You are on page 1of 6

Modyul sa

FIL 122
PANITIKANG FILIPINO / LITERATURE OF THE
PHILIPPINES

First Semester, SY 2020 – 21

Inihanda ni:

GNG. THELMA C. RODRIGUEZ


Guro
UNIT 1 - ANG PANITIKAN BATAYANG PAG-AARAL

UNANG PAGSUSULIT
MODYUL 1 - MAKASAYSAYANG PANGYAYARING NAGANAP SA PILIPINAS

LAYUNIN:
1. Natutukoy ang sariling kalinangan ng mga unang taong nanirahan sa Pilipinas
at ang panitikan
Nito
2. Natutukoy ang pangunahing layunin ng pagsakop ng KASTILA SA Pilipinas
at ang paksa ng panitikan nito
3. Natatalakay ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas at ang
pagbabagong nagawa nito
4. Naipaliliwanag ang pagbabagong nagawa ng mga HAPONES SA Pilipinas
5. Natatalakay ang kasaysayan ng kasalukuyang panahon

UNANG ARALIN ---- PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


Sa pag-aaral natin ng panitikan, alamin muna natin ang makasaysayang
pangyayaring naganap sa kapuluan ng PILIPINAS.
Unang nanirahan dito sa Pilipinas ang mga Ita/Negritoes/Baluga. Wala silang
kabihasnan ngunit sanay sila sa paggamit ng pana at busog. Dumating ang unang
pangkat ng Indonesyo. Sila ay mapuputi at balingkinitan ang katawan. Dumating ang
Ikalawang pangkat ng Indonesyo na maiitim, makapal ang labi at pangahan. Sila ang
maydala ng pamahiin, bulong at iba pa.
Sumunod sa mga Indones ang mga Intsik na lahing Hakka na tinawag na
manggugusi sapagkat inilagy nila sa gusi ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay
at ibinaon sa looban.
Dumating ang unang pangkat ng mga Malay. Sila ang mga ninuno ng mga
Igorot, at Bontoc na nanirahan sa Hilagang Luzon. Ang ikalawang pangkat ng Malay Commented [j1]:
ang maydala ng Alibata. Ito ang kaunaunahang Alpabeto ng mga Pilipino na may 17
titik, 14 katinig at 3 patinig. Karamihan sa ating panitikan ay galing sa Malay.
Dumating ang mga Bumbay. Dala nila ang Epiko, Awiting-bayan, tula at iba
pa. Maraming salitang bumbay ang nakapasok sa ating wika tulad ng guro, dukha,
mukha at iba pa.
Nandayuhan naman sa Pilipinas ang mga Mangangalakal at Misyonerong
Arabe. Ang Misyonerong Arabe ang nagdala ng Pananampalatayang Muslim.
Nanirahan sila sa pulo ng Mindanao.
May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno bago dumating ang mga
kastila. May sarili na rin silang Alpabeto. Noong panahong iyon ang Alpabeto ay
nauuri sa dalawa.
1. Alibata – Ito ang katutubo at kaunaunahang Alpabetong Pilipino. Binubuo
ng 17 titik na hati sa 14 katinig at 3 patinig.
2. Sanskrito - ginagamit sa MINDANAO AT Sulu.
Ang ginamit sa pagsulat ay ang dagta ng prutas 0 dagta mula sa sanga ng
punongkahoy. Ang sinulatan nila ay ang:
1. Balat /dahon ng kahoy/ saging
2. Biyas ng kawayan
3. Talukap ng niyog
4. Makinis na bato

PAGSUBOK:

1. Sino-sino ang mga dumating dito sa Pilipinas? (Wastong


pagkakasunod-sunod )
2. Ano-ano ang mga ebidensiya na ang ating mga ninuno ay marunong
nang bumasa at sumulat?

Nang dumating ang mga unang prayle sa Pilipinas sinunog ang mga talang
pampanitikan. Ayon kay Padre Chirino, sa pagsunog ng mga unang prayle ng ating
mga panitikan naparam ang may dantaong kalipunang nasulat na kasaysayan at
kalinangan. Ngunit ang mga naisulat sa makinis na bato ay tumagal nang mahabang
panahon na siyang pinag-abutan ng mga kastila.

IKALAWANG ARALIN ---- PANAHON NG KASTILA


Dumating ang mga Kastila. Ang mahabang panahong pananakop ng mga
Kastila sa Pilipinas ay umabot ng tatlong taon.
Dumating si Ferdinand Magellan, 1521. Pagdating niya sa Pilipnas ay Araw ni
San Lazarus. Pinangalanan niya ang Pilipinas ng ARCHIPELAGO DE SAN
LAZARUS. Sinundan ito ng iba’t ibang ekspedisyon.
LOAISA EKSPEDISYON ---- 1525
CABOT EKSPEDISYON ----- 1526
SAAVEDRA EKSPEDISYON --- 1527
VILLALOBOS EKSPEDISYON ---- 1542
LEGASPI EKSPEDISYON ----- 1565
Si Villalobos ang nagbigay ng pangalan FELIPINAS. Ang huling nagtatag ng
kapangyarihan sa Pilipinas ay si Legaspi. Sinakop ng Kastila ang Pilipinas sa
pamamagitan ng sandata at relihiyon.
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay lumaganap ang mga paksa
tungkol sa relihiyon na mabasa sa tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan,
komedya senakulo at iba pa. Ito ang uri ng panitikan na dala ng mga kastila. May dala
ring dula ang mga kastila tulad ng senakulo at pasyon. Ang pinakapopular na pasyon
ay ang Pasyon Pilapil na may walond pantig sa bawat taludtod at may limang taludtod
sa bawat saknong. Ang paksa ng lahat ng panitikan na dala ng mga kastila ay tungkol
sa Kristiyanismo at panrelihiyon.
Uri ng Aklat na nalimbag sa Pilipinas sa Panahon ng Kastila:
1. Doctrina Cristiana (1593)
a. Kaunaunahang aklat panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas sa
Limbagan ng Colegio de Santo Tomas.
b. Ang Doctrina Cristiana (orihinal) ay nasa KONGRESO NG
ESTADOS UNIDOS.
c. May 74 pahina na nasusulat sa Kastila, Gotiko, Tagalog at
Bisaya
d. Ang mga sumulat ay sina: P. JUAN DE PLACENCIA AT P.
DOMINGO NIEVA. Ang pangunahing layunin ng Espanya sa
pagsakop sa Pilipinas ay upang magpalaganap ng relihiyong
Katoliko Apotolika Romano ngunit sa likuran nito ay ang
pagpapayaman, magpapalawak at magpapalakas ng
kapangyarihan.
Ang mga babasahin ay tungkol sa relihiyon at wika tulad ng:
1. buhay ng Santo at Santa
2. mga sermon
3. dasal
4. diksyunaryo at wika
2. NUESTRA SENORA DEL ROSARIO ( 1602 )
Ang sumulat ay si P. Blancas de San Jose. Katulong niya sa
paglimbag sa Palimbagan ng Santo Tomas ay si Juan de era, isang
mestisong intsik.

Kasunod nito ang paglimbag ng mumunting aklat:


1. Nobena / Pagsisiyam
2. Santos Ehersisyo
3. Buhay ng mga Santos
4. Tanong, Sagot sa Relihiyon
5. Mga sermon
3. MEMORIAL DE LA VIDA CRISTIANA (1606 )
4. BARLAAN AT JOSAPHAT ( 1712 )
Kaunaunahang nobela sa Tagalog na sinulat ni P. Antonio de
Borja. Binuo ng 40 kabanata at may 566 pahina. Ang orihinal ay
isinulat ni P. Juan Damasceno sa Wikang Griyego.
5. MGA ARAL NA MAHAL
Sinulat at isinalin sa Tagalog ni P. Lope. Ang orhinal ay isinulat sa
wikang Kastila ni P. Juan Nieremberg .

PAGSUBOK:
Sumulat ng isang repleksyon kung paano nakakatulong sa mga Pilipino
ang mga uri ng Aklat na nalimbag dito sa Pilipinas sa Panahon ng mga Kastila .

IKATLONG ARALIN - - PANAHON NG AMERIKANO


Bunga ng pagmamalupit ng mga Kastila naghimagsik ang mga Pilipino at
umabot hanggang sa panahon ng Amerikano. Commented [j2]:

Mga pagbabago:
1. Nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag
2. dumami ang limbag na panitikan
3. nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag
4. may kalayaan sa pagtatag ng samahang pampanitikan
5. Malaya sa paksa tulad ng :
a. pulitika
b. kalikasan
c. kahirapan
d. pakikibaka

PASUBOK:
Sumulat ng isang repleksyon tungkol sa nagawang mga pagbabago
ng mga Amerikano sa Pilipinas .

PANAHON NG HAPONES
Ang panahong ito sa kasaysayan ng Pilipinas at ng panitikan ang tinaguriang
GINTONG PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO dahil higit na Malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan
nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza- Matute dahil sa mga makintal na
makafeministang maikling kwento. Dahil sa dinalang Haiku (maikling tulang may
tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga
Pilipino ng TANAGA ( maikling tulang may apat na taludtod at ang biang ng pantig ay
7-7-7-7).

PAGSUBOK:
Sumulat ng isang repleksyon tungkol sa nagawang mga pagbabago
ng mga Hapones sa Pilipinas.

PANAHON NG PAGKAMIT NG KALAYAAN HANGGANG KASALUKUYAN


Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikan Filipino sa iba’t ibang uri sa
panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat:
 Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay Ni Alejandro Abadilla
 Maiikling Kwentong Tagalog Ni Teodoro Agoncillo
 Ako’y Isang Tinig Ni Genoveva Edroza – Matute
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang Gawad Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang Panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.

PAGSUBOK:
Ano ang masasabi mo tungkol sa nakamit nating kalayaan at
naging masigla ang mga may-akda sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikang Filipino? (Sumulat ng isang repleksyon)

You might also like