You are on page 1of 6

NILALAMAN, ELEMENTO,

AT KAKANYAHAN NG
PARABULA
PARABULA
ay gumagamit ng pagtutulad at
metapora upang bigyan ng din
ang kahulugan. Ito ay madalas na hango
saBanal na Kasulatan at kuwentong
umaakay sa tao sa matuwid na landas
ng buhay. Ang mga detalye at mga
tauhan ayhindi nagbibigay ng malalim na
kahulugan; ang binibigyan ng diin ay
aral sa kuwento.
PARABULA
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong
patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng
tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng
isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni
Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
Kaharian ng Diyos.
Ang nilalaman ng mga pabula
ay mga mensahe o mga
istoryang kinapupulutan ng mga
aral na pawang galing sa
Sagradong Bibliya.
Apat na Elemento o Bahagi ng Kwentong Parabula:
1)Tauhan - ito ang anumang tao o karakter na
gumaganap sa istorya o kwento.
2)Tagpuan - tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na
pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong maging
dalawa o higit pa.
3)Banghay - ang kabuoang pangyayari na naganap sa
kwento.
4)Aral - mga mahalagang matututunan pagkatapos
mabasa ang kwento.Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/382879#readmore
Ang KAKANYAHAN ay ang mensahe o
aral na makukuha sa kuwento gamit ang
matatalinhagang pahayag

You might also like