nakaaalam sa anumang bagay."
Ang mukhani Maya ay may halong lungkot at saya. "Nakatutuwa naman
at ikaw na rin ang nakatuklas ng iyong pagkakamali. Alam mo, may
dahilan si Bathala sa paglalang sa ating lahat. Malaki man o pangit,
maganda man o maliit, lahat tayo ay may kanya-kanyang ginagampanan
dito sa mundong ibabaw. Kung tayo ay magkakatulungan, higit tayong
magiging makabuluhan."
Anyo:
___________________________________________________________
35 | P a g e P A N I T I K A N
pang utos ng amo sa utusan. "Sinasabi ko sa iyo, walang sinuman sa mga
taong kinumbida ang makatitikim sa piging.
(Lukas 14:15-25. Isina-Filipino ni Joey A. Arrogante.)
Anyo:
___________________________________________________________
5. AngMahiwagang Lampara
Noong unang panahon sa kagubatan ng Tabor, may tatlong manlalakbay.
Patungo silang Melbar. Doon sila pansamantalang magtatrabaho para
may maipantawid-gutom ang kanya-kanyang pamilya. Lakad sila nang
lakad. Wala silang kamalay-malay na naliligaw na pala sila. Dahil sa
kalawakan at kasukalan ng gubat, hindi na nila natatandaan ang daan
patungo sa paroroonan nila. Sa paghahahanap nila ng daan, may nakita
silang lampara.
"Pwede nating gawing ilawan ito mamayang gabi," sabi ng isa.
Nilinis nila ang lampara. Pinagkakaskas nila ito. Sa di-inaasahang
pangyayari, may biglang lumitaw na isang higanteng usok. Nag-anyo
itong malaking-malaking tao. Bilang pasasalamat sa kanyang paglaya,
pinangakuan sila nito ng gantimpala-tig-iisang kahilingan. Hiniling ng una
na siya'y makabalik sa kanila na marami nang dalang pera. Ito'y agad
nanatupad. Ang pangalawa naman ay humiling para sa kanyang pamilya
ng masaganang bahay at buhay. Ito'y natupad din. Ang pangatlo ay
biglang nalungkot dahil nag-isa na lamang siya sa gubat. Ano ang
hihilingin niya para maging masaya siyang muli? Ang ibalik ang kanyang
mga kasama.
Anyo:______________________________________________________
36 | P a g e P A N I T I K A N
Pag-Aralan at Suriin Natin Ito
Ang Nobela
37 | P a g e P A N I T I K A N
4. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspeto ng
lipunan tulad gobyerno at relihiyon
5.Malikhain at may dapat maging maguni-guning paglalahad
6. Tumutukoy sa iisang ibig na mangyari ang balangkas ng mga
pangyayari
38 | P a g e P A N I T I K A N
2. Saan magkapareho ang maikling kwento at nobela?
Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na
sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. Kasama sa
mga paksang nasusulat sa sanaysay ang mga panlasa at hilig, reaksyon
at palagay, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan, at
kaalaman ng bawat may-akda. Sauring ito ng panitikan, mabibilang ang
mga sulating pampahayagan (artikulo, natatanging pilak o lathalain,
tudling), ang mga akdang pandalub-aral (tesis, disertasyon, diskurso, o
talumpati), at gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga
akdang pananaliksik. May dalawang uri ang sanaysay: pormal at pamilyar
o personal. Ang sanaysay ay nasa uringpormal kung ito ay
maimpormasyon. Ito ay naghahatid onagbibigay ng mahahalagang
kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na
agsasaayos ng mga materyales tungkol sa ikalilinaw ng paksang
tinatalakay. Ang mga salitang ginagamit ay pinipili kaya mabigat basahin.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di ito kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tema nito
ay seryoso, maintelektwal, at walang halong pagbibiro. Ang sanaysay ay
nasapamilyar opersonal na anyo kung ito ay mapang-aliw- nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-
araw- araw, at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, karanasan,
at isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay
maaaring kasangkutan ng mambabasang madla. Ang pananalita ay
magaan, madaling maintindihan, at nahahaluan pa minsan ng
kolokyal.Ang tono ng pananalita ay parang sakaibigan lamang at
ginagamitan ng unang panauhan. Subhektibo rin ito sapagkat pumapanig
sa damdamin at paniniwala ng may- akda ang pananaw.
39 | P a g e P A N I T I K A N
1. mabilis ang takbo ng pag-iisip
2 sensitibo sa kapaligiran
3. laging may tugon o hinuha sa interes ng buhay, tao, at mga bagay-
bagay
4. may kakayahang tumuklas ng mga bagay-bagay nang hindi nakikita
ang
panlabas na anyo lamang
5. malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. may mapiling panlasa
7. may kalugurang mapagkakatiwalaan
. may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong
kapakanan
9. pamilyar sa mabubuting panitikan at iba pang sining
Tandaan Natin
1. Ang nobela ay panitikang anyong patuluvan na naglalahad o
naglalarawan nga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na
rin sa mga
40 | P a g e P A N I T I K A N
2. Karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran. Ang
nobela at maikling kwento ay magkapareho at nagkakaiba lamang sa
dami ng pangyayaring nilalahad. Samaikling kwento, isang pangyayari
lamang ang
3 inilalahad; samantalang sa nobela, maraming pangyayari ang
inilalanad. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang patuluyan na
pumapaksa sa mga kaisipan at bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng
aral at aliw ngmambabasa. Kasama sa sanaysay ang mga sulating
pahayagan, artikulo, natatanging pilak o lathalain, tesis, disertasyon,
talumpati, mapanuring pampanitikan, at akdang pananaliksik.
4. Ang sanaysay ay maaaring pormal o kaya ay pamilyar o personal.
5. Ang anyong pormal ay maimpormasyon, ang salitang ginagamit ay
pinipili, at ang modo ay seryoso, maintelektwal, at walang halong biro.
6. Ang anyong personal o pamilyar ay mapang-aliw at nagbibigay-lugod
sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-
araw,at personal. Ang pananalita ay magaan, madaling maintindihan, at
parang sa kaibigan lamang sapagkat ginagamitan ng unang panauhan.
7. Ang anyong patanghal ay maaaring nasa anyong patula o patuluyan
ang mga dayalog. Ang panitikan sa patanghal na kaanyuan ay hindi
ganap hangga't hindi ipinapalabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan.
b.
c.
41 | P a g e P A N I T I K A N
3. Magbigay ng tatlong katangian ng personal o pamilyar na sanaysay.
a
b.
4. Magbigay ng limang katangiang dapat taglayin ng isang magaling na
manananaysay.
a
b.
d.
c.
MGA KAALAMANG DAPAT MONG ISAISIP
42 | P a g e P A N I T I K A N
magkasintunog o magkatugma ang pantig sa hulihan. Ang anyong
patulaay maaari rin namang maging malaya at wala ang mga
katangiang nabanggit.
Nasa anyong patuluyan naman ang panitikan kung ito ay patalata
sa halip na pataludtod ang porma at ang mga salitang gamit ay
pangkaraniwan lamang o sa pang-araw-araw na takbo ng buhay.
Ang panitikan ay patanghal kung ito ay isinasadula at ipinalalabas
sa tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik nito at ito ay
may mga yugtong binubuo ng tagpo.
Ang mga anyong patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang
paawit o liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang patnigan.
Ang mga uri ng tulang pasalaysay ay epiko, awit at kurido, at balad.
Ang mga uri ng tulang paawit o liriko ay awiting-bayan, soneto,
elehiya, dalit, pastoral, at oda.
Ang mga uri naman ng tulang dula o patanghal ay ang komedya,
trahedya, parsa, saynete, at melodrama.
Ang mga uri sa tulang patnigan ay ang karagatan, duplo, at balagtasan.
Ang anyong patuluyan ay isang uri ng panitikang Pilipino. Ito ay inilalahad
sa pangkaraniwan at pang-araw-araw na pananalita, hindi kagaya ng
anyong patula na ang daloy ng pinabubukal na kaisipan at damdamin ay
madulas o tuluy-tuloy dahil may bilang ang pantig ng mga salitang
sasabihin at kailangang magkasintunog ang mga dulo ng pantig. Sa
anyong patuluyan, malaya kung lumabas sa bibig ang mga salita,
madulas, at mabilis dahil hindi na kailangan pang pakaisipin o pakapiliin
ang mga salita para pagandahin ang dating sa pandinig. Madaling
maintindihan at maunawaan ang mga pangyayaring inilalahad sa anyong
patuluyan.
43 | P a g e P A N I T I K A N
Ang sanaysay ay maaaring pormal o maanyo at pamilyar o personal.
Ang anyong pormal ay maimpormasyon, ang salitang ginagamit ay pinipi,
at ang modo ay seryoso, maintelektuwal, at walang halong biro.
Ang anyong personal o pamilyar ay mapang-aliw at nagbibigay-lugod
sapamamagitan ng pagtalakay samga paksaing karaniwan, pang-araw-
araw, at personal. Ang pananalita ay magaan, madaling maintindihan, at
parang sakaibigan lamang sapagkat ginagamitan ng unang panauhan.
1. Ako'y Pilipino
Ako'y Pilipino. Sa isang lupang tahimik at sagana ay nakita ko ang unang
liwanag. Ang pinagmulan ko ay matandang salin ng mga unang lipi. Ang
nuno ng akingmga nuno ay katulad ng ibang nilikhang isinilang na may
taglay na sarili: may sariling datu na iginagalang sa barangay; may
sariling anitong sinasamba sa pananampalataya; may sariling lipunan,
sining, kaugalian, at paniniwala. May sariling pamumuhay at sila'y
nakipagkalakalan sa Hapon, Tsina, at sa mga pulong Malaya. Anupa't
ako'y nagising sa kariwasaan, sa kapayapaan.
Anyo:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________
44 | P a g e P A N I T I K A N
2. Ang Laki sa Layaw
Francisco Baltazar
Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
Di dapat palakhin ang bata sa saya;
At sa katuwaa'y kapag namihasa,
Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.
Anyo:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Tradisyon
Ang pagsang-ayon ng kanyang ama sa hangarin ng mga bagong dating
ang siyang nagbunsod sa kanya para lumaban sa kauna-unahang
pagkakataon.
"Tntindihinn'yo sana 'ko, ama, ang aking panig. Hindi nagiging matatag
ang pagsasanmang sapilitan ang pagkakabuo."
Ang mgamata ng kanyang ama ay waring nagbabaga na.
"Lapastangan!" bulyawnito at nahagip ang makakapal na palad ang
kanyang pisngi. "Huwag mo kaming ilalagay sa kahihiyan. Ito'ng tandaan
mo, hindi mo mababali ang kaugaliang simula't sapul ay ipinagalang nang
ating lipi. Ang kasunduan ay kasunduan. Walang sinumang makakatinag.
Tandaan mo 'yan!"
Ang salita ngkanyang ama ay makapangyarihan, hindi bilang haligi ng
tahanan, kundi bilang isang matatag ng datu ng balangay. Gusto niyang
ipaglaban ang kanyang karapatan. Subalit namagitan ang kanyang ina.
45 | P a g e P A N I T I K A N
Niyakap at inilayo siya.
Anyo:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Mirindal
Ika nga'y tumaba sa lamig at hirap,
Nakaluklok sa ilalim ng pergolang karton at yerong bulok,
Pinahinogng mga tanghaling tapat,
Pinag-uban ng walang patawad na alikabok,
lang taon ko na siyang dinudungaw:
Kapiling ang mga nilagang mani, papaya't lakatang
Di man makaakit sa masclang bangaw,
Gayaniyang laging nasa kapanahunan.
lisang kimona ang bestido seremonyal
Parang sultanang buong tikas na pinamamayanihan
Ang lumalatag niyang katabaan.
Anyo:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Karagatan
46 | P a g e P A N I T I K A N
Pangangahasan kong aking lulusungin
Hustong bait ninyo ang titimbulanin
Na inaasahang sasagip sa akin.
47 | P a g e P A N I T I K A N