You are on page 1of 5

BSP VERSION (NEW)

BANGHAY ARALIN SA
Entreprenyur SA PILING LARANG- TECH-VOC (GRADE 12 TVL-B)

Pamagat : Pag-unawa ng kaalamang Pinansyal

(Understanding Financial Literacy in SHS)

Taon : Baitang 12

Asignatura : Entreprenyor

Kaisipan : Pagiging mapamaraan sa pagpapasya at pang unawa sa


pagpapaunlad ng kabuhayan

Takdang Panahon : 1 sesyon( 2 oras)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
 Nakagagawa ng angkop nakaalaman at kasanayan at sistematik na
pagluto ng piling menu.

B. Pamantayang Pagganap:
 Nakagagawa ng teknikal-bokasyonal na pagluluto.

Layunin sa Sesyon: ENTREPRENEUR SA PILING LARANG- TECH-VOC

1. Nabibigyang kahulugan ang menu.


2. Nasusuri ang mahalagang pamantayan ng isang masustansiyang
menu.
3. Nakagagawa ng isang menu na may kakulang badyet o halaga.

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Sariling Pamamaraan sa Pagluluto (Development of Self-Esteem)

B. Mga Kagamitan: Entreprenure, Kitchen utensils /Tech-Voc Laboratory,


LCD projector, BSP-DepEd-BDOF Financial Literacy Video “Abot
Kamay”
C. Batayang Aklat: Entreprenyur 12, Cook video in Kumikitang
Kabuhayan
D. Sanggunian: Entreprenyor 12, BSP leaflets on Consumer Assistance
Mechanism, Financial Planning 101
BSP VERSION (NEW)

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Pagsasadula ng isang balita mala-Jessica Soho ng piling
mag-aaral at ibabahagi ang balita tungkol sa mga napapanahong
mga pagkain sa Pilipinas.

2. Pagsasanay: Ibigay ang mga sangkap sa mga menu na nakikita sa


larawan.

Alin sa mga larawan ang may murang kakailanganing sangkap


para mailuto ito?

3. Balik-aral: 1. Isa isahin ang mga pamamaraan ng Financial Planning


101 para sa tamang gabay.

Develop values in saving income (Wastong pamamaraan ng pag


iimpok)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
a. Gawain
BSP VERSION (NEW)

Pagpapakita ng larawan.

Pamprosesong Tanong:
 Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
 Bilang Grade 12, paano kayo makakatulong sa inyong mga
magulang para kumita ng marangal at umunlad sa buhay?
 Magbigay ng mga kaparaanan o mungkahi para makatulong sa
pamilya.
2. Pamamaraan
a. Pagpapanood ng BSP-Dep-Ed-BDOF Financial Literacy Video na
pinamagatang “Abot Kamay”.
b. Pangkatang Gawain: Gabay na tanong:
 Tungkol saan ang video na napanood?
 Anu-ano ang mga maaring gawin para kumita/umunlad ang
iyong buhay at para matupad ang inyong pangarap?
 Sa iyong palagay, may magagawa ka ba para abutin ang mga
nasabing pangarap? Ipaliwanag ang inyong sagot sa
BSP VERSION (NEW)

pamamagitan ng: (pumili ng ayon sa inyo) a. Skit b.


Pagtatanghal

3. Paghahalaw: Gumawa ng isang menu na may kaukulang badyet,


magsaliksik ng napapanahong menu. Isulat ang mga
pamamaraan para makapag ipon/save money.
4. Paglalagom (Recap):
Ang marunong sa pera ay marunong sa buhay (o pagiging
financially-literate) ay salik ng likas-kayang pagtupad sa pangarap
(self-esteem).

IV. PAGTATAYA
A. Magsulat ng isang menu na may kaukulang badyet .
B. Tuusin ang mga gastusin sa paghahanda ng isang menu .( Sundin ang
pormat sa ibaba)

A. Pangalan ng menu
B. Mga Sangkap/ Pamalit Sangkap
C. Halaga/ Badyet

A______________

B_______________

C_________________

C. Magsulat ng isang pangako gamit ang Pledge Form kung paano maabot
ang iyong mga pangarap sa buhay.

V. TAKDANG ARALIN
BSP VERSION (NEW)

A. Magdala ng mga kailangang sangkap para sa napiling menu/pampalit na


mga sangkap
B. Maghanda para sa pagluluto sa susunod na pagkikita .

Isinulat nina : Estrella R. Pangan, Ed.D

Marilyn D. Agao, Ph.D.

PSDS /SDO-QC

You might also like