You are on page 1of 11

Ang paglaganap ng NCOV-19

Panimula

Ano nga ba ang NCOV-19? Ano ang magiging dulot nito para sa atin?

COVID-19 (dating tinatawag na “2019 Novel Coronavirus,” abbreviated as

“2019-nCoV”) ay isang bagong respiratory virus na unang nakita sa central

Chinese city ng Wuhan, sa lalawigan ng Hubei. Ito ay kumalat sa iba’t-ibang

lungsod ng China at ganoon din sa mahigit 27 na bansa, kasama na rito ang

Estados Unidos. Noong Enero 30, 2020, idineklara ng WHO ang isang Public

Health Emergency of International Concern. Ang virus ay nagdala ng sakit sa

higit sa 40,100 katao sa mainland China at 368 sa 27 iba pang mga bansa sa

tala noong Peb. 10, ayon sa isang monitoring database ng Johns Hopkins.

Mayroong 908 nang namatay, lahat sa China, 871 sa Hubei lamang.

Dalawang namatay ang naitala sa labas ng mainland, isang turistang Tsino na

taga Wuhan sa Pilipinas at isang residente ng Hong Kong na dumalaw sa

Wuhan kamakailan. Noong Pebrero 2, 2020, nagpalabas ang U.S.

Department of State ng level 4 travel advisory para sa buong China at

inirerekomenda na huwag bumiyahe sa China dahil sa pagsiklab ng COVID-19

(U.S Department of State China Travel Advisory). Bilang pagtugon sa

pagsiklab ng respiratory illness, pinatigil ng mga opisyal ng China ang

transportasyon sa loob at paglabas sa Wuhan at sa ibang mga lungsod ng

lalawigang Hubei, kasali na rito ang buses, subways, trains, at international

airport. Maaaring magkaroon ng mga karagdagang mga limitasyon at

kanselasyon.Limitado ang kaukulang paggamot sa mga apektadong

lugar.Ang mga bumibiyaheng tao na hindi citizen ng U.S. o walang green card

na galing China sa loob ng 14 na araw ay maaaring pagbawalang pumasok sa

Estados Unidos ayon sa presidential directive na epektibo noong Pebrero 2,

2020.Sa ngayon, wala namang kumpirmadong kaso ng COVID-19 dito sa


Hawaii. Ang mga pandaigdigang eksperto ng mga virus ay opisyal na

nilang pinangalanan ang virus na dahilan ng pagsiklab “SARS-CoV-2.” Ito

ay pinaikling “Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2.”

Pagkatapos ng pagsasaliksik sa bagong coronavirus, napag-alaman ng

mga siyentista na ito ay halos pareho sa virus na pinagmulan ng SARS

epidemic noong 2002 at 2003. Ang virus na pinagmulan ng SARS ay

tinatawag na SARS-CoV, kaya ang bagong coronavirus na ito ay tinatawag

na SARS-CoV-2. Kahit ang virus ay kilala bilang SARS-CoV-2, ang sakit na

ibinibigay nito ay opisyal ng tinawag na COVID-19 (pinaigsing tawag sa

coronavirus disease 2019). Pagkatapos ng unang pagsiklab nito sa

Wuhan, China, ang sakit at ang virus ay laging tinatawag na “2019 Novel

Coronavirus,” na karaniwang pinaigsi bilang “2019-nCoV.” Ang pangalang

“COVID-19” ay inaasahang siyang papalit sa “2019 Novel Coronavirus” at

“2019-nCoV,” kahit gagamitin pa rin ang mga lumang pangalan nito sa

ngayon. Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at

napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa

labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng

mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng

mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Pangkaraniwan ang mga coronavirus ng tao sa buong mundo at ang mga

ito ay maaaring maging sanhi ng mild to moderate na pagkakasakit.

Halimbawa; Ang pangkaraniwang sipon, Ang ilan sa mga coronavirus na

nakakahawa sa mga tao na siyang nagiging sanhi ng mga malalang sakit

tulad ng mga coronavirus na pinagmumulan ng MERS at SARS. Ang

COVID-19 ay isang bagong (o novel) coronavirus na nagmula sa Wuhan,

China, at siyang sanhi ng kasalukuyang pagsiklab ng parang pneumonia

na sakit. Maaaring ito ay nagmula sa mga hayop, ngunit ngayon ay maaari

ng kumalat sa mga tao. Ang COVID-19 ay hindi tulad ng SARS at MERS


dahil ang mga ito ay ibang mga coronavirus. Pinoprotektahan ng HDOH

ang pagkapribado ng isang pasyente at hindi nito inilalathala ang kanilang

mga pangalan o iba pang mga impormasyon na maaaring pagkakilanlan

ng pagkatao ng isang taong nahawa ng COVID-19 o isang tao na naka-

quarantine. Gayundin naman na ang mga nakihalubilo sa mga maysakit

ay may karapatang malaman nila at protektahan ang kanilang mga sarili.

Kung may nalaman ang HDOH na mayroong tao na may posibleng COVID-

19, isang masusing imbestigasyon ang mangyayari at tutuntunin at

makikipagugnayan sa mga nakahalubilong mga tao sa panahong sila ay

nakakahawa. Nakakahawa ang virus sa matagal na pakikihalubilo sa taong

mayroon nito, kaya ang mga taong saglit lamang ang kanilang naging

pakikihalubilo sa loob at labas man ng bahay ay hindi maibibilang na nasa

panganib ng pagkahawa. Makikita ang SARS-CoV-2 (ang virus na

pinagmulan ng COVID-19) sa pamamagitan ng eksamen ng mga

respiratory specimen at serum (dugo). Ang mga komersyal at laboratoryo

ng mga ospital ay walang kakayahang gawin ang eksamen para sa virus.

Ang mga healthcare provider na nagaakalang may mga pasyente sila na

may COVID-19 ay maaaring makipag-ugnayan sa HDOH para maeksamin

ang kanilang mga specimen. Ang pag-eeksamin ay maaaring gawin sa

Hawaii State Laboratories Division, o sa CDC sa Atlanta, Georgia. Maaari

ring hilingin ng provider ang eksamin ng transkaso para masabing ang

mga sintomas ay hindi galing sa trangkaso. Ang pagsasagawa ng

kuwarentenas ng pamahalaang Tsino sa lunsod ng Wuhan, episentro ng

nasabing epidemiya, na pigilan ang pagkalat ng epidemiya.Anito, ang

ganitong agarang aksyon para sa kalusugang pampubliko ay walang

katulad sa kasaysayan, at nagpapakita, na ang Tsina ay isang

responsableng malaking bansa.Kaugnay ng epekto ng epidemiya sa

kabuhayang Tsino, tinukoy ng ulat na posible itong magdulot ng direktang


ipekto sa ilang industriyang kinabibilangan ng serbisyo, industriya ng

kalakalan.

Katawan

Ang mga naiulat na karamdaman ay sumasaklaw mula sa mga taong

may mahinang mga sintomas hanggang sa mga taong nagkasakit nang

malubha, na nangangailangan ng pagpasok sa ospital, at namamatay.

Kasama sa mga simtomas ang Lagnat, ubo, hirap sa paghinga, malubhang

karamdaman.Naniniwala ang CDC na ang mga sintomas ng COVID-19 ay

maaaring lumabas pagkatapos ng 2 o 14 na araw ng pagkalantad.

Maraming pasyente na may COVID-19 ang nagkumplikasyon ng

pneumonia sa dalawang baga. Ang ilan ay namatay.Ang ebidensya mula

sa ibang mga bansa ay nagsasabi na tulad ng trangkaso, karamihan sa

mga tao ay magkakaroon ng mahinang mga sintomas at dapat na manatili

sa bahay hanggang 24 oras pagkatapos ng lagnat. Ang ilang mga tao ay

dapat na tumawag sa kanilang doktor nang maaga, kasama na rito ang

mga matatanda, mga nagdadalang-tao, yaong mga nakompromiso ang

mga sistema ng imyunidad o nakatagong mga medikal na problema. Kung

ikaw ay nahihirapan sa paghinga o nahihirapan sa pagpapanatili ng likido

sa katawan, pumunta sa isang emergency room o tumawag sa 911, kung

hindi man ay mas mabuti na tumawag sa iyong doktor bago ka pumunta

para humingi ng pangangalaga. Dapat ka ring tumawag sa isang doktor

kung ikaw ay nagkaroon ng malapit na pakikisalamuha sa isang taong

may COVID-19. Ang pagsusuri ay hindi makakatulong kung wala kang mga

sintomas. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay gagaling kapag

nagpahinga kaya hindi kailangan na pumunta sa isang doktor kung ikaw

ay may mahinang mga sintomas. Kung ikaw ay nagkaroon ng paghihirap

sa paghinga o paghihirap sa pagpapanatili ng likido sa katawan, pumunta


sa isang doctor. Ang ilang mga pasyente tulad ng mga matatanda, yaong

mga nakompromiso ang mga sistema ng imyunidad o may nakatagong

mga medikal na kundisyon ay dapat tumawag sa kanilang doktor nang

mas maaga. Kung ikaw ay may mahinang mga sintomas, marahil ay hindi

na kailangan na pumunta sa isang medikal na pasilidad para makipagkita

sa isang doctor at kung ikaw ay may mga katanungan, tumawag sa

klinika o sa iyong doktor bago pumunta.Ang COVID-19 ay walang tiyak na

paggamot para sa sakit na dulot ng novel coronavirus. Gayunpaman,

marami sa mga sintomas ay maaaring gamutin. Ang paggamot ay

nakabatay sa kundisyon ng pasyente. Sa kasalukuyan ay walang bakuna

para makaiwas sa novel coronavirus. Maging alisto sa mga pekeng

produkto na ibinebenta na nagsasabi ng mga maling pag-aangkin na

maiiwasan o malulunasan ang bagong sakit na ito. Sa oras na ito, ang mga

Sentro ng Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC) ay nagrerekomenda na

ang mga tao ay umiwas sa hindi mahalagang paglalakbay sa mga bansa

na pinakaapektado ng COVID-19.Ang paggawa ng mga hakbang para

maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon sa palahingahan, tulad ng

trangkaso, ay makakatulong din sa pagiwas sa mga coronavirus. Makipag-

usap sa iyong doktor bago maglakbay upang matiyak na natanggap mo

ang inirekumendang mga bakuna at gamot na partikular sa iyong

destinasyon upang maprotektahan ang iyong kalusugan. Dahil sa

pagsiklab ng COVID-19 sa kalakhang Tsina at Iran, may inilagay na mga

direktiba sa paglalakbay mula sa White House.Ang paghihigpit sa lahat ng

mga dayuhang nasyonal na naglakbay o galing sa Kalakhang Tsina at Iran

sa nakaraang 14 na araw mula sa pagpasok sa US. Ang kautusang ito ay

maaaring ipanumbalik ng Pangulo bawat 14 na araw.Hinihiling sa lahat ng

mga mamamayan ng US at ang kanilang mga malapit na miyembro ng

pamilya na umuwi mula sa Kalakhang Tsina na pumasok sa isa sa labing


isa na mga paliparan sa US (kasama ang LAX), kung saan sila ay susuriin

ng mga ahente ng US Customs and Border Protection. kung ang mga

naglalakbay ay nagpapakita ng mga palatandaan ng sakit sa

palahingahan, ipapadala sila sa isang pasilidad sa pangangalaga ng

kalusugan para sa karagdagang eksaminasyon. Kung ang mga naglalakbay

ay galing sa Lalawigan ng Hubei sa anumang oras sa nakalipas na 14 na

araw, sila ay ipapa-quarantine sa isang ligtas na lokasyon at

susubaybayan kung magkakasakit sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang

huling pagkakalantad. o Kung ang mga naglalakbay ay umuuwi mula sa

iba pang mga lugar sa Kalakhang Tsina at nagkaroon ng malapit na

pakikisalamuha sa isang taong nakumpirma na may kaso ng novel

coronavirus, maaari rin silang sumailalim sa isang pagquarantine sa loob

ng 14 na araw mula sa huling pagkakalantad. o kung ang mga naglalakbay

ay umuwi mula sa lahat ng iba pang mga bahagi ng kalakhang Tsina at

hindi sila nagkaroon ng malapit na pakikisalamuha sa isang taong

nakumpirma na may kaso ng novel coronavirus, papayagan silang

maglakbay sa kanilang huling destinasyon kung saan sila ay susubaybayan

ng kanilang lokal na kagawaran ng pampublikong kalusugan at hihilingin

na manatili sila sa kanilang mga tahanan at iwasan ang mga

pampublikong lugar sa loob ng 14 na araw mula sa huling pagkakalantad.

Dahil sa bagong gabay sa paglalakbay, ang Pampublikong Kalusugan ay

regular na susubaybayan ang mga potensyal na kaso upang makita kung

nagkaroon sila ng anumang mga sintomas o lagnat. Ito ay pareho sa

proseso na ginagamit namin sa iba pang mga nakakahawang sakit, tulad

ng tigdas. Tulad ng iba pang mga sakit sa palahingahan, may mga

hakbang na maaaring gawin ng lahat sa araw araw upang mabawasan

ang panganib na magkasakit o mahawahan ang iba ng umiikot na mga

virus. Kung ikaw ay galing sa China (hindi kasali ang Hong Kong, Macau, o
Taiwan) sa nakalipas na dalawang linggo at nakakaramdam ka ng mga

sintomas ng sakit sa respiratory (tulad ng ubo o parang kulang ang

paghinga mo), o nakasalamuha mo ang isang taong mayroon ding

sintomas nito sa loob ng 14 na araw na pamamalagi mo sa China,

mangyaring tawagan mo ang iyong healthcare provider at banggitin ang

iyong biyahe o ang nakasalamuha mo doon. Makikipagtulungan ang

healthcare provider sa Hawaii Department of Health (HDOH) para

malaman kung ikaw ay kailangang maeksamen. Ang mga taong nagpunta

sa mga lugar na sinabi ng CDC na may malawakang pagkalat ng COVID19

(tulad ng South Korea, Japan, Italy, Iran, at iba pang mga bansa) ay dapat

nilang obserbahan ang kanilang kalusugan sa loob ng 14 na araw

pagtapos nilang lisanin ang mga lugar na iyon. Kung sila’y magkakaroon

ng lagnat o ubo, dapat nilang tawagan ang kanilang healthcare provider

para sa patnubay at sabihin sa kanila ang kanilang mga sintomas at ang

mga pinuntahang mga lugar. Ang COVID-19 ay walang espisipikong

antiviral na gamot. Ang mga taong mayroon nito ay dapat tumanggap ng

kaukulang pag-alaga para maibsan ang mga sintomas. Tulad ng ikaw ay

dapat na manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, Hugasan ang iyong

mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa

20 segundo, lalo na pagkatapos ng pumunta sa banyo bago kumain at

pagkatapos na suminga, umubo, o bumahing.Kung ang sabon at tubig ay

hindi kaagad magagamit, gumamit ng isang batay-sa-alkohol na sanitizer

ng kamay na may hindi bababa sa 60% na alkohol. Laging hugasan ang

mga kamay ng sabon at tubig kung ang mga kamay ay malinaw na

marumi. Iwasan ang paghawak sa iyong mga mata, ilong, at bibig gamit

ang hindi nahugasan na mga kamay.Limitahan ang malapit na

pakikisalamuha, tulad ng paghalik at pagpapahiram ng mga baso o mga

kagamitan sa pagkain, sa mga taong may sakit.Linisin at disimpektahin


ang madalas hawakan na mga bagay at ibabaw gamit ang isang regular na

pang-spray o pamunas na panlinis ng bahay.Takpan ang iyong pag-ubo o

pagbahing ng isang tisyu, pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan.

Kung wala kang tisyu, gamitin ang iyong manggas (hindi ang iyong mga

kamay). Magpabakuna para sa trangkaso kung hindi mo pa ito nagawa sa

panahong ito. Hindi inirerekumenda sa mga tao na maayos ang

pakiramdam na magsuot ng isang maskara o takip sa mukha para

protektahan ang kanilang mga sarili mula sa COVID-19 maliban kung ito

ay pinapayo ng isang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Ang

isang maskara o takip sa mukha ay dapat na gamitin ng mga taong may

COVID-19 na may mga sintomas para protektahan ang ibang mga tao

mula sa pagkahawa. Ang mga manggagawa sa kalusugan at iba pang mga

to na nag-aalaga sa isang tao na nahawaan ng COVID-19 sa isang malapit

na parte ng katawan ang dapat na magsuot ng isang maskara o takip sa

mukha. Kung ang COVID-19 ay malawak na kumakalat sa isang

komunidad maaaring kailanganin na irekumenda na magsara ang mga

paaralan at mga negosyo para makatulong na maiwasan ang pagkalat ng

sakit. Hinihikayat ng Pampublikong Kalusugan ang mga organisasyon at

paaralan na suriin at i-update ang kanilang pangemerhensiya na mga

plano at isaalang-alang ang mga paraan para magpatuloy ang mga

mahahalagang serbisyo kung ang on-site na mga operasyon ay dapat na

pansamantalang bawasan. Makipag-usap sa paaralan o sa sentro ng

daycare ng iyong mga anak para malaman ang kanilang mga pang-

emerhensiyang operasyon na plano at maghanda nang maaga para sa

posibleng pagbabago ng mga pagsasaayos ng pangangalaga ng bata.

Makipagusap din sa mga taga-empleyo at alamin ang tungkol sa mga

bagay na maaaring hilingin sa iyo na gawin kung may mga pagsara o

binawasang mga operasyon sa iyong lugar ng pinagtatrabahuan. Sa


ngayon ay wala pang bakunang pangproteksyon kontra sa virus na ito.

Ang taunang bakuna ng trangkaso ay hindi proteksyon kontra sa COVID-

19, ngunit ito ay inirerekomenda para sa lahat ng may edad 6 na buwan o

mas matanda pa para maiwasan ang influenza ( trangkaso). Ang mga

sintomas ng COVID-19 ay kapareho ng mga sintomas ng influenza

(trangkaso). Ang mas mababang kaso ng trangkaso ay nakakatulong

maibsan ang mga trabaho ng mga healthcare provider at facilities, dahil

kung kaunti ang may mga sintomas ng trangkaso ay mas madaling

pagdiditek sa mga taong may COVID-19 infection.

Konklusyon

Tunay nga na napakalala nitong paglaganap ng COVID-19 na kung saan

ang mga tao ngayon ay nagpapanic sa epidemyang ito sa kalahatan ang

lahat ay dapat maging malinis o umiwas sa mga dalang sintomas nito.

Kapag ikaw ay nakarinig, nakabasa, o nakapanood ng mga balita tungkol sa

pagsiklab ng isang nakakahawang sakit, normal na makaramdam ng pagkabalisa

at magpakita ng mga palatandaan ng pagkabalisa kahit na ang pagsiklab ay

nakakaapekto sa mga tao na malayo mula sa kung saan ka nakatira at ikaw ay

nasa mababang panganib ng pagkakasakit. Mahalaga na mapangalagaan mo ang

iyong sariling pisikal at mental na kalusugan.A ng mga sumusunod ay mga

paraan para mapangalagaan ang sarili pati narin ang nakakasalamuha

mo.Magsuot ng face mask kahit wala pang mga kumpirmadong kaso ng

COVID-19 sa Pilipinas. Palitan din ang nagamit na face mask araw-araw

at huwag paulit-ulitin ang suot, lalo na kung ito ay gamit na Iwasan ang

mga taong may sakit kung hindi lubusang maiiwasan, magsuot ng face

mask.

Pagkauwi ng bahay maligo muna upang maalis ang mga kumapit na

mikrobyo sa katawan. Hangga’t maaari huwag munang hahawakan o


yayakapin ang mga anak, asawa, o ibang kasama sa bahay kung hindi pa

nalilinis ang katawan.Ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon

at tubig kung walang sabon at tubig, gumamit ng alcohol .

Iwasang hawakan ang mukha, mata, ilong, at bibig hangga’t hindi pa

naghuhugas ng mga kamay.Palakasin ang resistensya ng katawan sa

pamamagitan ng pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa

bitamina C. Iwasan ang paghawak sa mga palaboy-laboy na mga hayop.

Kung may mga alagang hayop naman, regular na paliguan ang mga ito at

linisin palagi ang kanilang mga kulungan.Kung may ubo o nababahing,

takpan nang maigi ang ilong at bibig gamit ang tisyu upang hindi

makahawa sa iba. Itapon nang maayos ang tisyu pagkatapos.Maglinis at

mag-disinfect ng buong bahay, lalo na ang mga bagay na madalas na

hinihawakan.Kung hindi naman kailangan lumabas ng bahay ay huwag na

munang lumabas.

Masugid na binabantayan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga taong

nagpakita ng senyales ng respiratory infection at may kasaysayan ng

paglalakbay sa China. Nakikipag-ugnayan din ang DOH sa WHO at China

Center for Disease Control para sa mga bagong detalye ukol sa

virus.Pinapagtibay din ng DOH ang kakayahan nito sa laboratory testing

ng coronavirus, kahandaan ng mga hospital, rapid response, at risk

communication at pagpapalaganap ng impormasyon. Namimigay na rin

ng Personal Protective Equipment ang Bureau of Quarantine, Centers for

Health Development, at mga hospital ng DOH.Samantala, ang Bureau of

Quarantine naman ay masugid na nakikipag-ugnayan sa mga airlines at

paliparan upang palakasin ang border surveillance, habang ang

Epidemiology Bureau naman ay mas lalo pang pinaghihigpit ang

community surveillance nito.

Sanggunian
https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino

https://www.who.int/docs/default-source/coronaviruse/situation-

reports/20200310-sitrep-50-covid-19.pdf?sfvrsn=55e904fb_2

https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-novel-coronavirus-anim-na-

bagay-na-dap

http://www.publichealth.lacounty.gov/media/Coronavirus/FAQ-Tagalog.pdf

https://mediko.ph/karamdaman/covid-19-ncov-wuhan-coronavirus/

You might also like