You are on page 1of 14

Ang Huling Sayaw ng Alipato

written by

Mark P. Dorado | Ayra Soliman | Micah Gajete

Address
Phone
E-mail
INT. KWARTO - GABI
Sisimula sa itim na tabing. Umaalingawngaw ang huni ng
paghinga, pagtibok, at istatik.

CUT TO:
Naghahabol ng malalim na paghinga si Joven. Basa't
bungayngay ang buhok mula sa pawis. Bumangon ito galing sa
pagkakahiga at may hinahanap sa kama. Iisahin ang mga unan
at gamit subalit hindi niya makita ang hinahanap. Bubulong
siya sarili.
JOVEN: Putang-
ina.
Hahayo siya sa paanan ng kama. Halatang hubo't hubad ito.
Maghahanap siya mula sa nagkahalo-halong mga kagamitan.
Iisahin niya ang mga ito hanggang makita niya ang hinahanap.
At sa wakas makikita niya rin ang yosi at layter.
JOVEN (CONT'D)
Diyan ka lang pala.
Sisindihan niya ito ng nanginginig niyang kamay. Ilang
beses muna niyang gagatilyuhin ang layter bago ito aapoy.
Hihithit siya nang makatatlong beses at bubugang malalim na
nakatingala ang ulo sa bubong - nakapikit ang mga mata.
Bubulong siya muli.
JOVEN (CONT'D)
Sambahin ang diyos.
Tututukan ang katangian ng kaniyang katawan. Balingkinitan.
Nakausli ang tadyang. Malalim na ukit sa leeg at balikat.
Isusuot niya ang tsyert at babalik mula sa pagkakahiga.

CUT TO:
Makikita ang iba't-ibang imahe ng silid. Lantang halaman sa
plorera. Umiingay na di-nalangisang bentilador. Imedya na
ng alas-nuebe sa gabi sa orasan.
JOVEN: (CONT'D)
Yosi?
Iaabot niya ang kapiraso sa katabi. Mahahagilap ang
bahaging katawan nito lalo na ang balagat nito. Hindi ito
iimik.
JOVEN (CONT'D)
Miss, sabi ko yosi.
2.

Walang tugon pa rin si Rica. Nakatingala ang ulo,


nakatulala at malalim ang paghinga.
Tutuon ang pokus sa detalye ng kaniyang katawan. Kakawayan
ni Joven sa mukha subalit alintana pa rin ito sa kaniya.
JOVEN (CONT'D)
Miss?
Biglan mauuliratan si Rica mula sa ubo. Pilit iluluwa ng
nangangati niyang lalamunin ang usok ng yosi.
RICA:
'Tangina! Ano ba?
JOVEN:
Ayan! Kanina pa kita kinakausap,
ni pagkibo wala man lang. ‘Yan
tuloy, pinausukan na lang kita.
At mukhang epektib nga.
RICA:
Gago ka? Baka nakakalimutan mo,
kliyente mo 'ko?
Ngingisi ito na may halong pagkulit kay Rica na muli
niyang bubugahan ng usok ng sigarilyo. Gagantihan at
ihahampas ni Rica ang unan sa kaniya.
RICA (CONT'D)
Uupakan talaga kita! Ipapalunok ko
'yang yosi sa 'yo.
JOVEN
Oo na. Oo na.
RICA
Bastos ka ha.
JOVEN
'Kaw lang 'ata 'yong unang
kliyenteng nagtanggi ng yosi.
An'sarap kaya makipagkuwentuhan
lalo na pagkatapos nito.
RICA
Yosi mo mukha mo! As far as I
know, iba ang binayaran ko. Wala
ro'n ang kausapin ka.
Bubulong sa sarili at tagong iimitahin ni Joven si Rica.
JOVEN
E, magkano ba singil mo sa
katiting na pag-uusap?
Hindi tutugon si Rica.

JOVEN (CONT'D)
Kung sa bagay, kahit diyos ngayon ayaw
tumanggap ni-sentimos sa altar.
Nakatalikod lamang si Rica at biglang tutunog ang sunod-sunod na
notification tone ng kaniyang mga mensahe. Wala itong imik at
nakatuon lamang ang mata sa selpon.Biglang makakaramdam si Rica
na may itinapon sa kaniyang likod. Makikita mula sa ilaw ng
selpon ang pagkainis sa kaniyang mukha. Kakapkapin ng kaniyang
kamay ang itinapon at titingnan mula sa ilaw ng selpon ang
dalawang daang papel.
RICA O,
ano 'to?
JOVEN
Balik ko na 'yan mula sa binayad mo.
RICA
O, para sa ano? Discount? 'Di kong alam
ko lang sana -
JOVEN
Naniningil ka kasi. Siguro matutumbasan
na niyan upang maging obligado ka nang
kausapin ako. Mahal nga, e!
Kukurba nang bahagya ang bibig ni Rica na mukhang nanunuya.
RICA:
Ano ba ang kinakati ng bunganga mo? Ha?
JOVEN:
Mabuti nga may mga tao pang kumakati
ang bungangang may maka-usap. Ang
pangit do’n ang nangangating isipang
gustong may makausap.
RICA:
Oo nga naman, ‘no? Pero,ser kaya nga
nanahimik, diba? Kasi minsan
4.

pananahimik na lang ang tugon ng


nangangating isipan.

Tutunog ang sirena ng curfew sa kalayuan. Hudyat na alasdiyes na


ng gabi. Matataranta si Rica. Susubukang ililigpit ang mga gamit
habang nakasapin pa ng kumot ang katawan.
JOVEN
Mukhang alanganin ka na ‘ata makakauwi,
ah. Lagot ka ‘pag nahuli ka ng mga
pulis.
RICA
Putang-ina! Wala bang malapit na
masasakyan diyan sa labas?
JOVEN
Sa ganitong dis-oras ng gabi, mga
lasing at patrolya na lang mapaparahan
mo.
(MORE)
JOVEN (CONT'D)
Saka masyadong matatalim ang pangil ng
gabi lalo na sa mga tulad mo. Ewan ko
lang kung bahay mo madadatnan mo?
RICA
Nanakot ka ba?
JOVEN
Dapat ka lang matakot! Katakutan mo
‘yong mga pulis kesa mismo sa mga tao
rito. Napakatahimik ng kalsada ngayon
upang malayang pagkanegosyohan ng mga
gagong ‘yon. N’ong nakaraan nga may
natagpuang-
Mauudlot sa ingay ng kumakalas na gamit ang pagsasalita ni
Joven. Makikita niya ito na nakatuon sa selpon at mukhang
nababahala habang nililigpit ang gamit.
RICA
Shit, bahala na.
JOVEN
Umaalingasaw ka pa nga ng tamod,
nagmamadali ka nang umalis.
RICA
Seryoso ka?

Aaamuyin ni Rica ang sarili at dali-


daling inispray ang cologne sa sarili.

JOVEN
Bangong-bangong mga tambay diyan sa
labas sa mga ganiyang amoy. Parang mga
aswang nagnanasa ng sanggol ang mga
‘yon.

RICA
Aswangin na kung aswangin, maghahanap
na lang ako ng malapit na masasakyan
diyan sa labas.

JOVEN
Balik mo na ‘yang mga gamit mo. Bayad
ko naman 'sang gabi rito. 'Di naman
kita sisingilin.
Titingin lamang sa bubong si Joven na kalmado ang mukha habang
hinihithit ang sigarilyo. Maririnig niya pa rin ang pagtataranta
ni Rica.
JOVEN (CONT'D)
Kung nag-aalala kang mamamatay tao ako,
mas pipiliin kong papatayin ka diretso
na sa hukay. Ayaw kong magligpit pa ng
dumi.
Tatahimik ang pagkalas ng mga gamit. Mapapakalma si Rica,
hahawiin ang buhok nang mahigpit na may konting pag-aalala sa
mukha. Babalik siya pagkakaupo sa kama.
RICA
In case na papatayin mo man ako, at
least man lang sabihan mo 'ko. Kahit
man lang diyan, preparado ako. No one
is prepared kay kamatayan kaya ako
open-arms ko itong sasalubungin.
JOVEN
Alam mo, makakaputol bayag 'yang dila
mo.
RICA
E, 'yang dila mo, mukhang higad.
Atat na atat kasi. Nangagati siguro
'yang makawala sa bunganga mo.
6.

Tatahimik lamang si Joven at bahagyang kukurba ang labi. At agad


niya naman uli ito magsasalita na medyo pabulong.
JOVEN
Tagal na rin kasi ang mga gabing tulad
nito.
RICA
Sabi mo? At saka kung wala kang planong
ibuga ‘yan palayo sa ‘kin, lamunin mo
na lang ‘yang usok ng sigarilyo mo,
pwede ba? Kung ‘di man ako mapatay ng
sakal o saksak, mapapatay mo ‘ko sa
hika.
Tatawa si Joven. Hahayo siya sa sa sulok ng bintana. At
ipupuwesto ang sarili sa durungawan. Makikita ang paghaplos ng
dilaw na liwanag sa kanyang mukha galing sa streetlight.
Makikita ang detalye ng kaniyang mukha.

JOVEN
Sabi ko matagal-tagal na rin kasi ang
gabing katulad nito. Tatanaw ka lang sa
sa bintana mula sa iyong higaan at
hayaan ang mundong paglaruan ang labas
dahil alam mong ligtas ka sa kinaroonan
mo.
RICA
E, ano naman ang makikita mo diyan sa
labas? Mga naghaharutang pokpok tulad
natin?
JOVEN
Kahit ano. Siyempre, wala ka namang
inaasahan. Halos nilamon na nga ng
dilim ang kalye pero ano pa ba naman
ang hihingiin mo. Tuwing gabi lang
naman mapayapa. Wala ang ingay ng
lungsod. Dito ka lang. Malayo sa mga
lasing. Mga pulis. Parang malayo ka
lang mismo sa siyudad kahit alam mong
kinatitirikan mo 'to.
RICA
Nakailang clients ka ba ngayon at
ganiyang pinagsasalita mo? Saka sa
karami-rami ng nakama mo, ni matinong
kausap, wala ba?
JOVEN
'Di ko alam. Parepareho lang mga
kapansanan ng mga tao rito. Mga pepe't
bingi. Nilunod na siguro ng ingay ng
siyudad. O baka, 'di lang sila inabutan
ng curfew.
RICA
Gago. So ganiyan pala ang kinakati mo.
O sabihin na lang natin, na mostly
talaga sa mga tao, masyadong pagod na
para makinig sa personal nating ka-
echosan. Ako nga 'di ko alam kung kaya
ko pang pakinggan sarili ko.
Tititigan lamang siya ni Joven. Magbubuntong-hininga at ihahagod
ang daliri sa noo at hahawiin ng kamay ang buhok.
JOVEN
Nakaka-umay na rin kasi. Paulitulit na
siklo na lang. Mahirap na baka mawala
na ‘ko sa katinuan.
RICA
Mukha na nga, e.
Tatawa siyang may pagkabigo sa sarili at kawalan ng pag-asa.
Hihithit siya nang malakas sa yosi.
JOVEN
Pakshet, dramang-drama tayo, ah. Ikaw,
pers taym mo?
RICA 'Yong
alin?
JOVEN
Makipagtalik, tapos sa estranghero pa.
RICA
Hindi at hindi. Nakailang beses na rin.
Four…five…seven times? ‘Di ko alam
nawalan na ako ng bilang. At bakit
sakin na napunta 'yong usapan?
JOVEN
Alangan namang akin lang 'tong interbyu
sesyon natin. Saka 'di na 'ko nagulat.
Masyado ka naman kasing halata kanina.
Tatawa silang dalawa habang abala ang mga sarili. Nakadungaw pa
rin si Joven. At nakahiga lamang si Rica.
8.

JOVEN (CONT'D) Mas magugulat


ka siguro dahil may nakasangga na
‘kong may mga uban na. Tapos may mga
lawit pa porener pa minsan. Wala na
'kong pakialam kung matawag na bakla.
RICA
Aba-aba, abot na natin
panginternational, ah. And expected ko
naman 'yan. 'Di naman ako magbabayad
kung nandidiri ako in the first place.
JOVEN
Makaisang-beses nga, ‘di ko inasahang
susugurin kami rito ng asawa ng lalaki.
E, siyempre itinaas ko agad pantalon ko
saka tumalon ng bintana.
Tatawa si Rica nang malakas at agad namang magbibigay senyas si
Joven na patatahimikin ito.
RICA
Nako,nako, mag-ingat ka na. Baka
isalvage ka ng mga asawa ng mga 'yon.
Mahirap na. Sigurado akong 'di kakasya
ang kinikita mo kung pagtatagain ka ng
mga ‘yon.
Humithit sa makahuling beses si Joven sa kaniyang yosi bago niya
ito pinatay. Giginhawa siya nang malalim at ibubuga ang usok.
Makikita ang paglakbay nito sa hangin sa dilaw na silahis ng
ilaw.
JOVEN
‘Di ko nga alam ba’t pinagkukuwento ko
‘to sa ‘yo. Pero, ‘eto ha, sikmura mo
lalamon sa ‘yo kung ‘di ka maghahanap
ng lalamunin mo. Pipili ka pa kung
walang laman yang tiyan mo. Ang mabuhay
sa mga anino ng mga barong-barong ay
walang senyales ng kung anumang
kinabukasan sa mga katulad namin.
RICA
‘Di mag-aral ka. Gano’n lang palagi
sabi ng teacher namin. Kung gusto mong
maging mayaman, eduation is the tool
kuno.
JOVEN
Namamangha talaga ako sa tulad niyo.
Nabubuhay kayo sa mga makukulay niyong
imahinasyon. Lalamunin niyo lang ‘yong
bato sabay sigaw ng darna.'Di tulad
namin, nabubuhay para may ipalamon sa
kumakalam na sikmura.
Mabibigla si Rica at biglang mauutal.
JOVEN (CONT'D)
Hindi iyon panunumbat, ha…Magtatatlong
taon na rin naman ako sa hayskul. Ang
problema ‘di ko alam kung ipagpapatuloy
ko pa. Pabagsak grado ko. ‘Di ko alam
kung may sikmura pa ‘kong patulan ‘yong
titser ko para maitawid lang ako.
RICA
To be honest ha, pakikinig lang naman
talaga maitutulong ko sa 'yo. E, kahit
makipagsiksikan ako sa Poong Nazareno,
kulang pa nga 'yon para mailigtas ko
sarili ko. Eto. God forgive me sana.
Iaabot ni Rica ang dalawang daan kay Joven. Mag-aatubili muna si
Joven kung tatanggapin niya o hindi.
RICA (CONT'D) O,
ano na?
JOVEN
Konting paawa lang pala.
RICA
Ganon pala, akin nga uli yan -
JOVEN
Siyempre, biro lang.
Babalik si Joven sa pagkakahiga. Iaayon ang sarili nang may
distansya kay Rica.
JOVEN (CONT'D)
Gusto ko namang umalis dito. Tumakas.
Pero kapag sa lungsod ka na, wala ka
nang matatakasan. Siguro, kung parte ng
katawan ang lungsod, mata ito. Tanungin
mo ko kung bakit?
RICA O
sige, bakit?
JOVEN
10.

Dahil wala kang takas dito. Alam lahat


ng kilos mo. Alam kahit paghinga mo.
Alam ng lungsod na ‘to ang sikreto mo
RICA
Ako tanungin mo ko kung ano ang siyudad
para sa ‘kin?
JOVEN
Sige nga –
RICA Titi.
Biglang magpapakawala ng tawa si Joven.
JOVEN
Hinayupak! Ba't titi?
RICA
Kakantutin ka ng siyudad. Kakantuting
nang kakantutin.
Paulit-ulit na ipapalamon niya lang
‘yong batuta niya sa ‘yo hanggang
maduwa’t purgang-purga ka na.
Matatahimik lamang silang dalawa. Maririnig ang pagpitik ng
orasan. Ang huni ng kuliglig. Ang huni ng pagtahol ng aso.
Hihiging nang malumanay si Rica ng Que será, será.
JOVEN
Ikaw, sa edad mong 'yan paano ka
napadpad dito sa sulok ng lungsod?
RICA
Naghahanap ng something new...Ewan. 'Di
ko alam kung aling bago o naghahanap
ako dahil may nawala ko.
JOVEN
'Di ka ba natatakot kapag nalaman ng
mga magulang mo?
RICA
Kung takot sa pulis o mapatay man,
lalong-lalo na kung malaman ng mga
‘yon.
Babangon si Rica mula sa pagkakahiga habang nakasapin lamang ng
kumot. Tutungo siya sa salamin at haharapin ang sarili.
Hahagudin ng palad ang kaniyang mukha patungong buhok.
RICA (CONT'D)
Tama ka siguro. Parepareho lang tayong
may mga kapansanan dito. Tingnan mo
'ko. I'm a girl, puta, pokpok,
desisiete anyos, lantad sa dis-oras ng
gabi habang may kasamang callboy.
Titingnan siya ni Joven mula sa repleksyon ng salamin.

JOVEN
May binuhay kang callboy. May pinakain
kang naghahanapbuhay.
RICA
‘Di ko alam. Ilang callboy pa ba
bubuhayin ko? Sa ganitong edad,
pinandidirian ko na’ng katawang ‘to.
Diring, diring, diri. Sarili mong
teacher sasabihan kang pinamumugaran ng
demonyo ‘yong puki mo.

JOVEN
Demonyo nga siguro.
Tatawa si Joven samantala uupo sa gilid
ng kama si Rica.
RICA
Alam mo ‘yon? Ang lumaki kang
pinapaniwalang, love best described a
family. Putang-ina.
Titingnan niya ang mga palad ng mga kamay niya. Patay ang mga
mata.
RICA (CONT'D)
Tapos, ang pinaggalingan ng
pagmamahalang 'yon ay ang silid at
kamang pinaghahatian ng parents mo.
Tapos ano? Aalis 'yong isa tapos that's
it. Kayong mga anak ang sasagot sa
penitensiya ng mga Satanas na ‘yon.
Walang imik lamang si Joven habang pinaglalaruan ang layter.
Gagatilyuhin ito nang makailang beses.
JOVEN
At ilang kama na rin ang
pinaghatian mo. Ilang kama ba
12.

kailangan mo para lamang


maintindihan mo ang mga bagay-
bagay, ha? Taksil ang buhay.
Tatawa si Rica.
RICA
Gago. Kung kailangan ang kama ng diyos,
'di ako pipigil.
Nanginginig ang kaniyang mga palad at ikukuyom ang mga ito nang
mahigpit sa kumot. Iaabot ni Joven ang kapirasong yosi sa
kaniya. Sisindinhan ito ni Joven. Hihingang malalim si Rica at
ibubuga ang usok nang malalim na nakapikit ang mga mata.
JOVEN
Joven.
Iaabot ang kamay kay Rica habang nakatingala sa bubong.
Nakatulala lamang si Joven sa bubong. Makikita niya ang
paglakbay ng usok paitaas. Hanggang unti-unting sasarado ang
mata niya.

CUT TO:

INT. KWARTO - GABI

INT. KWARTO - GABI


Sisimula sa itim na tabing. Umaalingawngaw ang huni ng paghinga,
pagtibok, at istatik.

CUT TO:
Babangon si Joven mula sa pagkakahiga. Humihingal siya nang
malalim. Agad na dadamputin ang layet at yosi. Hihithit siya
nang makailang beses at bubugang malalim - nakatingala ang ulo't
nakapikit ang mata. Titingin siya sa katabi.
JOVEN: Yosi?

CUT TO:

ITIM NA TABING.

KATAPUSAN.
13.

You might also like