You are on page 1of 5

School San Antonio Elementary Grade Level Grade 4

LESSON
Teacher Ma. Christine B. Brin Learning Area Health 4
EXEMPLA
Date August 27, 2020 Quarter First Quarter
R
Time No. of Days 2

Learning Area HEALTH 4


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Printed Modular)

I. OBJECTIVES
A. Content Standards The learner understands the importance of reading food labels in selecting
healthier and safer food.
B. Performance Standards The learner understands the significance of reading and interpreting food label in
selecting healthier and safer food.
C. Most Essential Learning Explains the importance of reading food labels in selecting and purchasing foods
Competencies (MELC) to eat.
(If available, write the indicated
MELC) (MELC 1 – H4N-Ib-23)
D. Enabling Competencies Identifies information provided on the food label.
(If available, write the attached enabling
competencies)

II. CONTENT Aralin 2: Suriin ang pagkain, Bago Kainin!

Aralin 4: Ating Alamin at Unawain

III. LEARNING RESOURCES

A. References

a. Teacher’s Guide Pages Teacher’s Guide pages 104-106; 108-111

b. Learner’s Material Pages Learner’s Materials pages 239-243; 249-254

c. Textbook Pages -

d Additional Materials from -


Learning Resources
B. List of Learning Resources for Mga kahon ng pakete ng mga pagkain na may label o marka, larawan ng iba’t
Development and Engagement ibang sakit dulot ng hindi pagbabasa ng food label.
Activities

IV. PROCEDURES

A. Introduction Unang Linggo:

Pag-usapan ang nasa larawan na nagpapakita ng mga bahagi ng katawan tulad


ng mata, tainga, ilong, dila at kamay. Itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang gamit ng inyong mga mata? Ilong? Tainga? Dila? Mga
Kamay?
b. Makakatulong ba ito sa pagpili ng maayos at masustansiyang pagkain?
Paano?

(043)722-1840/722-1796/722-1437/722-2675/722-1662(043)723-2816deped.batangas@deped.gov.phwww.depedbatangas.org
CRN 44 100 18 93 0045
Gawain 1: Kayo ba ay namamalengke? Kung gayon ay bilugan (O) ang mga
pagkaing mabilis masira at ikahon ( ) naman ang mga pagkain na sa inyong
tingin ay kayang umabot ng isang buwan o mahigit pa. Gamitin ang inyong
imahinasyon upang masuri ang mga pagkaing nasa larawan.

Ikalawang Linggo:
Panuto: Basahin ang maikling kwento tungkol sa pagbili ng pagkain ni Abdul.

“Kriiinngg!” Narinig na ni Abdul ang tunog ng school bell. Hudyat na ito na


uwian na ng mga mag-aaral.
Dahil siya ay may natirang pera mula sa kaniyang baon, si Abdul ay
nagpunta sa tindahang malapit sa kanilang bahay. Bumili siya ng maliit na
karton ng gatas.
Nang makauwi na sa kanilang bahay, agad ininom ni Abdul ang kanyang
biniling gatas. Pagkatapos ng ilang sandal, agad sumakit ang kaniyang tiyan at
huli na ng maalala niyang hindi pala niya alam kung kailan ito masisira.

Itanong pagkatapos ang mga sumusunod:


a. Bakit kaya sumakit ang tiyan ni Abdul?
b. Ano ang dapat na ginawa muna ni Abdul bago ininom ang gatas na
kanyang nabili?
c. Ano ang naunawaan mo sa kwentong binasa?

GAWAIN 2:
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ito ang mayroong label o marka na
magbibigay sa inyo kung kailan ito dapat ikonsumo at ekis (X) kung wala?

Unang Linggo:
B. Development
Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
a. Paano mo gagamitin ang iyong mga mata, tainga, ilong, dila at kamay
para iyong maunawan ang mga nakasaad sa food labels?

(043)722-1840/722-1796/722-1437/722-2675/722-1662(043)723-2816deped.batangas@deped.gov.phwww.depedbatangas.org
CRN 44 100 18 93 0045
b. Ano kaya ang maaaring mangyari sa iyo o sa iyong pamilya kung hindi
mo binabasa ang mga nakatala sa food labels?
c. Ano ang iyong titingnan o aalamin upang matiyak na maayos pa ang
iyong pagkain na ihahahin sa inyong hapagkainan?

Ikalawang Linggo:
Pag-aralan ang mga babanggitin na salita.
a. Nutrition Facts
b. Expiration Date
c. Best Before Date
Hanapin ang mga salitang nabanggit sa mga food packs na mayroon kayo.
Bilugan ang mga ito gamit ang marker pen.

Unang Linggo:
C. Engagement
Alam niyo ba ang mga bahagi ng food labels?
Para saan kaya ang paglalagay nito sa mga pakete ng pagkain?
Ito ba ay makakatulong sa iyo at sa iyong pamilya? Paano?

Gawain 3: Kumuha ng pagkain na nakalagay sa pakete at unawain ang mga


nakasaad dito. Itala ang mga sumusunod na detalye o impormasyong makuha sa
kapirasong papel:

Pagkain 1: _________________
a.) Expiry Date: _________________
b.) Best Before Date: _________________
c.) Advisory/ Warning Statement: _________________
d.) Directions for Use: _________________
e.) Directions for Storage: _________________

Pagkain 2: _________________
a.) Expiry Date: _________________
b.) Best Before Date: _________________
c.) Advisory/ Warning Statement: _________________
d.) Directions for Use: _________________
e.) Directions for Storage: _________________

Ipaliwanag ang mga sumusunod:


a. Expiration/Expiry date ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi na
maaaring kainin ang isang produkto.
b. Best Before Date ay tumutukoy sa huling araw na nasa pinakasariwa at
pinakamagandang kalidad nito.
c. Advisory/Warning Statements naman ay nagsasaad ng babala sa
sangkap na napaparoon sa pagkain na maaaring magdulot ng sakit o
allergy at masamang epekto sa katawan.
d. Directions for use ay nagbibigay ng impormasyon kung paano gamitin
ang pagkain para mapanatili ang magandang kalidad nito.
e. Directions for Storage ay nagbibigay ng impormasyon kung paano
itatago ang pagkain para mapanatili ang magandang kalidad nito at
hindi mauwi sa pagkasira.

Ikalawang Linggo:
Gawain 4: Gumuhit ng isang larawan na maaaring mangyari sa iyo o sa pamilya
mo kung hindi mo nabasa ng maayos ang mga nakasaad sa food labels. Kulayan
ito at lagyan ng isang maikling paliwanag kung paano itong maiiwasan.

(043)722-1840/722-1796/722-1437/722-2675/722-1662(043)723-2816deped.batangas@deped.gov.phwww.depedbatangas.org
CRN 44 100 18 93 0045
______________________________________________________________.
_______________________________________. ________________________
_________________________________.

Ipaliwanag ang mga panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng food


labels. Magpakita ng iba’t ibang larawan na nagbibigay ng iba’t ibang sitwasyon
sa hindi pagbabasa ng mga food labels.

Gawain 5: Gumawa ng isang slogan na maghihikayat sa kamag-aral na magbasa


ng food labels. Lagyan ng disenyo at kulay ang slogan.
Unang Linggo:
D. Assimilation
Gawain 6: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
wastong impormasyon at MALI kung hindi ito wasto.

____________ 1. Maaaring makakuha ng sakit mula sa pagkaing sira o panis na


produkto.
____________ 2. Masisira ang pagkain kung hindi ilalagay sa refrigerator.
____________ 3. Hindi na maaaring inumin ang isang produkto kung lampas na
sa Best Before Date.
____________ 4. Ang pagbabasa ng food labels ay paraan upang makatipid ng
pera.
____________ 5. Maaaring maihambing ang sustansiyang ibibigay ng mga
produkto sa pamamagitan ng pagbabasa ng food labels.

Gawain 7: Gumupit ng mga labels ng pagkain. Idikit ito sa isang malinis na


papel. Ilagay ang mga impormasyon sa talaan.

Pagkain/ Expiry Date Best Before Advisory/


Inumin Date Warning
Statements

Ikalawang Linggo:
Gawain 8: Lagyan ng tsek (_/) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong
impormasyon at ekis (X) naman kung hindi.

____________ 1. Makikita sa pakete ng pagkain kung kailan ito masisira o


mapapanis.
____________ 2. Magkakapareho ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain at
inumin.
____________ 3. Malalaman ang timbang ng pagkain o inumin sa pakete.
____________ 4. Maaari pang kainin o inumin ang isang produkto matapos ang
Expiry Date nito.
____________ 5. Isinasaad sa Nutrition Facts ang kompletong listahan ng mga
sustansiyang makukuha sa produkto.

Unang Linggo:
V. Reflection
Gawain 9: Kumpletuhin ang panata bago kumain o uminom ng nakapaketeng
pagkain.

1. Ako si _________________________________ na nangangako na


__________________________________.
2. Aalamin ko ang ________________________ ng mga pagkain at
inumin na aking nabibili.
3. Susundin ko ang ________________________________ upang
masigurado na hindi magkakasakit ang aking buong pamilya.

Ikalawang Linggo:
Gawain 10: Panatang pangkalusugan

(043)722-1840/722-1796/722-1437/722-2675/722-1662(043)723-2816deped.batangas@deped.gov.phwww.depedbatangas.org
CRN 44 100 18 93 0045
Panuto: Dugdungan ang mga salitang nasa loob ng kahon upang makabuo ng
isang pangungusap.

A. Babasahin ko… B. Uunawain ko… C. Pag-iingatan ko…


D. Isasaalang-alang ko… E. Makapanghihikayat ako…

(043)722-1840/722-1796/722-1437/722-2675/722-1662(043)723-2816deped.batangas@deped.gov.phwww.depedbatangas.org
CRN 44 100 18 93 0045

You might also like